para makabawi... 2 chapters updated for today!!!!
I'll be happy to read you comments...lalo na kung makita kong may vote... ^___^
-----
XI.
Kailangan mong mabuhay.
Kailangan mong mabuhay.
Napasabunot si Sophia sa ulo habang nasa loob ng kotse.
Magaling na si Herbert. Pero pinili nitong magpanggap na hindi nakakapagsalita. Dahil tama ang hinala nya, nakasunod pa rin sa kanila ang may sala, at siguradong anumang oras ay gagawan sila nito ng masama. O baka siguraduhin na nitong mapatay sila.
Pero may isa pang tumatakbo sa isip ni Sophia.
Ang mga sinabi ni Herbert.
Kailangan mong mabuhay.
Simpleng salita na nagpaalala sa kanya ng isa na namang bahagi ng ala-ala nya. Hindi nya mapigilan ang pag-iyak habang nakayuko ang noo sa manibela ng kotse at hinayaang dumaloy ang masaganag luha sa kanyang mga mata, kasabay rin ng pagdaloy ng mga ala-ala.
"Gusto mong malaman kung sino ang tunay mong mga magulang Sophia?"
Tanong ng isang lalaki sa harapan nya. Tiningnan nya kung sino ito, pero bigo syang kilalanin ang lalaki dahil sa suot nitong maskara. Isa pa ay may napansin syang nakasabit sa leeg nito, marahil ay isa itong voice changing device para hindi nya ito mabosesan.
Nakita nyang nakalugmok ang isa pang lalaki di kalayuan sa kanang bahagi ng madilim na silid. Walang malay. Si Herbert!
Umaalon naman ang dibdib nya dahil sa lakas ng paghinga nya.
Lumapit ang lalaki sa kinaroroonan nya, napansin nya ang pag ayos nito sa bakanteng upuan na nasa harap ng kinauupuan nya. She knew in that instant na doon nakaupo si Herbert kanina bago ito pahirapan hanggang sa mawalan ng malay. Sinipat pa nitong mabuti kung nakatapat ba ito sa kanya pero hindi rin ito naupo roon sa halip ay naglakad ito palapit sa kanya.
"Hindi ka pa ba kuntento sa buhay na kinalakihan mo?" mapaklang tanong nito. Hindi sya sumagot bagkus ay tiningnan lang ang paligid ng kwartong kinaroroonan, umaasang makakahanap ng daan palabas.
"Bakit ba lahat gusto mong angkinin??!!" sigaw nito sa mukha nya na ikinapikit nya ng madiin. Umuusal sya ng panalangin, gusto pa nyang mabuhay.
Lumapit pa ito at bahagyang yumuko sa kanya, tiningnan nito ang kabuuan ng mukha nya habang nagsasalita.
"Ni minsan ba naitanong mo sa sarili mo kung paano ka mamamatay?" mahinang sabi nito na lalong nagdulot ng takot sa bawat himaymay ng katawan ni Sophia.
Nanatili siyang walang kibo at pinipigil ang pag-iyak. Pero hindi nya mapigil ang pangangatog ng katawan sa sobrang takot.
Lalo na ng maramdaman nya ang mga kamay nito sa kanyang leeg.
"Gustong gusto na kitang patayin Sophia."
Naramdaman nya ang pagdiin ng mga kamay nito paikot sa kanyang leeg. Alam niyang hindi sya makakalaban dahil mahigpit na nakagapos ang mga kamay nya sa kinauupuan.
Lalo nitong idiniin ang pagsakal sa kanya at nahihirapan na syang huminga.
Madiin nyang naipikit ang mga mata.
Nahihirapan na syang huminga.
Ilang sandali pa ay alam nyang mawawalan na sya ng malay.
BINABASA MO ANG
ABANDONED [COMPLETED]
Детектив / ТриллерNagising si Sophia sa isang krimen na wala syang kasalanan. Ang tanging problema ay wala syang maalala sa mga nangyari. Without any clue kung sino ang tunay na salarin at kung ano ang motibo, she is totally hopeless. And now, she has to do everythin...