After 2 years"Pwes gawin mo ng maayos yung trabaho mo! Hindi nagaaksaya ang kompanya para sa isang incompetent na katulad mo!"
Sabi nito at pinalibag ang folder sa harap nito, agad agad din naman nito kinuha at nagmamadaling lumabas ng opisina. Kasabay ng paglabas ng empleyadong nasigawan ni Rhian kani-kanina lang ay ang pagpasok naman ni Fiery.
"Rhi, easy ka lang."
Ngunit ni hindi man lang niya ito nililingon at focus lang sa laptop nito.
"Rhi."
Humarap naman na ito ni Fiery at sinabi. "What are you doing here? Diba oras pa ng trabaho natin?" Masungit na sabi ni Rhian.
"Rhi, its been 2 years. Since nawala si Pirena--"
Agad naman napalingon si Rhian ng marinig niya ang pangalang iyon.
Pirena.
"Pwede ba Fiery-"
"No! Pwede ba Rhian? Its been 2 years. Since nawala si Pirena, alam mo at alam kong hindi na siya babalik. Pero kami Rhian, nandito kami. Hindi ka namin iniiwan at hindi ka namin iiwan."
Sinara naman ni Rhian ang laptop niya at hinarap ang kaibigan. "I know na hindi na siya babalik, and I dont care! Bahala siya sa buhay niya. Doon naman siya magaling, yung sarili lang ang isipin."
Sabi nito palabas nadin ito ng opisina ng biglang nagsalita si Fiery.
"Hindi na siya babalik, alam natin lahat yun. Pero umaasa parin ako Rhian, sana bumalik na siya. Para bumalik ka narin saamin. Kasi alam mo? Nung umalis si Pirena, parang hindi lang siya yung nawala. Ikaw din Rhian, nawala ka na din saamin."
Agad agad din naman nagtungo si Rhian sa parking lot. At nagmaneho pabalik ng bahay. Panay din ring ang phone niya, ayaw man niyang pansinin ay wala din siyang nagawa dahil sobrang nakakainis ang ingay nito.
Nang kukunin niya na ito ay bigla nalang itong nadulas sa kamay niya. Dahil wala naman masyadong sasakyan ay kinuha na niya ito. Pagangat niya ng ulo ay biglang may liwanag nalang na sumalubong sakanya.
Wala na ang liwanag, pero nakatulala pa din siya.
May naalala siya.
Naalala niya si Pirena.
"Teka?"
Napababa naman ako ng kotse ng may nakita akong babae nakaluhod sa tapat ng kotse ko.
"Miss? Miss?"
Tawag ko sakanya.
"Are you okay?"
Tanong ko ulit.
"Pashnea!"
Ano daw pasensya na?
"Hindi miss! Okay lang. Muntik mo lang ako mapakulong! Susko! Bigla bigla kang tumatawid! Pero papatawarin kita kung tatayo ka na diyan dahil nakaharang ka."
Sagot ko sakanya.
"Pashnea! Ano ang iyong sinasabi?"
"Huh? Okay na nga Miss! Pinapatawad na kita. Basta tumayo ka na diyan dahil malelate na rin ako!" Sabi ko at tiningnan ang orasan ko.
"Pashnea!"
Napakamot nalang ako ng buhok sa inis. Sinabi ko naman sakanya okay na! Bakit ba hingi parin siya ng hingi ng sorry.
"Miss! Alam kong malaki ang kasalanan mo. Pero okay na nga kaya pwede ba? Tumayo ka na diyan?"
Pilay ba ito? Kanina pa ayaw tumayo eh.
"Ikaw babae, maari mo bang sabihin saakin kung nasaan pa ang isang susi ng asnamond?"
Ano daw salmond? Binabaliw ako ng babaeng ito!
Dahil kahit naman anong pilit niya, kahit anong sabi niya sa puso niya na kalimutan nalang ito. Hindi niya ito magawa. Dahil kahit ano man ang sakit na naidulot nito sakanya, mas nangignibabaw pa din ang pagmamahal niya para dito. Para kay Pirena.
Nagulat nalang din si Rhian ng biglang may babae sa harap ng kotse niya.
Kaya agad din bumaba si Rhian at tiningnan kung okay lang ba ito.
"Miss? Okay ka lang?"
Napansin niya din na kakaiba ang kasuotan nito, parang si Pirena noon, hindi kaya galing din siya sa Encantadia? Hindi hindi Rhian, paranoid ka lang taaga.
"Rhian ikaw na ba iyan?"
"K-kilala mo ako? Pa-ano? Sino ka ba?" Naguguluhang tanong ni Rhian dito.
"Masaya akong lumaki kang maayos, at napakaganda mo din.'
"Miss sandali lang? Hindi mo pa sinasagot yung tanong ko. Sino ka ba talaga?"
"Ako ang iyong Ina."
"Ina? Sandali lang? Ano? Ina?"
"Oo Rhian, ako ang iyong Ina............ako si Cassiopea."
~~
![](https://img.wattpad.com/cover/82808143-288-k716485.jpg)