Chapter 27:Yung maiintindihan

1.3K 88 9
                                    

"Hindi mo naman kailangan sagutin pa yung sagot ko." Ngiting sabi ni Amihan kay Rhian.

Pero hindi parin mawala sa isip niya ang tanong ni Amihan. Saan nga ba? Marahil nasabi na nga niya sa sarili niya na dito siya sa Encantadia nababagay. Pero ang tanong na gumugulo parin sa kanyang isipin ay saan nga ba niya mas gugustuhin?

"Basta kami masaya kaming nandito ka ngayon Rhian." Ngiting sabi pa ni Amihan kay Rhian at sa hindi naman inaasahang pagkakataon ay biglang dating din naman ni Pirena.

"Pirena!" Nakangiting sinalubong naman ni Amihan si Pirena. 

"Pirena, tingnan mo nga naman ang pagkakataon. Naalala mo yung batang ligaw noon? Yung tinulungan ni Ina na makabalik sa mundo nila. Sa mundo ng mga tao, akalain mo bang si Rhian iyon!" Pa iling iling na sabi ni Amihan dito. 


Oh no! Amihan why?! Hindi naman na mapakali si Rhian sa kinauupuan niya ngayon. Bakit ba kailangan sabihin pa iyon ni Amihan? Dati siyang Hara kaya dapat pinagiisipan muna niya ng ilang milyong beses ang gagawin niya bago itong gawin. O baka naman napagisipin na talaga ni Amihan iyon ng dalawang milyong beses pa. Augh! Basta hindi nalang sana sinabi ni Amihan pa kay Pirena iyon. AMI WHY!


Bigla naman tumingin ulit si Amihan kay Rhian at ngumiti. "At doon ko unang nakitang umiyak si Pirena, nung umalis ka."

 Napatingin naman si Rhian kay Pirena na halos parang gusto niya ng busalan ang bibig ni Amihan sa mga pinagsasabi nito. May binabalak ka ba President slash Captain Amihan? Este Hara Amihan.


"Warka!" Singhal naman ni Pirena dito na kinatawa lang ni Amihan. "Hindi ako si Warka! Ikaw si Warka." Patawa tawang sabi pa nito.


Ilang sandali lang naman ay tinawag na ni Danaya si Amihan kaya nagpaalam na ito sa dalawa.


"Hindi ako makapaniwala na ikaw si Warka." Biglang sabi ni Rhian ngunit hindi parin makatingin kay Pirena.

"At bakit?"

"Hindi kasi kayo magkatulad."

"Paanong hindi magkatulad?"

"Marunong magpahalaga ng pinagsamahan si Warka, Pirena. Hindi tulad mo."

Napatigil naman si Pirena sa biglang sinabi ni Rhian. Hanggang ngayon ba yun parin ang iniisip niya? Siguro nga. Dahil sa ilang linggo na namamalagi at nageensayo sila ni Rhian ay hindi parin nito sinasabi ang tunay na dahilan kung bakit siya umalis ng mundo ng mga tao.

"Bakit ano ba ang tingin mo sa tulad ko?"

"Sinungaling."

"Sinungaling?"

Humarap naman si Rhian kay Pirena at bakas ang galit ni Rhian sa mukha nito.

"Sinabi mo E correi deu diba ang ibig sabihin non, mahal kita? Diba? Diba ayun ang ibig sabihin non? Mahal kita? Sinabi mo yun saakin. Mahal mo ako, pero bakit ka umalis? Bakit mo ako iniwan?! Ganyan ka ba magmahal? Iniiwan at sinasaktan mo ang taong mahal mo?"

Tumayo naman na si Rhian at tiningnan si Pirena sa mata."Pwes sayo na iyang pagmamahal mo! Hindi ko yan kailangan."

Paalis na si Rhian ng bigla siyang higitin ni Pirena at..."D-i-d-d y-ou just kissed me?!" Imbis naman na sumagot si Pirena ay muli niya itong hinalikan.

"Bakit mo ako hinalikan?" 

"Hindi kasi kita maintindihan."

"Ano? Hinalikan mo ako kasi hindi mo ako maintindihan?" Tiningnan naman ni Rhian si Pirena ng masama.

"Ang ibig kong sabihin hinalikan kita nung una kasi mahal kita..yung pangalawa? Hindi ko naintindihan yung sinabi mo eh. Malay ko ba na sinabi mo na 'Pirena, ang sarap mo palang humalik. Isa pa." Sagot naman ni Pirena dito haban pinipigilan ang pagtawa. Kaya naman mas sinamaan siya ng tingin ni Rhian. At doon naman na nagseryoso ng tingin si Pirena.

"Hindi ko ginusto na iwan ko noon, hindi mo lang Rhian. Sobrang sakit din ang naramdaman ko nung iwan kita." At pinaliwanag naman na ni Pirena ang nangyari, ang ginawang pananakot ni Hagorn sakanya kaya napilitan siyang iwan si Rhian. 

"Rhian, gusto ko lang malaman mo na ibang Pirena o ibang ako ang nakilala mo sa mundo ng mga tao sa Pirena naninirahan dito sa Encantadia. Yung Pirena na iyon lahat gagawin niya maging sakanya lang ang mga bagay na gugustuhin niya. Kaya naman ipapaala ko lang sayo na nandito tayo sa Encantadia kaya paano ba iyan Rhian? Hindi lang kita gusto mahal pa kita. Kaya asahan mong kulang ang salitang 'lahat' makuha lang kita. Maging akin ka lang."


~~~


At least diba hindi inabot ng chapter 30 bago umamin si Pirena HAHAHA AZAR. ps. pero QAQU tawang tawa ako habang tinataype tong chapter na to ang ewan ampopo

Unexpectedly(Rastro)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon