V.

595 20 0
                                        


V.


Mabilis ang paglalakad ni Rommel Gonzaga papasok ng building, kasabay nya ang assitant na si Mike, at sa likuran nila ang apat pa sa mga tauhan nya na pawang mga nakapormal na suot.

Sunod-sunod din ang pagbati ng mga madaanang empleyado sa loob ng building, pero gaya ng nakasanayan ay walang sagot na nanggaling kay Rommel, sanay na sila sa amo na parang isang malamig na yelo, parang walang pakiramdam sa paligid, o sa ibang bagay.

"Sigurado ka ba sa nalaman mo?" tanong niya kay Mike.

"Opo, Sir." Siguradong sagot ni Mike. Si Mike ang isa sa pinaka pinagkakatiwalaan nya. His personal assitant, hindi lang sa negosyo kundi sa marami pang bagay.

"Make sure na hindi nya kayo o sila mapapansin. Malakas ang pakiramdam ng kapatid ko. At matalino sya, wag nyong maliitin ang kakayahan nya."

"Given with your sister's personality, I'm sure hindi magtatagal at malalaman nya rin ang lahat" sagot ni Mike.

Huminto sila sa tapat ng elevator hindi kumilos si Rommel at hinayaang si Mike ang pumindot ng buton para bumukas iyon. Nang bumukas ang elevator ay nauna ulit syang pumasok, kasunod ang mga tauhan. Muli ay si Mike ang pumindot sa floor kung saan si Rommel ang umookupa.

"Alam kong darating ang oras na yon. Pero sa ngayon gawin nyo muna ang ipinag uutos ko."

"Malinaw po, Sir."

Nang huminto ang elevator ay inayos nya ang pagkakabutones ng amerikanang suot at saka lumabas. Pagtapat nila sa pinto ng opisina ay tumayo ang sekretary para bumati sa kanila, isang mahinang tango lamang ang isinagot nya dito. Muli ay si Mike ang nagbukas ng pinto para sa pagpasok niya.

"Ay Sir," awat ng sekretarya nya bago pa man sya tuluyang makapasok dahilan para huminto sya sandali "Miss Sophia is inside, she's waiting for you."

Maingat syang lumingon kay Mike at ipinilig lang ang ulo. Mabilis na naintindihan ni Mike ang ibig nyang sabihin, hindi na ito sumama sa loob ng opisina, tumalikod na ito at isinama ang apat pang tauhan palabas ng floor.

Pumasok na si Rommel at isinara ang pinto, paglingon nya ay automatiko na ang matamis na ngiti para batiin ang kapatid.

Malaki ang opisina nya at sakop noon ang buong 10th floor ng building, ang pinaka gitna ay nagsisilbing sala para sa mga importanteng bisita, ang dingding non ay salamin kaya tanaw nya ang gilid ng building pati ang high way na napupuno ng mga nagdaraang sasakyan , sa kaliwang bahagi naman ay naroon ang dalawang pinto na syang pinaka opisina nilang dalawang magkapatid.

Nadatnan nya itong naka de kwatro sa sofa set habang binabasa ang isang business magazine na sya ang nasa front cover. Sa mesa sa harap ni Sophia ay umuusok pa ang tasa ng mainit na kape.

"Kuya!" bati agad ni Sophia ng maramdaman ang presensya nya. Ngumiti lang ito at hindi tumayo sa pagkakaupo. "You look really good in this cover. Hindi mo agad sinabi na mafi'feature ka pala ulit, sana nakabili ako agad."

Ngumiti lang si Rommel at umupo naman sa katabing sofa. "Buti naman napasyal ka, kamusta ang pakiramdam mo?"

"Nako sorry kuya, naabala ba kita? I asked your secretary kung may schedule ka ba or any appointment, sabi nya wala so I decided to wait for you here." Naaalangang tanong ni Sophia.

"No, no, it's okay. I just have some papers to sign on, it can wait." Maagap na sagot nya.

Humigop ng kape si Sophia at napansin nitong nakatingin lang sya, kaya nagulat ito at nagmamadaling ibinaba ulit ang tasa.

ABANDONED [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon