Chapter 6: Allergy

1.9K 110 20
                                    




______

"Agane ano na ang balita kay Pirena?" Agad na sabi ng hari ng mga Hathor na si Hagorn.

"Napagalaman ko na nakapunta si Pirena sa mundo ng mga tao."

Nang marinig ni Hagorn ang balita ni Agane ay agad na nakaramdam ito ng galit. Dahil muli ay gumawa nanaman ito ng hakbang na hindi niya nalalaman.

"Pashnea! Agane! Gumawa ka ng paraan upang makuha ang susi ng asnamond sa Reyna ng Lireo. Pashnea!"

****

"Basta mahal na Reyna, wag na wag kang magtitiwala sa kanino man."

Ilang mga salita na hindi makalimutan ni Amihan. Ilang mga salita na nagpapagulo ng kanyang isip.

"Danaya." Tawag nito sakanyang kapatid na kasalukuyan na kausap ni Aquil.

"Hara Amihan."

"Aquil, maari mo ba muna kami maiwan?"

Bago umalis si Aquil ay nagpakita muna ito ng paggalang sa reyna at sanggre.

"Danaya may nais sana akong ipagawa sa iyo."

"Ano iyon Amihan?"

"Nais ko sana personal mo na hanapin si Pirena." Utos ni Amihan.

Sa totoo lang maraming beses niya muna pinagisipan ang pinasya niya bago pa niya sabihin kay Danaya. Dahil kahit pa wala na kay Pirena ang brilyante niya ay alam niya kakaiba ito magisip delikado. Ngunit anong magagawa niya? Siya lamang ang hindi 'kanino man' kay Amihan ngayon. Dahil si Alena rin ay umalis ng lireo upang hanapin si Ybarro. Si danaya lang ang nagiisang mapagkakatiwalaan ni Amihan.

"Personal?"

"Nais ko sana na ikaw lamang ang makaalam ng aking pagpapahanap kay Pirena sa encantadia."

"Ngunit bakit kailangan pa natin siyang hanapin? Isa siyang taksil! Malamang ay kinain na lamang siya ng mga pashnea."

"Danaya! Kahit ano man ang nagawa ni Pirena noon kapatid parin natin siya at bilang reyna ng lireo pinaguutos ko na hanapin mo siya at dalhin saakin ng buhay."

________

"Sino ho ba iyon?" Paulit ulit na tanong ni Pirena kaya naman natawa nalang si Yaya Maria.

"Alam mo kanina ka pa tanong ng tanong? Ilang beses ko bang sasabihin na siya ang boyfriend ni Mam Rhian?" Sagot ni Yaya Maria at nagpatuloy na sa pagluluto.

"Eh ano ba iyong boyfriend?" Tanong ulit ni Pirena.

"Hay nako bata ka. Boyfriend. kasintahan. Iniirog. Iniibig." Sagot naman ni Nanay Maria.

"Siya pala ang iniibig ni Rhian."

"Hmm..."

Napatawa naman si Yaya Maria."Ay Nak! Sandali. Pwede bang ikaw na ang magtimpla ng maiinom ni Jason? Iyon oh." Turo ni Nanay Maria.

"Ang nasa dilaw ay ang asin tapos ang nasa blue naman ay ang asukal. Damihan mo ng asukal dahil mas gusto iyon ni Sir Jason. Wag kang magkakamali ah? Dahil may allergy si Sir Jason sa sobrang maalat."

"Ano ang allergy."

"Ah basta! Nakamamatay."

Tumungo tungo naman si Pirena. Nang lalagyan na niya na ng asukal. Kinuha niya ang dilaw na lalagyanan at sinabi.

"Pashnea. Pag ikaw hindi pa namatay."

Sabi nito at nilagay ang Kalahati ng asin.

******

SYEMPRE MGA BES

HINDI PWEDENG HINDI MAGKAKALAT NG KASAMAAN SI PIRENA JUSQ HAHHAHAAHAHHAH

Unexpectedly(Rastro)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon