Chapter 28:Gitara

1.3K 90 9
                                    


"Nasaan si Rhian?" Sambit ni Pirena sa sarili niya. Ngunit hindi niya napansin na nandoon lang pala si Danaya sa likod niya at tinitingnan siyang palakad lakad sa tinutuluyan nila.

"Bumalik siya sa mundo ng mga tao."Sagot naman ni Danaya dito. Kaya naman napaharap nalang si Pirena sa gulat, dahil na din sa sinabi ni Danaya. Ano? Si Rhian? Bumalik ng mundo ng mga tao? Bakit? Dahil ba sa sinabi niya? Dahil ba sa inamin niyang mahal niya ito? Dahil nung inamin niya ang nararamdaman kay Rhian ay wala namang sinabi man lang si Rhian. Bigla lang itong umalis at hindi nagpunta ng ensayo nilang dalawa.

"B-bakit?"

Hindi mapakali na tanong ni Pirena. Sa totoo lang kinakabahan na siya, paano kung hindi na bumalik pa si Rhian? Hindi naman niya maari biglang iwan ang mga kapatid niya at sundan si Rhian sa mundo ng mga tao. Lalo na't nasa gitna sila ng digmaan.

"Ang pagkakatanda ko na sinabi niya kay Hara Durye ay may importante lamang siyang gagawin sa kanilang mundo. Ngunit bago mag gabi ay babalik din siya agad dito."

Sa narinig naman ni Pirena ay para siyang nakahinga ng maluwag. Akala niya talaga ay bumalik na ng mundo nila si Rhian. Nahalata naman ni Danaya ang parang pagbabago bago ng nararamdaman ni Pirena.

"Ayos ka lang ba Pirena?" Tanong ni Danaya.

"Oo."

"Bakit mo nga pala hinahanap ang anak ng Hara Durye?" Tanong ni Danaya. Natigilan naman si Pirena sa biglang tanong ni Danaya.

"Nagtaka lamang ako kung bakit hindi pumunta ng ensayo ang anak ng Hara Durye. Inuna pa pala niya ang pagpunta ng mundo ng mga tao kaysa sa pageensayo?" Dahilan ni Pirena. Parang hindi pa siya handa ikwento kay Danaya ang nararamdaman niya. Dahil una siya si Danaya pangalawa siya naman si Pirena. Ang komplikado noh? Kaya nga hindi niya muna kinekwento eh.



~~


"So kaya ka pinayagan ng nanay mo na bumalik dito at pumunta dahil may importante kang gagawin? Seriously Rhian? Iyan ba ang importanteng gagawin mo dito? Mag rantSXZ with capital ES EKS ZEY?" Napairap naman si Rhian sa pinagsasabi Fiery. Sa hinaba haba ng sinabi niya ayan ang makukuha niyang sagot? Aba ayus.

"Fiery naman! Ano ng gagawin ko?"

Tiningnan naman siya ng seryoso ni Fiery sa mata."Pag sinabi ko bang tumalon ka sa bangin tatalon ka sa bangin?" Seryosong sabi nito pero tiningnan lang siya ng masama ni Rhian.

"Ano nga?"Tanong pa ulit ni Fier.

"Of course not! Ano ako? Gagaya mo sayo? Uto-uto?"Sagot ni Rhian at binato ng papel si Fiery. Pero seryoso parin itong tumingin sakanya at nagsalita.

"Yun naman pala eh. Kahit anong sabihin ko kung hindi mo gusto, hindi mo gagawin." Tumungo tungo lang naman si Rhian kaya naman nagpatuloy si Fiery sa pagsasalita. "Pero kung ako sayo Rhi? Follow your heart. Kung anong gusto niyan, yun yung gawin mo. Hindi man maganda ang kalabasan o masaktan ka man sa process. Alam ko in the end magiging masaya ka parin. Because alam mo sa sarili mo ayan yung gusto mo at wala kang pagsisihan dahil kahit saglit lang alam mo sa sarili mong naging masaya ka sa desisyon na ginawa mo." Nakangiting sabi Fier dito.

"Ay! Oo nga pala Rhi. Can I borrow your guitar? Please. Kay Darling lang sana. Alam mo naman kung gaano kaarts yun."

Sa sinabi ni Fier ay hindi naman maiwasang maisip ni Rhian ang nangyari noon.

"Pirena!" Sabi ko at inagaw ang gitara sakanya.

"Kakaiba ang sandatang iyan Rhian."

Abat? Pinagkamalan pang espada ang gitara ko?

"Hindi ito sandata okay? Gitara toh!"

Juskolord! Please give me more strength para mahandle itong pirena na ito. Please po nakikiusap ako.

"Earrtthhh tooo rrrhiiaaann!" Sigaw ni Fier habang pumapalakpak pa sa harap ko.

"Yeah yeah. Hahanapin ko nalang tapos ipadadaan ko nalang kay Manong dito since magggabi na at kailangan ko ng makabalik ng Encantadia."


Pagdating naman ni Rhian sa bahay niya ay agad niya hinanap ang gitara ngunit sa hindi malamang dahilan ay hindi niya ito makita. Kaya naman tinext niya nalang si Fier na ipapahanap kay Manang at kailangan na niya umalis.


Pagdating niya ng Encantadia ay agad siyang nagpunta kay Pirena. Dahil kailangan niya na din magensayo dahil sa totoo lang kung sa movie ni FPJ(ehem) ay marami pa siyang isasaing na bigas at kakain ito.


At sa ilang linggo na pamamalagi niya sa kuta nila ay ngayon lang siya papasok sa tinutulugan ni Pirena kaya laking gulat niya ng makita niya ang gitara niya doon.

"Anong ginagawa nito dito?"Sabi niya sa sarili niya at kinuha ito. 

"Rhian."

Napatingin naman si Rhian sa tumawag sakanya si Pirena pala.

"Anong- anong ginagawa ng gitara ko dito?" Tanong ni Rhian.

"Diba't napakaganda niyang sandata?"

"Ilang beses ko bang sasabihin na hindi nga iyan sanda-"

"Ng manliligaw?"

(OKAY NABASA KO LANG YAN SA ISA SA MGA COMMENTS HINDI MAN AKO NAKAPAGREPLY PERO SOBRANG BENTA SAAKIN YAN AHHAHA! HELLO SAYO KUNG SINO MAN NAGCOMMENT NIYAN ANG BENTA NIYA I SWEAR! BIBILI AKO MGA 100 HAHAHAH)

Unexpectedly(Rastro)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon