II.

925 31 2
                                        

II.


Isang araw na rin ang nakalipas mula ng matagpuan siyang walang malay sa labas ng isang building.

Na nakadagan sa isang lalaki.

Sa hinala ng mga pulis ay nahulog sila mula sa isa sa mga gusali at tanging ang lalaki lamang ang namatay dahil ito ang napa ilalim sa pagkakabagsak. Wala pang sinasabi ang mga pulis sa takbo ng imbestigasyon pero malaking palaisipan sa kanila ang kinahinatnan ng lalaking kasama nya. Dahil bukod sa natamo nitong mga sugat mula sa pagkakabagsak ay nakita ring bugbog ang lalaki at marami itong galos sa katawan.

Pero iisa lang ang malinaw sa kanya, may gustong pumatay sa kanila sa mga oras na iyon.

Si Sophia na sana ang tanging witness pero—

"Selective memory loss?" tanong ni Rommel sa doctor na tumango naman bilang sagot.

"What happened to your sister is a result of a traumatic experience. Pag ang isang tao ay nakakaranas ng isang nakakatakot na pangyayari, karaniwan ay gumagawa ang utak natin ng paraan para itago iyon."

Nakagat ni Sophia ang pang ibabang labi at nanatili lang na nakayuko.

"Ibig po bang sabihin nyan, h-hindi ko na maalala yung... yung nangyari ng araw na yon?"

Bahagyang humugot ng malalim na paghinga ang doctor bago sumagot. "Pwedeng oo, pero pwede ring hindi. Yun ang hindi natin alam."

Isang malalim na buntong hinga ang pinakawalan ni Sophia saka sya napaunat ng upo at sumandal sa malambot na cushion. Marami pang sinabi ang psychologist pero malayo na ang narating ng isip nya. Hinayaan na lang nya ang nakatatandang kapatid na makinig at makipag usap sa doctor.

Hindi nya gustong makalimutan ang mga nangyari.

Pero kusang gumawa ng paraan ang utak nya.

Gaano ba katindi ang nangyari sa kanya isang araw ang nakalipas?

Gaano ba iyon nakakatakot para piliin ng utak nya na burahin ang mga pangyayaring iyon sa ala-ala nya.

Nanatili sya pagkakasandal at hinayaan ang mga matang pumikit. At hindi man nya pilitin ay kusang umagos sa ala-ala nya ang mga huling nangyari bago ang insidenteng iyon.

"Oh, alis ka na?" tanong ni Emmalyn kay Sophia.

"Oo. Need to pick up something. Tapos na rin naman ang klase ko." Ang bente otso anyos na si Sophia ay isang preschool teacher sa isang pribadong school at ang kabigan nyang si Emmalyn ay isa namang registrar doon.

"Ah, sayang. Aayain pa naman sana kitang mag dinner mamaya. May bagong bukas na resto dyan sa malapit eh." Nanghihinayang na sagot naman ni Emmalyn.

"Titingnan ko kung makakauwi ako ng maaga. Text na lang kita." Tanging sagot na lang nya at nagmadali ng umalis.

Sakay ng kanyang kotse ay binaybay nya ang lugar na noon pa lamang nya mapupuntahan.

Nakarating sya sa isang lugar na napapaligiran ng mga abandonadong buildings. Malayo ito sa kabihasnan at tila nalimot na ng lahat na minsan ay nag exist ang lugar na ito. Kung titingnan ay halos isang baranggay rin ang nasakop ng mga luma at halos sira-sirang building doon.

Lumabas sya ng kanyang kotse. Dahan-dahan syang naglakad at pinakiramdaman ang paligid. Ang tanging ikinatatakot nya ng mga oras na iyon ay ang isiping baka lungga na iyon ng mga drug addicts at baka kung ano pa ang mangyari sa kanya, pero tahimik lang ang paligid, kahit ang simpleng paghakbang nya ay tila lumilikha na ng ingay paikot sa mga nakatayong gusali.

ABANDONED [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon