Chapter 16: Warka

1.3K 82 1
                                    


"For goodness sake! Dad, She's only 7 year old kid!

Singhal ng dalaga sakanyang Ama, habang yakap yakap ang nakakabatang kapatid nito. Napailing nalang ang ama niito at umalis sa kwarto.

"Rhian..stress lang si Dad sa work okay? Kaya lahat ng sinabi niya hindi niya sinasadya yun okay?" Pagaamo pa nito sa nakakabatang kapatid, pero patuloy padin ito sa pagiyak.

"But..totoo naman ang sinabi niya eh. Malaking disappointment lang ako sa family niyo."

"Alam mong hindi totoo yun, Rhi. At pamilya natin Rhi. Atin." Sabi nito at niyakap ang kapatid.


"Ayan! Ice cream, cookies and cream ang paborito ng paborito kong kapatid." Ngiting sabi nito at binigay ang ice crean.

"Ako lang naman ang kapatid mo Ate." Nakasimangot na sabi nito.

"Hahaha. Kahit na ikaw parin ang paborito ko." Ngiting sabi nito na nagpangiti din sa bata.

At pagbaling ng paningin nito sa isang lugar sa park ay may nakita itong nagbebenta ng lobo, naisipan niyang lumapit dito at bumili para naman mas lalong mapasaya ang nakakabatang kapatid.

Ngunit pagbalik nito ay..

"Rhian? Rhian?!" Sigaw nito.

Dahil pagbalik niya ay wala na ang kanyang nakakabatang kapatid. Wala na si Rhian.







"S-sino ka?! Bakit ganyan ang iyong kasuotan?!"

Unti unti naman itong tumayo."Nasaan ako?"

"Ako ang unang nagtanong, kaya dapat sagutin mo ako ng sagot at hindi ng tanong pa. Warka."

"Warka?" Ulit pa nito.

"Aba't! Anong karapatan mong sabihan ang isang sanggre na warka?!"

"Warka? Sanggre?" Ulit pa nito.

"Pashnea!"

Pero napakunot lamang ang noo nito at sinabing."Ano ba ang sinasabi mo bata? Hindi kita maintindihan."

"Ikaw ang hindi ko maintindihan! Anong karapatan mong sabihan ng warka ang isang sanggreng tulad ko?!"

"T-teka! Wag ka naman pong sumigaw. Warka..yun ba ang name mo?"

"Warka!!!" Sigaw pa ulit.

"Ah ayon nga ang name mo...warka? Kakaiba."

Tawang sabi ng babae ngunit si 'warka' naman ay nangagalaiti sa galit.

"Bakit nga ba kakaiba ang iyong kasuo-- HATHOR!"

"Ay wow mga clowns! Birthday mo?"

"Pashnea!"

Hindi na nakapagsalita pa ang bata dahil bigla nalang gumamit ng ivictus si 'warka'

"Wow ang galing! May powers ka?!"

Hangang hangga sabi nito.

"Alam mo? Hindi ko mabatid kung ikaw ba ay warka o sadyang nasisiiraan lamang ng bait."

"Hmmp! Pero gusto ko pa naman sana ihug yung mga clowns." Sabi nito.

"Ihug? Clowns?"

"Yakapin! Tiyaka yung mga kanina clowns yun diba? Birthday mo ba? Uy! Happy birthday warka!"

Masayang bati nito.

"Shedda! Ano't kay lakas ng loob mong sabihan ako ng warka?  Ako na susunod sa magiging reyna ng Lireo?! Pashnea! Dapat iniwan na lamang kita doon sa mga hathor na iyon."

"Reyna? Lireo? Nasa lireo ako?"

"Oo nasa Lireo ka, ang kaharian ng mga diwata. Saang lupalop ka ba ng encantadia nanunuluyan at hindi mo alam kung hanggang saang sakop ng Lireo?"

Unexpectedly(Rastro)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon