"Then tinulungan mo siya?" Tanong ni Fiery habang ako naman ay kinagatan ko muna ang kinakain kong apple, masarap eh! Food over matter. Chos."Mukha naman siyang harmless? I guess?" Kahit pa muntik pa niyang patayin si Jollibee.
"Rhian! Ano ka ba? What if isa yan sa mga kind ng modus?"
"Fiery I told you! Mabait naman siya."
And there's something about her na nung nag please siya hindi ko na natanggihan.
"Nako Rhi!" Sabi niya at hinilot ang sintido niya.
"Look Fier, kaya ka lang siguro ganiyan kasi wala kang lovelife? What if i give your number to my cousin, para naman hindi ka na masiyadong nagsusungit diba?" Sabi ko sakanya at tiningnan ako ng masama.
"Subukan mo Rhi! Tsaka ilang beses ko bang sasabihin na I dont like your cousin coz obviously he's a fuckboy." Diin nito."and even you alam mong fuckboy siya."
Sabi nito na nagpatawa naman saakin."Oo na Miss Fiery."
_____
"Hoy anong ginagawa mo diyan!" Sigaw ko ng naabutan kong nasa kitchen si Pirena.
Jusq nay! Nung nakaraan lang kasi muntik na niya sunugin ang bahay kaya simula non hindi ko na siya inalis sa paningin ko.
"Sinusubukan ko lamang gawin ang itinuro saakin ni Aling Lucy." Sabi nito at nakita ko naman na nagluluto siya nung sunny side up.
Tiningnan ko naman. Not bad.
Nung tinikman ko na.... Very bad. Daig ko lang po nag swimming sa dagat sa alat.
Pero tiniis ko nalang, sayang ang pagkain.
"Sa susunod magpaluto ka nalang kay Nanay Lucy ah?"
"Rhian..."
"Hmmm?"
"Kailan ba muli natin hahanapin ang susi ng asnamond?" Tanong niya.
Napatigil nalang ako sa pagkain ko. Sa totoo lang napakahopeless na ng gusto niya. Ang laki laki ng pilipinas. Ako ngang halos dalawang dekada na nandito hindi pa nalilibot ng buo eh.
"Ano ba ang palatandaan na malapit na natin yun makita?" Tanong ko sakanya.
"Iilaw ang kuwentas na ito."
Sabi niya at may pinakita na gold na necklace.
______
"Hara Amihan."
Nagulat na lamang si Amihan ng biglang may nagsalita sakanyang likuran.
"Danaya."
"Hara Amihan, may bumabagabag ba sa iyong isipin?" Tanong ni Danaya at umupo sa tabi nito.
"Hindi parin ba maalis sa iyong isipan ang sinabi ng enkantadong iyon?" Tanong ulit nito.
"Danaya paano kung? Paano kung marami pa pala tayong hindi alam dito sa encantadia?"
Napabuntong hininga nalang si Danaya sa inaasal ni Amihan."Amihan ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na hindi ka nalang isang sanggre? Ikaw na ang reyna ng lireo. Ang mga bagay na ganyan hindi mo na dapat pinagbibigyan ng halaga."
Napatingin na lamang si Amihan kay Danaya at ngumiti ito."Ilang beses ko rin bang sasabihin na tama ka?"
Napatawa naman si Danaya."Minsan naiisip ko..bakit nga ba ako ang piniling reyna ng ating Ina. Parang mas nararapat pa ito sa iyo."
Napakunot naman ang noo ni Danaya at hinawakan ang kamay ng kapatid."Ano ka ba, Hara? Ikaw ang pinili bilang reyna dahil nararapat sa iyo iyan. At nandito lang naman ako para sabihan mo ng..'tama ka danaya.'"
Napatawa naman ang magkapatid.
"Ngunit kilala kita Amihan, hindi ka matatahimik hanggat hindi mo nalalaman ang sagot kaya naman ayaan mong samahan kita papunta sa enkantadong iyon."
______
"Patay na siya?" Gulat na tanong ni Amihan.
"Opo mahal na reyna."
"Gayon kanino pa natin itatanong ang mga sinabi niya?"
"Bakit ho, sanggre danaya? Ano ho ba ang sinabi ng aking ama?"
"Ang pinakamakapangyarihan sa buong encantadia."
Napabuntong hininga naman ang kanilang kausap."Sumunod ho kayo."
"Ano ang iyong ibig sabihin?" Tanong ni Amihan.
"Maraming naiba simulang baguhin ang kinabukasan."
"Ano ba talaga ang ibig mong sabihin?" Danaya.
"Ang pinakamalakas sa encantadia kasabay niyang nawala ang isa pang susi ng asnamond." Sagot nito.
"Mayroon pang isang susi ng asnamond?"
"Oo."
"Ang pinakamakapangyarihan? Isa ba siyang kaaway o kakampi?" Tanong ni Amihan.
"Isa siya sa magbubuklod ng encatandia...ngunit siya rin ang sisira nito."
____
"Pirena!" Sabi ko at inagaw ang gitara sakanya.
"Kakaiba ang sandatang iyan Rhian."
Abat? Pinagkamalan pang espada ang gitara ko?
"Hindi ito sandata okay? Gitara toh!"
Juskolord! Please give me more strength para mahandle itong pirena na ito. Please po nakikiusap ako.
_______
Whachuthink?