"Isa ka rin bang enkantado?" Nagulat ako sa tanong niya. Kaya napaangat naman ako ng ulo para tingnan siya.
"Anong sinasabi mo?" I said then I chuckled.
"Dahil napagaan mo ang nararamdaman kong sakit."
Napatawa naman ako.
"Ano ka ba? Its hot compress hindi kapangyarihan. Tsaka kasi sa susunod magiingat ka na. Pa sanggre sanggre ka pa tapos hagdanan lang mahuhulog ka pa?"
"Hot compress pala ang tawag diyan, masarap sa pakiramdam Rhian."
"Sana kapag ang puso sobrang nasaktan pwede rin i hot compress noh? Para kahit kaunti mawala yung sakit." Hugot ko.
Pero dahil hindi nageexist ang salitang joke kay Pirena..."kung nasaakin lang sana ang aking brilyante maari rin kitang tulungan para mapabuti ang iyong puso."
Napatawa nalang ako sakanya.
"Eh bakit ka ba kasi napunta dito sa mundo namin?" Tanong ko.
"Pinatapon ako ng taksil kong kapatid na si Amihan."
"At bakit ka naman niya ipapatapon? Baka naman may ginawa kang hindi maganda ah?"
"Wala!"
Sigaw naman niya na nagpagulat saakin.
"Sorry! Guilty lang?"
"Pinatapon niya ako dahil gusto niya siya ang mamuno sa kaharian ng lireo. Kahit pa ako ang karapatdapat." Sabi niya.
"Paano ba pinipili ang magiging sunod na reyna?" Tanong ko sakanya.
"Isang pagsubok. Isang pagsubok na ako naman talaga ang nagwagi ngunit dahil si Amihan ang paboritong anak ng Ina siya parin ang pinili ng Ina."
Ang layo talaga ng sagot niya sa tanong ko eh.
"Alam mo maswerte ka pa nga eh! At least kahit hindi ka pinili ng Ina mo minahal ka parin niya. Ako? Simula pinanganak ako sa mundong ito hindi na ako pinili at minahal ng Ina ko."
"Pero ang sabi mo saakin ang ibig sabihin ng Ina dito sa mundo niyo ay Mommy rin. Kung ganoon? Sino ang Mommy na tinatawag mo?' Tanong niya.
"Hindi ko siya tunay na Ina. Pagkapanganak ko pa lang iniwan na ako ng Nanay ko. Ang sabi ng Mom and Dad ko nakita daw nila ako sa malapit sa basurahan sa labas ng subdivision."
Malungkot sa sabi ko.
"Wag ka nang malungkot Rhian, kung iniwan ka ng Ina mo. Ako hindi kita iiwan."
Napatawa naman ako sa sinabi niya.
"Eh kaya ka nga nandito kasi humihingi ka ng tulong para makabalik ng Encantadia eh! Edi iiwan mo rin ako."
"Edi kung gusto mo isasama kita sa encantadia." Inosenteng sabi niya.
"Alam mo? Parang exciting yan. New place? Para magkaroon ng new life. Pero hindi pwede nandito ang buhay ko. Nandito ang pamilya ko. Kaya dapat nandito rin ako."
"Hmmm.....edi hanggat nandito ako hindi mo na kailangang mangambang magiging magisa ka. Dahil hanggat nandito ako...may makakasama ka. Dahil hanggat nandito ako hindi ka magiisa."
Napangiti nalang ako sa sinabi ni Pirena. Pero alam ko naman na dadating rin ang panahon na iiwan niya ako...tulad ng pagiwan saakin ng Nanay ko.
*******
HI PEEEPPSS! Bale medyo drama muna medyo lang...next time nalang kashungahan ni pirena este kainosentihan pala
Kung may suggestion kayo sa story tweet me nalang ah? Or comment below pero mas ok sa twitter. Kasi mas nababasa ko yun kapag sa twitter ko. Dahil hindi naman ito yung main act ko so nagoonline lang ako dito kapag maguupfate then logout agaf hehehe. Twitter:ranty_op