"Oh Ija, mabuti naman at gising ka na." Bati saakin ni Manang.Nagtaka naman ako, bakit siya nandito sa room ko ng ganito kaaga?
"Ah? Bakit po Manang?"
"Ah eto, inihanda ni Pirena para sa iyo."
Napangiti naman ako ng biglang nilabas ni Manang ang tray na punong puno ng pagkain, may fruits, pancakes, bacons, breads and may pa juice pa ang lola mo.
"Siya nagluto ng lahat ng iyan, although tinulungan ko siya. Pero halos siya naman gumawa ng lahat." Sabi pa ni Manang.
Nagsimula na din naman ako kumain.
"Salamat manang, pero nasaan po si Pirena?"
"Ah, umalis siya."
Napatigil naman ako sa pagkain.
"Umalis?"
Hindi naman siguro, mali naman siguro ang naiisip ko. Hindi naman siguro siya aalis dito sa mundo ng mga tao at babalik ng encantadia ng hindi nagpapaalam saakin diba?
Pero paano kung yung nangyari at sinabi niya nung enchanted kingdom ay yun na yung pamamaaalam niya?
Hindi kaya ang ibig sabihin ng e correi deu ay paalam?
"S-sandali Manang? P-paanong umalis? B-bakit umalis? Tiyaka bakit hindi niyo ako ginising manang?"
"Hindi ko rin alam ija, at pasensya na din, hindi na kita nagising dahil sabi rin niya ay wag na kita gisingin."
Napailing nalang ako, at naramdaman ko na unti unti nalang tumutulo ang luha sa mga mata ko.
"Pero ang sabi niya bago umalis ay, nagpapasalamat siya sa lahat. Sa lahat ng naitulong at nagawang mabuti sakanya. Mayroon pa siyang sinabi na hindi ko maintindihan...e correi deu."
Ano ganon nalang iyon? Hanggang doon nalang iyon? Tapos na agad?
Agad ko naman kinuha ang car keys at ang phone ko.
Calling fiery.
"Alam mo bang anong oras palang? St alam ko naman na badtrip ka saakin, pero--"
"Si Pirena! Wala siya! Umalis na siya!"
"Ano?!"
"Hindi ko alam! Shit! Fiery tulungan mo ako, hanapin natin siya!"
"Huh? At saan naman natin siya hahanapin?!"
"Hindi ko alam Fiery! Kahit saan, luzon, visayas, mindanao, kahit sa dulo pa ng mundo. Ang importante mahanap natin siya Fier."
"Okay okay, i'll just text you if may nahanap or nakitang updates okay?"
Binaba ko naman na ang telepono at inistart na ang engine ng sasakyan, mabilis ko rin itong pinaandar.
Una kong pinuntahan ay ang lugar kung saan ko siya unang nakita. Bumaba na muna ako sandali ng sasakyan para maghanap.
Pagbalik ko ng kotse ay biglang nagvibrate ang phone ko.
From Mikee
Hi Ate Rhian! Sorry if hindi ko na nabigay sayo ng personal yung medalyon na hinahanap mo dati, borlogs ka na nun eh! Heheh. 3am na din kasi yun ng madaling araw. Pero nabigay ko naman yun kay Ate Pirena. 🙂🙂
Shit
Shit
Kahit saan ko pala siya hanapin dito, hindi ko na siya makikita. Umalis na siya, bumalik na siya ng encantadia.
Hindi ko naman siya pipigilan, pero bakit hindi man lang siya nagpaalam? Bakit bigla nalang siya umalis?
Bakit ang sakit momg mahalin Pirena?
--
Sooo..:) thank you sa mga nagvovotrs hhhuhuhu i realllyyyy appreciateeedddd it sobbrra!! Hugss 🤗🤗🤗