VII.
Maaga pa lang kinabukasan ay ibinalita agad ni Sophia sa kapatid na si Rommel ang nangyari nung gabi. At gaya ng inaasahan ay nag-alala ito sa kanya at pinilit syang lumagi na lang sa dati nilang tahanan. Tumanggi si Sophia at sinabing ayos na naman ang lahat at para makalma ang kapatid ay sinabi nyang uuwi rin sya doon oras na makaramdaman sya ng panganib.
Iniisip nya ang mga susunod na hakbang na dapat gawin.
At hindi sya pwedeng magkamali.
Hindi nagtagal ay dumating si Albert na maraming bitbit at agad itong dinaluhan ni Sophia. Tumanggi pa si Albert na tumulong syang magbuhat pero wala na itong nagawa ng damputin nya ang paper bag mula sa compartment ng sasakyan nito para maipasok sa loob ng bahay. Inilapag nila agad ang mga gamit pagpasok ng sala.
"Ito lang ba ang kailangan?" tanong nya.
"Oo. Pwede na yan." Sagot ni Albert habang kinakamot ang noo at pinapasadahan ng tingin ang mga gamit sa sahig.
Nagpatulong si Sophia kay Albert na mag install ng mga cctv at iba pang security device sa kaibigan. Ayaw nyang magbayad ng ibang taong gagawa. Natatakot sya. Wala syang tiwala sa iba.
"Simulan ko na." sabi ni Albert at saka inilabas isa-isa ang pinamili. Wala syang masyadong alam sa mga ganoong bagay kaya pinanood nalang nya ang kaibigan sa ginagawa nito. Si Albert ang head sa IT department sa kumpanya nila kaya tiwala sya sa kakayahan nito, malaki ang kumpanya nila at hindi naman ito basta-basta magiging head kung wala itong sapat na kaalaman, dagdag pa na malapit nya itong kaibigan.
Humanga sya sa sipag nito at tila walang kapagurang pagbubuntingting sa mga gamit. Isa pa ay tawa sya ng tawa dahil masaya itong kausap na halos hindi na nila namalayan ang oras. Dahilan din kaya gusto nya itong laging kasama.
"Here Sophia," tawag nito sa kanya matapos I'install ang mga gamit. "I installed cctv in every door just to make sure. Sa front door, back, pati sa bawat room. Meron din akong nilagay dito sa gitna na madaling makikita ang sala at kitchen. Nilagyan ko rin ng security alarm ang bawat pinto papasok ng bahay. If in case may magpupumilit pumasok, diretso mag aalarm."
"Thank you ha, Albert." Sabi nya dito, alam nyang hindi magpapabayad ang kaibigan, kaya nag iisip na naman sya pano pa makakabawi dito.
"Wala yon." Nahihiyang sabi nito at napakamot pa ng batok. "Uhhmm... Just have dinner with me?"
"What?" tanong nya pero parang bigla rin syang kinabahan. Kabang masarap sa pakiramdam.
"Uhm... Ah. K-kakain. T-tayo." Napansin nya ang pamumula nito kahit moreno ang kulay nito kaya lalo syang natawa.
"Okay." Natigilan ito sa sinagot nya. "Isama natin si Emmalyn and Lance?" pagtetesting ni Sophia sa isasagot nito at natawa sya ng biglang lumungkot ang mukha nito.
"O-okay, sure." Mahinang sagot nito. "Pero gusto ko sana yung tayong dalawa lang." dugtong pa ni Albert.
"Wait. Are you---?"
"Yes, gusto kita." Maagap na sagot ni Albert. "I'm sorry, I should have never told you sa ganitong pagkakataon or maybe I should have been contented with our friendship. Pero yung nangyari sayo sa abandoned place na yon, tapos itong pinaka huli na may nagbabanta sayo. Ayokong tumayo na lang at manood."
Hinawakan nito ang mga kamay nya at marahang pinisil.
"I want to protect you Sophia. Y-you don't have to love me back. Just let me... protect you."
Napatingin si Sophia sa mga mata ni Albert at nakita nya ang sincerity nito sa mga sinabi. Napangiti sya dito at tumango kaya napangiti na rin pabalik si Albert.
BINABASA MO ANG
ABANDONED [COMPLETED]
Mystery / ThrillerNagising si Sophia sa isang krimen na wala syang kasalanan. Ang tanging problema ay wala syang maalala sa mga nangyari. Without any clue kung sino ang tunay na salarin at kung ano ang motibo, she is totally hopeless. And now, she has to do everythin...