"Hindi ba iyan bala ng sasakyan pandigma?" Tanog saakin ni Pirena habang tinuturo ang mga bola. Nasa quantum kasi kami ngayon.Hindi ko naman naiwasan matawa sa sinabi niyan. "Pirena, wala ka sa encantadia. Okay? At ako ang kasama mo. Sa tingin mo ba ipapahamak kita? At pahahawakin ng bala ng sasakyang pandigma?" Sabi ko at hindi naman namin maiwasang matawa dalawa.
"Oo nga naman." Sabi niya at hinawakan ang bola. "Ano ba ang gagawin natin dito?" Tanong niya.
Nag insert naman ako ng bagong token dahil naubos ang oras ng unang hinulog ko sa paguusap lang namin ni Pirena. "Ganito."
At tinuruan ko siya mag shoot ng basketball. At alam niyo ang nakakalungkot? Yung mas mataas pa ang score niya!
"Madaya!" Reklamo ko pa.
"Rhian hindi porket nanalo ako, ay nandadaya na ako." Sabi niya pa.
"Oo na."
Sabi ko at naglibot pa kami sa loob ng quantum. Pagkaubos ng tokens namin ay inaya ko na siya kumain. Saan pa ba? Edi sa Jollibee.
Sana lang hindi nagalit sakanya si Jollibee dahil huling kumain kami dito ay pinugutan niya ng ulo si Jollibee. Kawawa naman si Jollibee.
"So ang sinasabi mo ay madalas puro prutas at paneya lang ang kinakain sa Encantadia?" Tanong ko pa sakanya.
Saglit naman siya napatigil sa pagkain ng chicken.
Hay Pirena.. Para kang chicken..kasi gusto kita. NUGGETS mo ba?
Nuggets:
Jollibee:
Calories:
ANG CORNY MO SELF BAT KA GANYAN????
"Oo, lalo na't kapag may mga pagdiriwang." Sabi niya at halata naman naalala niya bigla ang encantadia.
"Wag ka ng malungkot, mahahanap din natin ang susi." Sabi ko sakanya.
"Kahit naman mahanap ko na ang susi ng asnamond hindi naman ako makakabalik agad ng Encantadia, dahil hahanapin ko pa ang pinakamalakas na diwata." Sabi niya.
"Bakit kailangan mo pa siyang hanapin? Hindi ba sapat na makabalik ka nalang ng encantadia at makasama mo ang kapatid mo tsaka yung Inang Reyna mo? Kasi diba ayun naman ang pinakaimportante sa lahat? Yung pamilya." Sabi ko at hindi naman na siya sumagot.
--
"Rhian para saan ba talaga ang kasangkapang ito?"
Sabi niya at tinuro ang gitara.
"Gusto mo ipakita ko sa iyo?"
Tumungo tungo naman siya, parang bata. Ang cute. Hehehe.
Nagsimula naman akong mag strum.
Wise men say
Only fools rush in
But I can't help falling in love with you
Shall I stay?
Would it be a sin
If I can't help falling in love with you?Halata naman na naamaze siya sa tunog na nanggaling sa gitara.
Like a river flows
Surely to the sea
Darling, so it goes
Some things are meant to beNaalala ko pa na ang Ate ang nagturo saakin nito.
"Bakit parang malungkot ka?" Sandali naman ako napatigil.
"Huh? Ano kasi naalala ko lang na ang kapatid ko ang nagturo saakin nito. Tumugtog."
"Kaya ka nakakaramdam ng lungkot?"
"Namimiss ko na siya."
"Rhian."
"Hmm?"
"Wag ka ng malungkot, kasi kung wala na ang iyong kapatid upang makinig, nandito naman ako."
Napailing nalang ako. "Eh mawawala
ka rin eh. Babalik ka din ng encantadia.""Kahit pa mapunta ako ng encantadia, sa oras na tumugtog ka mararamdaman ko iyon."
Nagulat naman ako ng biglang hawakan niya ang kamay ko at tinapat sa puso niya.
"Dahil may mga bagay na kahit hindi makita ng mata, mararamdaman ng puso."
Take my hand,
Take my whole life, too
For I can't help falling in love with youHulog na hulog na ako eh, problema lang kung sasaluhin mo ako.
Sobrang hirap mong hindi mahalin Pirena.
---
HII!!
HAHAHA GRABE KAPROUD ANG BILIS KONG MAGUPDATE BUAHHAHA KAHIT BA FILLER CHAPT LANG BAT BA PROUD PA RIN AKO HAHAAHHAHAHHA
Pero 10k reads..awow! Thank you!!!
Avisala eshma(tuhray hahaha)