XV.

485 20 0
                                    


XV.


"Nasaan ba talaga ang Papa ko, ma?" tanong ng isang sampong taong gulang na batang lalaki.

"Sinabi ko naman sayo Paulo, si Arthur Gonzaga ang tunay mong ama." Napatingin ang batang si Paulo sa kaharap na ina. Hindi nya maiwasang mahabag sa tuwing nakikita nya ito. Payat at humpak ang mukha, at halos hirap ng gumalaw mag-isa. Kahit sa murang edad ay naisip nyang baka ang dahilan ng pagkakasakit nito ay ang madalas nitong paglabas-labas tuwing gabi at madaling araw na kung umuwi.

Walang hindi nakaka kilala sa negosyanteng sinabi ng kanyang ina. Sikat ito maging ang buo nitong pamilya. Laging laman ng mga magazines at nabigyan ng pagkilala bilang ulirang pamilya. Para sa mata ng nakararami ay perpekto ang buhay ng mga Gonzaga, mayaman... at masaya.

Kaya paanong magiging tatay nya si Arthur Gonzaga? Sa isip nya ay ayaw lang ng ina nya na malaman kung sino ang tunay nyang ama. Bagay na ikinagagalit nya.

"Imposible naman yon ma! Kung sya talaga ang tatay ko eh di humingi tayo ng tulong sa kanya! Kailangan mong magpadoktor ma! Kailangan mong---"

"Sssshh." Hinawakan ng kanyang ina ang kanyang pisngi at marahang hinaplos haplos iyon. "Hindi nya dapat malaman na may isa pa syang anak. Kukunin ka rin nila sa akin pag nagka ganon. Hindi nila dapat malaman na may kakambal si Sophia."

Nabigla sya sa sinabi ng mama nya.

Kakambal nya si Sophia?

Maganda ito at napapanood nya rin sa mga commercial ng pambatang shampoo at kung anu-ano pa.

Pero bakit parang hindi naman sila magkamukha? Siguro dahil si Sophia ay lumaking maginhawa ang buhay... samantalang sya... samantalang sya...

"Eh bakit si Sophia nasa kanila? B-bakit ako... nandito?" nagsimula ng mangatog ang boses nya dahil sa pinipigil na damdamin.

"Ikaw na lang ang meron ako anak. Nung una akala ko ay ayos lang na ibigay sa kanila ang magiging anak ko. Pero nung malaman kong... n-nung malaman kong kambal ang dinadala ko ay parang gusto ko ng umatras." Nagsimula na ring mangilid ang luha ng kanyang ina.

"Pero natakot akong hindi sumunod sa napag kasunduan namin. Kaya inilihim ko sa kanilang kambal ang magiging anak namin." Suminghot singhot pa ito sa pagitan ng paliwanag sa anak. "G-ginawa ko ang lahat para hindi nila malaman na dalawa ang isisilang kong sanggol! M-mahal ko kayo anak. A-at ayaw kong pati ikaw ay kunin din sakin." At tuluyan ng humulagpos ang mga luhang kanina pa naipon.

"Napaka sakit para sa akin na hindi ko manlang kayo nagawang mayakap ng magkapatid ng sabay. Pero mas mababaliw ako kung pareho kayong mawawala sa akin anak."

Pero sa halip na makaramdam ng awa sa ina ay matinding galit pa ang nararamdaman nya.

"Makasarili ka mama!"

Nagulat naman ang kanyang ina sa sinabi nya.

"Kung talagang mahal mo ko sana binigay mo na lang din ako sa kanila! Para maayos din ang pamumuhay ko! Para nasubukan ko ring makabili ng mga bagay na gusto ko! Makakain ng masasarap araw-araw!"

"A-anak--"

"Pero hindi! Ako ang pinili mo para ako magdusa na kasama ka! Samantalang si Sophia, si Sophia nandoon! Nakakahiga sa malambot na kama! Eh ako? Nagti'tyaga sa maliit na bahay na to! Makasarili ka ma!"

ABANDONED [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon