Chapter 17: Mabuting reyna

1.2K 82 3
                                    


"E-encantadia? Lireo? Saan yun?! Mommy! Dadddy!"

"Shedda! Kanina ka pa nandito at ngayon mo lamang napansin na nasa ibang lugar ka? Pashnea!"

Pero patuloy lamang ito sa pagiyak. "Shedda!"

"Hindi shedda ang pangalan ko."

Sagot naman ng bata habang patuloy parin sa pagiyak.

"Kung ganoon ano ang ngalan mo?" Sandali naman ito napatigil sa pagsasalita. "Wag ka na lamang pala magaksaya ng lakas upang sabihin ang iyong ngalang dahil wala naman akong pakialam."

Sabi nito at bigla na lamang ginamit ang kapangyarihan nitong makapaglaho at nagtungo ng Lireo.

"Ina!"  bati nito sa Ina.

Si Reyna Minea.

"Pirena, saan ka nagtungo? Kanina pa nagumpisa ang pagsasanay ninyo."

"Sapagkat ng ako'y pabalik na ng kaharian ay bigla akong nakitang kakaibang nilalang, iba ang kanyang pananalita at kasuotan, at ng nagtanong ako sakanya kung bakit ganoon ang kanyang kasuotan ay biglang may dumating na mga hathor na hindi ko malaman na dahilan ay tinawag niyan itong clowns. Mabuti na lamang ay nakapagivictus ako kaagad, at nakatakas kami sa mga hathor." Salaysay ni Pirena, habang bakas naman kay Minea ang pagaalala sa anak kaya naman inakap niya ito ng mahigpit.

"Mabuti na lamang walang nangyari sa iyo na masama."

"Mahal na Reyna." Biglang sabi ng kawal at nagbigay galang sa reyna. Kasunod naman nun ay isang kawal na hawak hawak ang isang paslit.

"Ikaw!" Sigaw ni Pirena at tinuro ang bata. "Warka ka talaga!"

"Ano ang nangyari?" Tanong ni Reyna Minea at naglakad papalapit sa bata.

"Mahal na Reyn, nahuli namin siya na papunta sa silid ng Sanggre Amihan."

"At bakit mo naman nais pumunta sa silid ng aking anak?"

"Sorry po. Hindi ko lang po alam kung ano ang pupuntahan ko para makalabas at makauwi saamin. Gusto ko na po umuwi saamin! Hinahanap na ako ng Mommy at Daddy ko." Iyak pa nito.

"Iba ang iyong pananalita at kasuotan, ikaw ba ay galing sa mundo ng mga tao? Paano ka napunta dito?" Tanong pa ni Minea.

"Opo, hindi ko po alam." Sagot nito.

"Pirena."

"Ina."

"Isana mo muna ang batang ligaw sa iyong silid."

"Ngunit ina!"

"Pirena." Madiin na sabi nito kaya naman wala na itong magawa.

"Dama, ipatawag si Ades."

Nagsimula naman na maglakad papuntang silid si Pirena at ang batang ligaw.

"Wag na wag kang gagalaw at hanggat sa maari kung pwede lamang ay wag ka na din huminga." Sabi ni Pirena.

Ngunit hindi ito pinansin ng bata bagkus ay dumiretso ito sa kama ni Pirena at nagtatalon.

"Anong ginagawa mo warka ka?!"

Singhal ni Pirena sa bata.

"Tumatalon! Masaya kaya. Subukan mo ng hindi naman laging nakasimangot iyang mukha mo." Sagot nito.

"Shedda!"

Patuloy parin sa pagtalon ang bata habang si Pirena naman ay patuloy an pagpapatigil dito.

"Halika na kasi!"

"Pashnea! Kung gagawin ko ba iyang ginagawa mo ng isang beses ay titigil ka na?!"

"Oo!"

At ginaya nga ni Pirena ang ginagawa ng kanyang kapwang batang paslit. At sa hindi malamang dahilan ay nakaramdam siya ng saya. Nagkakaroon ba talaga ng kasiyahan sa simpleng pagtalon sa kama?

Tinuruan din ng batang ligaw si Pirena ng laro sa mundo ng mga tao, tulad ng jack en poy, nanay tatay at iba pa.

"Ah, edi ikaw ang susunod na reyna ng Lireo? Sa tingin ko naman magiging mabuti kabg reyna ng lireo."

Bigla naman napangiti si Pirena sa sinabi ng bata.

"Sa tingin mo?"

"Oo naman, kaya lang mas magigingg mabait ka na reyna kung hindi ka masyadong magiging masungit." Inosenteng sabi nito. "At syempre pag lagi kang nakangiti tulad ng inang reyna mo."

At bigla nalang ulit napangiti si Pirena.

Unexpectedly(Rastro)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon