Chapter 22: Why

1.3K 86 5
                                    

Paano ba nalalaman ng isang nilalang na umiibig na ang isang nilalang?

Yun ba kahit ihing ihi kana kapag kasama mo siya maglakad, babagalan mo parin?

Yun bang sa simpleng pagngiti niya sayo, pakiramdam mo kompleto na ang araw mo kahit ang totoo bes ay gabi na?!!

Yun ba kahit walang kinalaman si Superman sa buhay mo, pero pakiramdam mo lolo mo siya. Dahil handa kang gawin lahat para sakanya?

"Basta masaya ako kapag kasama ko siya."

"Hindi kaya iniibig ko na siya?"

"Hindi maari."

Ngunit ramdam na niya, may iba na. Mahal na niya.

Bigla nalang itong tumayo at nakangiting naglakad, patungo sa rosas na balak niyang ibigay kay Rhian.

"Ngayon ko lang naramdaman lahat ng ito, napakasaya pala talaga umibig. At pakiramdam mo lahat kaya mong gawin, ngayon sigurado na ako sa nararamdaman ko. Hindi na ako muling babalik pa ng Encantadia, iiwan ko na ang aking nakaraan at ipagpapatuloy ang kasuluyan dito. Kasama si Rhian." Nakangiting sabi nito habang nakatitig sa rosas.

"Nakakapagbagbag damdamin naman ang iyong tinuran, aking anak."

Napaatras naman si Pirena at nabitawan ang rosas.

"Hagorn."

"Ganyan ba ang tamang pagbati sa iyong, Ama? Pirena?" Sabi nito at humalakhak.

"Ano ang iyong kailangan?!"

"Kailangan ko lang malaman ano ang ginagawa mo sa mundong ito?" Tanong pa ni Hagorn.

"Si Amihan, sapilitan niya akong dinala dito sa mundo ng mga tao."

"Kung gayon, halika na at sumama ka na saakin pabalik ng Encantadia, Pirena. Nang mapagbayaran na ni Amihan at ng mga nanalig na mga diwata sakanya." Alok ni Hagorn dito.

Pero hindi, buo na ang desisyon niya. Mananatili na lamang siya sa mundo ng mga tao at hindi na babalik pa ng Encantadia.

At siguro simula ng minahal niya si Rhian, ay nagsimula na din siya buksan ang sarili sa iba. Lalo na sa mga kapatid niya, kaya hindi. Hindi na siya gagawa ng ikapapahamak ng Lireo lalo na ng kanyang mga kapatid.

"Hindi na ako babalik pa sa Encantadia." Madiin na sabi ni Pirena.

"Ashtadi! Hindi para sa iyo ang mundong ito, Pirena! Hindi ka nababagay dito."

Nangagaliiting saad ni Hagorn kay Pirena.

"Maari ngang hindi ako para dito, ngunit buo na ang pasya ko. AMA. Hindi na ako babalik pa ng Encantadi." At tumalikod na si Pirena.

"Kung ganon m, wala na akong magagawa kung nakapagpasya ka na hindi ka na hindi babalik namg Encantadia, ngunit ipagpaumanhin mo rin, kung wala na ka ng magagawa kung ipapaslang ko saaking mashna ang taong nagkupkop at nagalaga sayo dito sa mundo ng mga tao."

Pashnea si Rhian.

Ngunit hindi, paano na lamang kung pinaglalaruan lamang siya ng kanyang Ama?

"Rhian ang kanyang ngalan, tama ba ako? Aking anak?"

Nanigas sa kinatatayuan niya si Pirena, si Rhian.

"Ngunit kung sasama ka saakin, pabalik ng Encantadia. Pinapangako at binibigay ko sayo ang aking salita, na wala akong gagawing masama sakanya, sumama ka lang saakin ng Encantadia."

Tiningnan ni Pirena ang rosas at pinulot ito.

"Bukas ng gabi, binibigay ko rin sayo ang aking salita, sasama ako sayo pabalik ng Encantadia. Wag mo lamang siyang sasaktan."

---

So bale last chapter where tas ngayon why, next chapter naman is how.. HAHAHAH CHOS

Unexpectedly(Rastro)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon