XIX

486 23 0
                                    


XIX.

Nagtaka si Rommel ng makitang tahimik ang bahay ni Lance. He expected that there wil be some police within the area. Hindi naman sya pwedeng magkamali ng lugar, mula nung unang makitang walang malay ang kapatid na si Sophia sa abandonadong lugar ay inalam na nya kung sino ang mga kaibigan nito, pinasundan nya noon kay Mike ang mga galaw at gawain ng bawat isa sa mga iyon. Kasama na doon kung saan nakatira ang mga ito.

Hindi kaya, hindi nya pa natatawagan ang mga pulis? Tanong nya sa sarili habang dahan-dahang inihihinto ang kotse sa tapat ng gate at saka bumaba doon para sumilip sa loob ng bahay.

Shit! Baka nasa loob pa rin sya! Iniisip nyang baka nasa loob pa rin si Lance at kasama ang killer. And worst, baka patay na ito.

Lumapit sya sa gate at nagulat ng mapag alamang bukas ito. Itinulak nya ito at saka diretsong pumasok sa loob, maging ang front door ay hindi naka lock na lalong nagbigay sa kanya ng hinala kaya hindi na sya nagdalawang isip na pumasok sa loob.

Tahimik.

Madilim ang paligid dahil sa makakapal na kurtinang kulay asul na tumatabing sa mga bintana. Hindi na sya nag abalang pindutin ang switch ng ilaw, naiisip nyang kung naroon nga ang killer ay baka maalarma ito sa pagdating nya, lalo't baka pinatay na doon si Lance.

Napamura sya sa sarili ng maalalang naiwan nya pala sa kotse ang cellphone para tawagan sana ang mga pulis. Palabas na ulit sya ng makarinig sya ng mga nagkabagsakan sa itaas na bahagi ng bahay. Nasa isip ay ang matulungan agad si Lance at maabutang buhay, inuna na nyang umakyat papunta doon bago ang bumalik sa sariling sasakyan. Halos tig dadalawang hakbang ang ginawa nya sa hagdan para makaakyat lang doon agad.

"Lance!" sigaw nya ng makarating sa 2nd floor ng bahay. Kagaya sa una ay tahimik ang paligid. Tatlong kwarto lang ang nakikita nya at ang isa ay bahagyang naka awang ang pinto, agad syang lumapit doon at dahan-dahang itinulak ang pinto pabukas para sumilip.

Nagulat sya ng ang tumambad sa kanya ay gulo-gulong gamit sa loob ng maliit na kwartong iyon. Pero mas nagulat sya ng makitang sa isang sulok ng dingding katapat ng maliit na mesa ay may mga nakadikit na mga larawan. Sa paglapit nya ay saka nya nakitang mga larawan iyon ni Sophia!

"Shit!" mas lalo syang napamura ng makita nyang karamihan sa mga larawan ni Sophia doon ay may ekis gamit ang pulang pentel pen, ang isa pa ay halos mabura na ang mukha dahil sa paulit ulit na pagkaskas ng matulis na bagay.

At halos mapatalon sya ng biglang gumalaw ang maliit na cabinet sa may sulok ng kwarto kasabay ng isang impit na ungol. Narealize nyang iyon ang dahilan ng ingay na narinig nya kanina.

"Holy Shit!" patakbo syang lumapit sa sulok na iyon ng sa pagsilip nya ay nakita nya doon si Emmalyn. Nakatali ang mga kamay at paa nito. May busal sa bibig na mahigpit na nakatali paikot sa ulo nito at halos mabanat na ang magkabilang pisngi. Maitim ang paligid ng mga mata nito at marumi ang magkabilang pisngi dala ng walang tigil na pag-iyak. Nakita nyang tila nanghihina na ito sa kaawa-awang kalagayan, pero biglang nagliwanag ang mukha nito ng makita sya.

Umiiyak ito at sa kabila ng pagkaka busal ng bibig nito ay naintindihan nya pa rin ang mga salitang 'tulungan mo ako' na nangangatog nitong binigkas.

"Sshhh. Wag kang maingay." nagmamadali niyang inalis ang nakatali sa mga kamay nito. Bahagya pa syang nahirapan dahil sa sobrang higpit niyon. Nang tuluyan na nya iyong maalis ay agad naman syang lumipat sa mga tali nito sa paa habang si Emmalyn naman ay tinanggal ang mga tali nito sa bibig.

"I did not expect it this way." Sabay silang napalingon sa pinto at narininig nya ang pag-igik ni Emmalyn dahil sa takot at naramdaman nya ang pagyakap nito sa mga braso nya.

ABANDONED [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon