"Ano rhi?" Tanong ulit ni Fiery."I'll try." Sagot ko naman at nagsimula na ulit magpirma ng mga documents.
"I'll try ka diyan! Gusto mo I'll sapak you?" Sabi niya at umupo sa harap ko.
Kaya naman napatigil din ako sandali sa mga binabasa ko na documents. "Wala ka bang sariling office, Fier? At ako ang binabadtrip mo ngayon." Sabi ko sakanya.
"Wala ka na bang time saaming mga friends mo?" Tanong niya pabalik. Ang galing niya po mangonsyensya.
"Fier, you know naman na..ano diba?"
"Hay nako Rhi! Alam ko naman na patay na patay ka diyan kay Pirena, pero hindi naman dapat sakanya lang umiikot ang mundo mo diba?"
"Hindi naman sa ganon okay?"
"Alam mo Rhi? Have a break, have a kitkat. Charing! But seriously pwedeng pwede mo naman isama si Pirena, kasi kasama din naman yung mga friends ni Darling..sila Mikee and Kate." Pilit pa niya.
"Sige pag natapos ko itong basahin itong kabundok na trabaho..maybe..just maybe! Mapagisipan ko pa. Okay?" Sabi ko at ngumiti sakanya.
"Okayyy! Tulungan na kita, para naman mabilis at maganda ang pagiisip mo."
Sa dinami dami ng sinabi ni Fiery last week ay napapayag na din niya ako sumama, sa Enchanted Kingdom! Grabe.
"Rhian? Ano ba ang tawag sa lugar na ito? Kay daming tao!" Sabi ni Pirena.
"Amusement park, wag kang magaalala masaya dito." Ngiting sabi ko sakanya, hinawakan ko namam ang kamay niya at pumasok na sa loob.
Ang unang una na sinakyan namin ay ang anchors away.
"Ayan! Ang lakas mong magaya ah? Tapos ikaw pa ang unang susuka." Sabi ko kay Fiery at umiling iling.
Habang sila Pirena at Darling naman ay napatawa nalang.
Sunod naman ay nagtry kami makuha yung bear, maliit lang siya pero sobrang cute talaga niya! Kaya lang hindi naman ako gamon kagaling sa shooting.
"Maari ko bang subukan Rhian?" Tanong ni Pirena. Tumungo nalang ako.
"Hala! Ang galing mo nakuha mo!!"
"Para sa iyo." Sabi niya at binigay saakin yung bear.
"Thankkk youuu!"
Sunod naman don ay space shuttle.
"Ano? Okay ka lang?" Tanong ko kay Pirena, dahil mukhang anytime ay bigla nalang siyang susuka.
"Oo naman. Walang wala ito sa mga digmaan na kinaharap ko sa Encantadia." Sabi pa niya.
"Sigurado ka?"
"Si--"
Hindi naman na niya natapos yung sinasabi niya dahil bigla nalang siyang nagsuka.
Sunod naman namin na pinuntahan ay ang bump car, pati na din yung motion theater amaze na amaze ang lola pirena mo. Sinubukan din namin ng jungle log jam, at ng sumakay na kami sa rio grande, kahit pabulong lang ay narinig kong sabi ni Pirena ay..
"Pashnea Alena, itigil mo ang daluyong na ito."
Pagkatapos naman nun ay naglibot pa kami sa loob ng ek.. Hanggang sa mag fireworks display na.
(Play niyo yung song, para kewl. 🤘🏻)
"Rhian."
"Hmm?"
"Maraming salamat."
"Saan?"
"Sa lahat? Hindi ko alam kung kailan ako makakabalik ng encantadia, hindi ko alam baka bukas na? O kaya sa mga susunod na araw. Kaya gusto kong magpasalamat sayo..sa lahat lahat."
"Ano ka ba? Okay lang yun!"
Napatingin naman ako sakanya ng hawakan niya ang kamay ko.
"Alam mo ba? Minsan na isip ko na, wag nalang ako umalis dito. At iwan na ang nakaraan ko sa encantadia, at magpatuloy nalang sa kasulukuyan dito sa mundo niyo, kasama ka."
Humigpit naman ang hawak ko sa kamay niya. Bigla rin naman siya tumingin saakin. "Kaya lang, hindi ako para dito Rhian, hindi ako para sa mundo niyo."
Para mo naman sinasabi na..hindi rin ako para sayo.
"Naiintindihan ko."
Sabay naman namin pinanood ang naggandahang fireworks.
Bago naman matapos ang fireworks display ay may bigla naman siyang sinabi.
"Rhian."
"Hmmm?"
"E correi deu."
"Ano?"
Pero ngumiti lang siya at sinabi.."ang ibig sabihin nun ay gutom na ako."
"Ano? Parang ang layo naman nun!"
"Malayo man o hindi.. Basta totoo yun."
"Hay nako Pirena!"
"Halika na kasi, gutom na ako."
Napailing nalang ako.
E correi deu? Ano yun?