Sa mundo..
Sino ba ang mga nakatira dito?
Yung maganda mong sarili?
Yung fuckboi mong boyfriend?
Yung chismosa mong kapitbahay?
Yung siga sa kanto?
Yung teacher na laging highblood?
Yung boss mong may extrang mata sa orasan?
Yung aso niyong sarap kaldereta dahil panay ngatnat ng tsinelas mo?Yung ipis niyong feeling butterfly?
Yun lang ba talaga?
Sila lang ba talaga?
"Isa kang lapastangan malaking bubuyog!"
Nagulat na lamang ako ng gumugulong na ang ulo ni Jollibee. Augh ano bayan nahahawa na ako sa...ano ba tawag sakanya?
Sanggano?
Yun nga ata.
"Pirena!" Sabi ko at tumakbo palapit sakanya. Inilayo ko na run ang espada na nakatutok kay Jollibee.
"Miss?! Ano ba yang kasama mo? Baliw bayab?!" Sigaw ni Manong Kuya.
"Ah ano! Hindi po. May play po kasi sila mamaya at malaking bubuyog ang kalaban niya. Nagpractice lang. Pasensya na."
Sabi ko at hinatak na palayo itong sakit sa ulo na babaeng ito.
"PASHNEA!"