Chapter 24:You know who

1.3K 83 16
                                    


"Paano kung totoo ang sinabi niya? At ang pinakita niya?"

"Fier, mga encantada sila. Mga diwata, malamang gumamit lang yun ng kapangyarihan para makagawa ng gawa gawang kwento." Sagot ko naman dito.

"Pero bakit naman magaaksaya ng panahon at oras  at higit sa lahat ay kapangyariahn sayo ang diwata nayun kung wala lang yun. Hindi kaya totoo ang sinasabi niya? At hindi kaya ikaw ang pinakamakapangyarihang diwata na noon pa hinahanap ni you know who?" Sabi ni Fier.

"Papatawa ka ba?"

Napailing nalang ito at lumapit pa saakin.

"Alam mo sa lahat? Dapat ikaw ang pinakanakakaintindi sa mga pangyayari na ito eh. Ikaw ang pinakamatagal na nakasama ni you know who eh."

Pakiramdam ko isa pang you know who nito ni Fiery lalagyan ko na ito ng papel sa bibig eh. Nang tumigil na. 

"Isa pang you know who mo? Magiging printer na iyang bibig mo." Banta ko sakanya.

"Biro lang, pero Rhian...masaya ako."

"Saan? Na may mga lechugas na taga encantadia nanaman na nanggugulo ng buhay natin." Sabi ko pero naka focus parin ako dito sa hindi matapos tapos na documents, dagdag pa ang biglang pagdating ni Casssiopea na biglang nagpakilala bilang Nanay ko.


Mas baliw siya kay you know who eh.


"Hindi na nagopen ka ulit saakin." Sabi niya at ngumiti.

Hindi nalang ako nagsalita, ganon ba kalaki ang pinagbago ko nung nawala siya? Siguro nga. Kasi aaminin ko, hindi man gaano katagal siya nanatili sa buhay ko pero lintik ni hindi siya umaalis dito sa puso ko. Corny man, pero yun ang nararamdaman ko. Hangang ngayon mahal ko pa rin ang you know who na iyon.






~~~


"Bakit hindi mo pa paslangin ang iyong kapatid, Pirena?" Humahalakhak na sabi ni Hagorn kay Pirena.


Napabagsak na nila ang Lireo, at ngayon balak naman na nilang paslangin ang Hara nito...si Amihan.


"Ano pa ang hinihintay mo? Paslangin mo na si Amihan." Udyok pa ni Hagorn dito.


Ngunit hindi pa rin ito gumagalaw, nakatingin lang ito kay Amihan. Alin ba sa ginawa ni Hagorn ang ginusto ngayon ni Pirena? Wala. Hindi niya na nais angkinin ang trono ng Lireo. Hindi niya na nais mapabagsak ang Hara nito na si Amihan. Ang tanging gusto niya na lamang ay makasama ang nagiisang taong minamahal niya. Na halos imposible na.


Tumingin naman si Pirena kay Hagorn, at lumapit naman si Pirena dito at bumulong.


"Pagtaas ko ng aking sandata gamitin mo ang iyong brilyante upang makatakas." Bulong pa nito.

"A-ano? At iiwan ko ang Lireo? Sa kamay ninyo? Hindi ko iyon magagawa. Kahit ikamatay ko pa ito."

"Pashnea, warka ka talagang tunay. Gawin mo na lamang ang sinasabi ko at pinapangako ko sayo. Sabay sabay pa nating babawiin ang Lireo. Kasama sila Alena at Danaya."

"At paano ako makakasiguro sa tinuran mo?"

"Sa tingin mo ba papatakasin kita kung hindi totoo ang aking tinuran? Ashtadi."


Tinaas naman na ni Pirena ang sandata niya. "Ikamusta mo nalang ako sa ating Ina sa Devas, aking kapatid."

At yun na ang hudyat ng pagtakas ni Amihan.





~




"Ashtaddi! Mas makakapagmatyag at mas malalaman ko ang kilos ni Hagorn kung alam niyang kaanib niya ako."


Sinama ni Amihan si Pirena sakanyang paglalaho sa Lireo


Ngunit ang pinagaalala ni Pirena ay si Rhian paano kung balikan ito ni Hagorn?


"Wag ka ng magaalala Pirena, sinundo na ni Cassiopea ang kanyang anak sa mundo ng mga tao, na ayon sa propesiya ay ang pinakamalakas na Diwata. Kaya tiyak ako na matatalo natin si Hagorn sa tulong niya."

Unexpectedly(Rastro)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon