III.
"Are you sure pwede na kitang iwan?" tanong ni Rommel kay Sophia pagkahatid nito sa tinitirhan nyang bahay.
"Oo naman. Hindi na ako bata kuya." Nailing na sagot nya. Mula pa noong mga bata sila ay sadya ng overprotective ang kapatid, lalo na nung maulila na silang dalawa limang taon na rin ang nakalipas.
"You know I can cancel the meeting for you para samahan ka dito." Seryosong sambit ni Rommel. Dito kasi ipinamana ng mga yumaong magulang ang mga negosyo, may sarili rin namang share sa company si Sophia, pero wala doon ang hilig niya. Mas masaya sya sa pagtuturo. Pero gayunpaman ay hindi nya ibinenta ang share nya sa ibang stockholders, ang kumpanyang yon ay pinaghirapang itayo ng mga magulang, pinahahalagahan nya rin iyon, kaya considered pa rin sya na isa sa mga stockholders ng company bagama't isang beses sa isang linggo na lang sya kung pumasyal doon, at kung minsan ay kung kailangan lang sa mga meeting.
"You don't have to do that. Matanda na ako, and besides, wala naman akong nararamdamang masama sa katawan ko." Hindi mapigilang matawa ni Sophia habang nagsasalita.
Napangiti na lang si Rommel at bahagyang tinapik ang ulo nya na parang bata, alam nyang ipipilit na naman ng kuya nya na bumalik na lang sa bahay nila kaya inunahan na nya ito,
"Mas makakapagpahinga ako dito kuya, wag mo na akong alalahanin, please?" wala na ngang nagawa pa si Rommel kundi ang sumunod na lang sa gusto ni Sophia. Marami pa itong ibinilin sa kanya, ipinilit ng kuya nya na papupuntahin doon ang maid sa mansion nila na si Clara para lamang masigradong makaka kain sya at hindi makakalimutang inumin ang mga resetang gamot ng doctor na pawang mga vitamins lang naman. Nung um'oo sya ay parang saka lamang nabunutan ng tinik si Rommel at saka lamang nagpaalam.
Pag-alis ni Rommel ay saka sya pahilatang naupo sa sofa.
Nasa isip nya ang nakasanayang marangyang pamumuhay. Kilala ang pamilya nila bilang isa sa pinaka mayaman at pinaka maimpluwensya sa bansa. Laman ang pamilya nya ng bawat balita mula sa dyaryo hanggang sa mga articles sa magazines. At ngayon nga ay kasalukuyang kuya nya nasa spotlight.
GONZAGA EMPIRE STILL RISE!
Basa nya sa pinaka front cover ng isang business magazine, at ang larawang naroon ay ang kanyang kapatid na si Rommel na seryosong nakahalukipkip. Giving the aura of a strict dominant boss. Hindi makapaniwala ang lahat na ang kuya nya, sa edad na trenta y tres anyos ay magagawang patakbuhin ng maayos ang negosyong iniwan ng mga magulang, lalo't mas mapaunlad pa ito. Their father has trained them well. Napangiti na lang sya sa tagumpay ng kapatid, muli nyang ibinalik ang magazine sa rack kung saan doon nya inilalagay lahat ng magazine na may article tungkol sa kanya o sa pamilya nya.
Nakapagtataka man ay nagpapasalamat pa rin sya na walang reporters na humahabol sa kanya at nagtatanong kung ano ang nangyari sa kanya, lalo na tanungin sya kung ano nga ba ang ginagawa nya sa lugar na iyon. Maybe her brother took care of it. With their money, they can make people shut their mouth. Ano kaya ang gagawin ng mga magulang nya kung buhay pa ang mga ito at nalaman ang nangyari sa kanya? She knows they will do everything to protect her. To protect the image of their family.
Naiiyak pa rin sya sa tuwing naiisip ang yumaong magulang. Larawan sila ng isang masaya at perpektong pamilya.
Pamilya. Napabuntong hinga sya ng maisip ang salitang iyon. Ayaw nyang biguin ang magulang. Pero mas pinili nya pa rin noon ang magturo. Nung una ay tutol ang daddy nya sa ideyang iyon. Nang panindigan nya ang desisyong magturo ay binili ng daddy ang kalahati ng share ng eskwelahan para lamang masiguradong magiging maayos ang lagay nya doon.
BINABASA MO ANG
ABANDONED [COMPLETED]
Mystery / ThrillerNagising si Sophia sa isang krimen na wala syang kasalanan. Ang tanging problema ay wala syang maalala sa mga nangyari. Without any clue kung sino ang tunay na salarin at kung ano ang motibo, she is totally hopeless. And now, she has to do everythin...
![ABANDONED [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/82834362-64-k975871.jpg)