"Bakit pakiramdam ko ay matagal na kayo magkakilala ng anak ni Mata, Pirena?"
Natigilan naman sa pageensayo si Pirena ng biglang sabihin nito sakanya ni Amihan. Ano ba ang dapat niyang isagot? Na oo matagal na silang magkakiala? Oo at mahal pa niya ito.
"Paano mo naman iyan nasabi?" Maang tanong ni Pirena.
Hindi pa siya handa na sabihin sa kahit kanino man ang nangyari sakanya sa mundo ng tao. Dahil naisip din niya na kung sasabihin man niya ang totoo ay dapat kay Rhian muna niya ito masabi. Dahil siya naman ang pinakanaapektuhan sa lahat.
"Hmm...sapagkat ikaw ay nagtungo sa mundo ng mga tao ng matagal. Kaya naman naisip ko na baka nakilala mo siya doon."
"Masyadong malaki ang mundo ng mga tao Amihan." Paliwanag nalang ni Pirena dito.
Sa totoo lang gustong-gusto na ni Pirena itanong kung bakit siya pinadala ni Amihan sa mundo ng mga tao. Gustong gusto niya na malaman ang dahilan, ngunit hindi niya din alam sa sarili niya kung bakit hindi niya magawang itanong ito. Dahil si Amihan iyon? Ang kapatid niyang kailan man ay hindi niya nakasundo. Ngunit parang narinig na din ata ni Amihan ang tanong niya sakanyang isip.
"Poltre Pirena, sa nagawa kong pagpapadala sayo sa mundo ng mga tao. Hindi ko yun sinasadya at hindi ko iyon ginusto. Dahil ang totoong nangyari ay may isang taksil na nanggaya ng iyong wangis na nagbalak sirain ang kapayapaan sa Lireo at Encantadia. Patawag aking kapatid."
Ngumiti nalang si Pirena kay Amihan. Ngiti na nagsasabi na maayos na ang lahat at wag ng isipin ang nakaraan. Dahil bakit nga ba niya iisipin pa ang nakaraan? Ang nakaraan na kung saan pinatapon siya sa mundo ng tao? Bakit pa siya magagalit kay Amihan? Eh kung hindi dahil sa ginawa ni Amihan noon ay hindi niya makikilala si Rhian. Ang taong lubos na minamahal niya ngayon.
"Kung sa ganoon ay mayroon pa tayong haharapin na suliranin kahit mabawi at mapabagsak na natin ang aking ama."
Napatingin naman si Pirena kay Amihan, tumungo tungo nalang si Amihan. "Ngunit wag muna natin isipin iyon. Ang mahalaga ay mapagplanuhan natin mabuti kung paano natin mapapabagsak si Hagorn."
"Tila nagiisa ka yata? Asaan si Pirena? Hindi bat dapat ay nageensayo na kayo?" Tanong ni Amihan dito at naupo sa tabi ni Rhian.
"Huh! Kasama ni Punjapwe." Sagot naman ni Rhian. Napairap na lamang si Rhian ng maalala nito na mas pinili pa ni Pirena na makasama yung Punjapwe na iyon kaysa sa kanya! gigil niya c aquoe. Este magensayo. Hindi ba alam ni Pirena na importante na matuto siya sa paggamit ng espada kaysa makipagusap sa PunjaPWE?
"Nalimutan mo lamang bang Punjabwe iyon? At hindi Punjapwe. O talagang sinasadya mo lang na Punjapwe?" Tanong ulit ni Amihan dito at natawa. Habang si Rhian naman ay hindi nakasagot? PWE naman kasi talaga!
"Nanggaling din ako sa mudo ng mga tao Rhian, kaya alam ko ang ibig sabihin ng pwe."
"Hehe." Yun na lamang ang nasagot ni Rhian. Hindi naman niya kasi alam na nanggaling din pala si Amihan sa mundo ng mga tao. Kung alam niya lang sana ay hindi na niya ito tinawag na Punjapwe bagkus ay punjapweyuckkadiri parang mas maganda kasi yun sa pandinig.
"Hindi madaling intindihin si Pirena...pero hindi siya mahirap mahalin." Sabi ni Amihan dito at tinapik ang balikat ni Rhian at umalis.
Ilang sandali lamang ay biglang dumating na si Rhian kasama ang Punjapwe. Naglakad naman na si Pirena patungo kay Rhian.
"Oh ano? Mas importante pa ba iyong ginawa niyo nung punjapwe na iyon? Kaysa sa buong Encantadia? Eh diba dapat kanina pa tayo nagsasanay?" Tulo tulo na sabi ni Rhian. Ngunit imbis na sumagot si Pirena ay binigyan niya ito ng bulaklak.
"Nagpasama lamang ako sakanya kumuha ng bulaklak. Hindi kasi ako nagkaroon ng pagkakataon bigyan ka nito nung nasa mundo pa ninyo tayo. Kaya ito Rhian, tanggapin mo."
~~
FIINALE NA NG ENCA BUKAS I KEENNAATTT!!!! MAMIMISS KO NG SOBRA SI BB PIRENA SYEMPRE SILA LIRA AND MIRA :( WELL LAHAT NAMAN EXCEPT KAY PUNJAPWEYUCKKADIRI JOKE LANG MISS KO RIN YUN MISS KO MAASAR SAKANYA! chos ahaha.
Ps. sa nanood ng inattach kong vid. mas solid yun kapag naka hd guys pramis! Hahaha :))
![](https://img.wattpad.com/cover/82808143-288-k716485.jpg)