dahil matagal ako hindi nakapag update, eto na..hahahaha.. mag comment naman or vote para ganahan ako... hahaha.. kulitin nyo rin aq sa inbox ko or kahit dito..hahah ^__^
sa mga gusto magpa dedicate, sabihin lang.. hihi..
wait ko ang vote at comments ha.. <3
-----
X.
"What?!" napalakas ang pagbagsak ng kamay ni Rommel sa malapad na mahogany table kasabay ng pagtayo nya, dahil sa sinabi ni Mike.
"Yes. He's dead." Sagot ni Mike.
Patay na ang detective. Detective na na'hire ni Emmalyn. Gusto ni Rommel na pasubaybayan si Sophia para masugurado ang kaligtasan nito. Doon nila nalamang naghire si Sophia, gamit ang pangalan ni Emmalyn, ng isang detective para alamin kung sino ang tunay na magulang.
"He was found dead inside his car. The police ruled it out as robbery, though hindi tinangay ang sasakyan nya, nawawala naman ang cellphone at iba pang gamit nya." Paliwanag ni Mike.
Tumalikod si Rommel kay Mike at napabuntong hinga ng malakas habang nakapamewang. Sinadya nya munang wag magsalita upang paalpasin ang galit sa dibdib.
"Siguro mas maganda, kung ikaw na lang mismo ang magsabi kay Sophia ng katotohanan." Suhestyon ni Mike.
"Kung sino ang tunay nyang mga magulang?" mahinahon nang tanong ni Rommel.
"Yes." Nagkibit balikat naman si Mike saka muling nagsalita. "It will make things easier. Dati hindi mo masabi sa kanya ang totoo dahil baka hindi sya maniwala. Pero iba na ang case ngayon. Muntikan na syang mamatay sa bandonadong lugar na iyon dahil sa paghahanap sa tunay nyang magulang!"
Nahigit naman n Rommel ang sariling paghinga dahil sa sinabi ni Mike.
"Tama ka, but there's still something else." Mahina ang boses ni Rommel sa pagsasalita.
"Hinahanap lang ni Sophia ang tunay nyang magulang. Pero bakit pinagtangkaan syang patayin sa abandonadong lugar na yon? At ngayon, namatay na rin ang detective na syang makakapag sabi kay Sophia ng lahat."
"Pero alam mo rin naman ang katotohanan sa pagkatao ni Sophia. Bakit hindi ikaw ang unang pinatay?" tanong ni Mike.
"Exactly my point. Because there is still something missing. Something na ayaw nyang malaman ni Sophia, something na hindi ko pa rin alam." sabi Rommel at muliung naupo sa swivel chair nya at hinawakan ang baba habang malalim na nag-iisip.
"May kulang pa. Ano pa ang ayaw nyang malaman ni Sophia? At bakit? "
Patuloy namang nakikinig sa kanya si Mike.
"Pag nalaman natin kung ano yon, malalaman din natin kung sino ang nasa likod ng lahat ito." Madiing sabi niya.
"Why not hire another detective? Ipa'imbestiga mo ang lahat ng tungkol kay Sophia. Pwedeng don na tayo makahanap ng sagot."
"Alam mong matatagalang bago makuha ang lahat ng impormasyong kakailanganin natin. Nasa kamay na sana ni Sophia ang lahat, pero pinatay ang detective bago pa man makarating sa kanya iyon."
Nagsalita si Mike habang nakaturo sa kanya,
"At ibig sabihin din nyan, na kailangan mo ng dobleng ingat. Ninyo, ni Sophia. Whatever it is na ayaw nyang malaman nyo, mas mapapadali kung papatayin nya kayo."

BINABASA MO ANG
ABANDONED [COMPLETED]
Mystery / ThrillerNagising si Sophia sa isang krimen na wala syang kasalanan. Ang tanging problema ay wala syang maalala sa mga nangyari. Without any clue kung sino ang tunay na salarin at kung ano ang motibo, she is totally hopeless. And now, she has to do everythin...