Chapter 9:Little Piry

1.7K 103 9
                                    

"Umalis ka na batang ligaw." Saad ni Amihan dito.

Magpoprotesta pa sana ang bata ngunit ay agad rin itong sumunod kay Amihan.

"Sino ka?" Saad ni Amihan.

"Importante pa ba iyon? Mahal na Reyna?" Tanong nito.

Nilabas naman ni Amihan ang kanyang brilyante, upang sindakib ito. Ngunit sa hindi maipaliwanag na dahilan ay hindi man lang ito nagpakita ng kahit ano mang takot.

"Kahit saan mo hanapin si Pirena dito sa Encantadia ay hindi mo siya matatagpuan. Dahil si Pirena ay nasa mundo na ng mga tao."

Pagkasabi nito ay agad itong naglaho na parang isang sanggre.

"Pashnea! Paano siya nakapaglaho?"

Bakas parin kay Amihan ang pagkabigla, ngunit ay nawala rin ito ng nakita niya na umilaw ang kanyang palad. Tanda ng malapit na niyang isilang ang nasa sinapupunan niya. Tanda ng malapit na isilang ang susunod na reyna ng Lireo

Kaya agad narin siyang nagbalik sa kaharian.

******

"Alam mo bang saggrado ang paghawak ng kamay saaming mga diwata?"

Biglang sabi ni Pirena habang nasa sasakyan sila papuntang Batangas.

"At bakit naman? Nakakamatay ba kapag hinawakan ba ang kamay niyong mga diwata mamatay kayo?"

Biro ni Rhian, napatawa naman si Pirena at ipinaliwanag ang dahilan kung bakit.

"Dahil sa simpleng paghawak ng kamay ay maaring magkaroob ng supling sa iyong sinapupunan." Paliwanag ni Pirena.

Tumunngo tungo naman si Rhian na parang sobrang namangha.

"Ang astig pala doon sa encantadia eh! Sigurado ang solid mag selfie doon. Insta worthy!" Sabi pa ni Rhian at tumawa.

"Kung mahanap natin ang isa pang susi ng asnamond, isasama kita sa encantadia para lang makapagselfie. Maggroupie kayo ni Agane at Hagorn." Sabi naman ni Pirena.

"Sige ah."

Napatawa naman bigla si Pirena. At pinitik bigla ni Rhian ang tenga ni Pirena.

"Ang sama mo! Bakit mo pala ako ipapagroupie sakanila?! Gusto mo na talaga ako madeads."

Isang buwan na rin ang nakalipas. Simula ng muntik ng masagasaan ni Rhian si Pirena ng sasakyan niya. Sa isang buwan na iyon ay marami ng nangyari. Mas naging malapit sila sa isat isa. Mas nakilala ang isat isa.

At mas naging pamilyar na si Pirena sa mundo ng mga tao.

Hininto na ni Rhian ang kotse at pinatay ang makina. Kaya naman bababa na sana si Pirena ng bigla siyang pigilan ni Rhian.

At hawakan ang kamay

"Ayan may little piry ka na. Di ka na lugi saakin niyan ah."

*****

Wachuthink??

Any suggestion????

Comment niyo lang mga bes.

Unexpectedly(Rastro)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon