"Kung hindi mo lang alam nagddrive ako ngayon."Sabi ko sakanya at napairap.
"Sa tingin mo maniniwala ako sayo Win? Eh fuckboy ka?" Muli napairap nalang ako dito sa pinsan kong ito.
Kung nakakamatay lang ang pagirap...parehas na kaming patay. Dahil halos hindi ko na nakikit ang daan sa ilang beses na pagirap ko sakanya.
"Isa pa, Win. Hindi ka naman gusto nung bestfriend kong si Fiery! Babastedin ka lang nun. Ibaba ko na ito dahil in 35 minutes nasa office na ako at isa pa isa kang malaking distraction."
Sabi ko at pagkababa ko ng tawag kay Win ay nalaglag ang cellphone ko, kaya naman kinuha ko ito. Wala naman masyadong sasakyan.
Pagkaangat ko ng ulo ko, may babae! At kasabay rin nun ang liwanag. Napatay ko ba siya? O baka naman patay na ako?
Nakahinga ako ng maluwag ng hindi pa apal. OA lang pala ako. Obrang Anda. Hehe.
"Teka?"
Napababa naman ako ng kotse ng may nakita akong babae nakaluhod sa tapat ng kotse ko.
"Miss? Miss?"
Tawag ko sakanya.
"Are you okay?"
Tanong ko ulit.
"Pashnea!"
Ano daw pasensya na?
"Hindi miss! Okay lang. Muntik mo lang ako mapakulong! Susko! Bigla bigla kang tumatawid! Pero papatawarin kita kung tatayo ka na diyan dahil nakaharang ka."
Sagot ko sakanya.
"Pashnea! Ano ang iyong sinasabi?"
"Huh? Okay na nga Miss! Pinapatawad na kita. Basta tumayo ka na diyan dahil malelate na rin ako!" Sabi ko at tiningnan ang orasan ko.
"Pashnea!"
Napakamot nalang ako ng buhok sa inis. Sinabi ko naman sakanya okay na! Bakit ba hingi parin siya ng hingi ng sorry.
"Miss! Alam kong malaki ang kasalanan mo. Pero okay na nga kaya pwede ba? Tumayo ka na diyan?"
Pilay ba ito? Kanina pa ayaw tumayo eh.
"Ikaw babae, maari mo bang sabihin saakin kung nasaan pa ang isang susi ng asnamond?"
Ano daw salmond? Binabaliw ako ng babaeng ito!
"Miss? Okay ka lang ba? Natamaan ka ba sa ulo ng kotse ko? At nagkakaganyan ka? Gusto mo dalhin ko siya sa hospital?"
Parang late ata yung tanong ko. Pero kasi kanina halos 1 meter pa ang layo ng kotse ko sakanya kaya mukhang hindi naman siya natamaan.
"Pashnea!" Galit na sabi niya.
Gusto ko sanang tanungin kung takas ba siya sa mental. Kaya lang baka maoffend.
"Augh bahala ka diyan!"
Sasakay na sana ako ng kotse ng bigla siyang tumayo at tinawag ako.
"Sandali!" Kaya naman lumingon ako sakanya.
"Bakit?"
"Maari mo ba akong tulungan mahanap ang susi ng asnamond?" Tanong niya.
"Huh?"
Baka naman foreigner ito si Ate girl kaya naman ganyan magsalita. Baka naman ang ibig niyang sabihin ay salmond.
"Huh? Pero malelate na ako sa trabaho ko eh." Sagot ko sakanya.
Nakita ko naman na napailing siya at parang nahihirapan sabihin ang gusto niyang sabihin."Pakiusap?"
Hay nako."Sige sige, sumakay ka na."
Sabi ko sakanya at nauna naman ako na sumakay sa kotse, pero lumipas na ang ilang minuto pero nasa labas parin siya,
"Miss?" Sabi ko at ako na ang nagbukas ng pinto mula sa loob.
"Ano ba itong karhawe mo? Ilang beses ko na tinabig ang pintuan hindi parin bumubukas?"
Napakunot naman ang noo ko sakanya.
"Anong karwahe? Kotse ito miss!"
Pagkaupo naman niya ay nilakasan ko ang aircon.
"Amihan? Amihan?" Sabi niya at lumapit pa sa aircon na parang inaaway niya.
"Isa kang traydor Amihan! Humanda ka pagnakabalik ako sa encantadia!" Sabi niya at pinaghahampas ang aircon.
"Miss? Miss?!" Saway ko sakanya."Anong ginagawa mo sa aircon ko?!"
Saway ko sakanya. Pero patuloy parin siya sa paghampas.
"Iyan si Amihan!"
Napahilamos nalang ako sa mukha ko, ayaw ko man tanungin ito pero.
"Miss?! Baliw ka ba?!"
--
![](https://img.wattpad.com/cover/82808143-288-k716485.jpg)