XVI.

519 23 3
                                        


XVI.


"Kailangan na nating magmadali!" sigaw ni Albert sa kausap habang nagmamadaling sumakay sa sariling sasakyan. Kausap nya sa cellphone ang kapatid ni Sophia na si Rommel. Wala na syang pakialam kung boss nya ito, buhay ni Sophia ang nakataya ngayon.

"Kailangan mong tawagan ang mga pulis ngayon na! Papuntahin mo sa bahay ni Sophia!" may pagmamadali sa boses ni Albert.

"Anong nangyari?" tanong ni Rommel mula sa kabilang linya.

Medyo nag alangan pa si Albert na sagutin ang tanong pero mukhang kailangan nyang sabihin ang totoo,

"Ako ang nag install ng cctv sa bahay ni Sophia, at ikinonekta ko yon sa cellphone ko. Wala akong ibang plano kaya ko yun ginawa, iniisip ko lang na kailangan kong gawin yon para makasiguradong ayos sya palagi." Hindi na nya alam kung naintindihan ba sya ng kausap sa bilis nyang magsalita,

"Kanina ko lang naisipang ireview ang footage. A-at nasa loob ng bahay ni Sophia ang killer!"

---

Halos magdilim na ang paningin nya pero nagawa pa nyang makauwi,

"Clara!" tawag nya sa kasambahay at nadatnan lang nya ang kadiliman ng ng loob ng bahay.

"Clara?!" sigaw nya ulit at saka kinapa ang switch ng ilaw para sa pagliwanag ng kabuuan ng sala. "Nasaan ba si Clara? Hindi kaya pati sa kanya ay may nangyari ng masama?" pag-aalala nya.

Unti-unti nyang inilibot ang paningin sa kabuuan ng bahay. Wala namang kakaiba. Siguro ay nagiging paranoid lamang sya.

Hindi na sya nag aksakya ng panahon at agad na umakyat sa kanyang kwarto para maka kuha ng gamit. Pagkatapos ay saka nya muling hinanap si Clara.

Hindi pa rin sya mapakali, at nasa isip ang natuklasang si Lance ang may kagagawan ng lahat. Nasasaktan sya sa naisip.

Kailangan na nyang masabi ito sa pulis. Kailangan nyang magmadali!

"Clara! Nasaan ka?" papunta na sya ng kusina para tingnan doon ang kasambahay ng may makintab na bagay na umagaw sa atensyon nya. Napatingin sya sa may sahig malapit sa TV ng sala. Nakita nya ang isang pirasong hikaw,

"Kay Emmalyn to ah? Paano to nakarating dito?" hindi sya pwedeng magkamali dahil bigay nya kay Emmalyn ang hikaw na iyon. Pasadya nya itong pinagawa para sa kaibigan. Isang maliit na pearl na napapalibutan ng maliit na pink na bato kaya nagmukha itong bulaklak. Tiningnan nya ang likod at hindi sya nagkamali, naka engrave doon ang initials nila ni Emmalyn, ES, maliit lang ito, pero confirmed ngang kay Emmalyn ito.

Agad syang tumayo, kung hindi nya makikita si Clara ay kailangan pa rin nyang makaalis na agad dito. Pero sa isang iglap ng pagkatayo nya ay naramdaman nya ang pagpalo ng isang matigas na bagay sa ulo nya.

Sa sobrang lakas ng pagkakahampas ay nawalan sya ng balanse at napahiga sa sahig. Sa muling pagdilat nya ay umiikot at nanlalabo na ang kanyang paningin. Nakita nya ang pares ng mga paang palapit sa ulunan nya. Nakita nya ang malaking bakal na hawak nito sa kanang kamay na syang ipinangpukpok sa ulo nya.

Gumapang ang paningin nya sa mukha ng taong iyon. Pero hindi nya inaasahan ang mukhang tumambad sa kanya.

"C-clara?"

Naglakad ito palapit sa kanya at pinilit nyang makaupo habang sapo-sapo ang kanang sintido.

"I-ikaw? Bakit?" tanong nya, pero nanatiling blangko ang ekspresyon ng dalaga habang nakatingin sa kanya.

ABANDONED [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon