Chapter 3:Encantadia

2.6K 120 7
                                    



"Hintayin niyo magbalik ang aming Reyna! Ang pinakamalakas sa buong encantadia!" Sigaw ng isang enkantado habang hinihila siya palayo ng kawal ng lireo. Napabuntong hininga na lamang ang kanilang reyna. Si Amihan.

"Hara, sinabi ko naman sayo. Tama lang na ipinatapon natin si Pirena sa mundo ng mga tao, dahil tingnan mo. Sobrang dami na niyang napinsalang buhay ng mga enkantado dito sa encantadia." Paliwanag sakanya ni Danaya, isa sa mga sanggre.

"Ngunit naisip ko lang, Danaya. Kapatid parin natin si Pirena."

Napailing nalang si Danaya sa sinabi ni Amihan ngunit bumaling ulit ito sakanya."Mahal na reyna, iyang masyadong pagtitiwala at pagiging maawain mo ang maglalagay sa iyo sa kapahamakan hindi lang sa iyo, baka sa buong lireo. Reyna ka na kapatid ko kailangan mo muna isipin ang kabutihan ng kaharian bago ang sarili. Mayroon pa tayong mas kailangan intindihin at isipin na mas mahalaga kaysa kay Pirena."

Napaisip naman si Amihan."Tama ka Danaya, ngunit hindi maalis sa isip ko ang sinabi ng enkantadong iyon."

"Alin doon hara?"

Napatahimik naman sandali ang reyna."Ang sinabi ng enkantado, ang pinakamakapangyarihan sa lahat? Isa ba itong kaaway o kakampi?"

"Marahil ay nasisiraan lang ng bait ang enkantadong iyon, dahil sa ginawa sa kanila ni Pirena. Wag mong isipin iyon, Amihan."

---

"Paano mo ba nagagawa iyan?!" Kunot noong tanong ko.

"Ang alin?"

"Iyan! Bigla kang nawawala na parang bula." Ulit ko pa.

"Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo? Isa akong sanggre at isa ito sa mga kapangyarihan naming mga sanggre." Sagot naman niya.

Pero napaiwas nalang ako ng tingin. Pwede ba iyon? Hindi kaya isa siyang mangkukulam?!

"Tsaka ano ba itong pinasuot mo saakin? Bakit parang kinulang sa tela?"

Abat! Nanghiram alang ng damit choosy pa? Kasalanan ko bang crop top lang ang extrang damit ko rito.

"Mas okay na iyan kesa sa suot mo kanina, daig mo pa bampira sa sobrang ayaw mo maarawan sobrang balot ka!" Napailing nalang ako.

"Tutulungan mo na ba ako?"

"Ano naman mapapala ko kung tutulungan kita?"

"Bibigyan kita ng maraming ginto."

Napatingin naman ako sakanya."Miss, hindi ko kailangan niyan." Sabi ko at bumaling ulit sa pagmamaneho.

"Tatanawin kong malaking utang na loob iyon, na kapag kinailangan mo ng tulong nandito lang din ako." Sagot pa niya ulit.

"You mean na kapag may mga sumugod na zombies dito eh? You'll help me?"

"Huh?"

"Wala sige tutulungan na kita."

-----

Unexpectedly(Rastro)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon