Chapter 15:Bulaklak

1.4K 86 8
                                    


"Ano namang problema don?"

Napakunot nalang ang noo ni Rhian sa sinabi kaibigan.

Anong problema? Ano daw problema? Seryoso ba siya?

"Malaki."

Napailing naman si Fiery sa sinabi ko."Rhi, lahat naman tayo may karapatan magmahal. Kahit aso pa iyan noh!"

Halos mapasabunot naman si Rhian sa buhok niya, ano ba fierryyy!!

"Si Pirena iyon, walang ibang mahal iyon at gusto kundi makita ang susi ng asnamond." Nakasimangot na sabi nito.

"Oh edi, iparealize mo sakanya na mas importante si Rhian Ramos kaysa sa susi ng asnamond, Naks! Haha." Sabi nito at tumawa.

"Nakatulong ka, Fiery. Nakatulong ka."

"Seryoso nga."

"Ewan ko sayo." Sabi ko nalang at binuksan ang document na kanina pa nandito sa harap ko.

"Magtrabaho nalang tayo." Sabi ko dito.

"Hay ang bessy ko, pumapagibig na." Sabi pa nito kaya naman binato ko siya ng ballpen.

"Baliw!"

Rhian's Pov
Pagkatapos ng mahaba at nakakapagod na araw sa trabaho.

Ay isang paasang gabi naman ang kahaharapin ko.

"Dali na Rhian! Pinaghirapan ko ang pagluluto niyan para sayo."

Sabi ni Pirena habang inilalagay ang pritong itlog sa plato ko.

Napailing nalang ako, ang lablab ko talaga. Hayy.

"Mukha nga." Sabi ko pa at tinikman na ang luto niya.

"Ano masarap?" Sabi pa niya.

Pritong itlog lang naman ito, wala namang ibang magiging lasa ang itlog eh pareparehas lang naman.

Pero pag siya ang nagluto, parang daig pa ng luto ni Chef boy. Iba bes iba.

"Sharap!"

"Mabuti naman at nagustuhan mo." Ngiti pa niya.

"Rhian, maari ba akong magtanong sa iyo?"

"Sure."

Napakunot naman ang noo niya kaya naman napailing nalang ako at nagsalita ulit. "Ang ibig sabihin ko ay Oo naman."

Bigla naman siyang pinakita saakin na bulaklak.

Teka.

"Hindi ko naman sinasadya na iyan ay makita. Kaya lamang habang ako ay may kinukuha sa aking pinaglalagyan ng mga gamit ay bigla nalang iyan nalaglag."

Paliwanag niya, napatingin naman ako sa bulaklak. Laking gulat ko naman na parang hindi ito nalanta.

napatungo tungo nalang ako. "Okay lang Pirena, pero may kinalaman ba sa bulaklak ito ang itatanong mo?"

Sabi ko at kumain ulit.

"Rhian."

"Hmm."

"Ikaw ba ay nakarating na sa encantadia?" Tanong niya. Napatigil naman ako sa pagkain at napatingin sakanya.

"Pirena? Alam mong wala akong alam sa encantadia, ni hindi ko nga alam na totoo pala ang mga diwata at may mga sanggre. At lahat ng alam ko sa encantadia ay yung mga nasabi mo lang. Kaya naman hindi Pirena, hindi pa."

Ang tinanong lang naman niya ay kung nakapunta na ako Encantadia, oo o hindi lang. Pero ewan ko ba pakiramdam ko dapat akong magpaliwanag.

"Oo nga naman."

Napatawa nalang din siya sa sarili niya. "Eh bakit mo naman natanong?"

Umupo naman siya sa upuan sa tabi ko at kinuha ang bulaklak at tiningnan ito ng mabuti.

"Dahil sigurado ako na sa kagubatan lamang ng lireo matatagpuan ang bulaklak na ito. Dahil pinaniniwalaan na ang bulaklak na ito ang simbolo ng pagmamahal ni Cassiopea sa mga diwata. Dahil tulad ng bulaklak ay hinding hindi ito malalanta"



----

HALOO!

Hehehe

Comments? 🤗🤗

LIRA MIRA HUHUHU

Unexpectedly(Rastro)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon