"Baliw?" Nakakunot ang noo niya."Nasisiraan ng bait?" Pagtutuloy ko pa.
"Hindi ako nasisiraan ng bait. Ang gusto ko lamang ay mahanap ang susi ng asnamond at ang diwatang pinakamakapangyarihan sa lahat na tutulong saakin para mabawi ang trono na dapat ay akin."
Okay, enough! Tama na itong kalokohang ito. Nababaliw na talaga itong babaeng ito.
"Alam mo Miss? Kinakahaban na ako sayo eh. Pasensya na pero mas maganda kung bumaba ka nalang ng kotse ko."
Naawa man ako sakanya...but mygoodness! Kaya naman hininto ko na ang sasakyan para makababa siya.
"Alam kong mahirap paniwalaan ngunit nagsasabi ako ng totoo. Nandito ako dahil pinagtaksilan ako ng aking kapatid ko at para narin hanapin ang susi ng asnamond at ang pinakamakapangyarihang diwata na makakatulong saakin para mabawi ang dapat para saakin. Kaya naman nakikiusap ako tulungan mo ako." Napakunot naman ang noo ko sa mga sinasabi niya.
"Mental institution ang makakatulong sayo hindi ako."
"Wag kang kukurap." Sabi niya at bigla bigla.
Shit mukhang kailangan ko narin ata mapunta sa mental institution.
Bigla siyang nawala at bumalik.
___
Ngayon alam ko na ang pashnea..ibig sabihin parang nageexpress ka ng galit.
Isa kang lapastangan malaking bubuyog!"
Nagulat na lamang ako ng gumugulong na ang ulo ni Jollibee. Augh ano bayan nahahawa na ako sa...ano ba tawag sakanya?
Sanggano?
Yun nga ata.
"Pirena!" Sabi ko at tumakbo palapit sakanya. Inilayo ko na run ang espada na nakatutok kay Jollibee.
"Miss?! Ano ba yang kasama mo? Baliw bayab?!" Sigaw ni Manong Kuya.
"Ah ano! Hindi po. May play po kasi sila mamaya at malaking bubuyog ang kalaban niya. Nagpractice lang. Pasensya na."
Sabi ko at hinatak na palayo itong sakit sa ulo na babaeng ito.
"PASHNEA!"
_____