FINALE

460 22 0
                                    


This one is for you @mmrwmm3
Thanks for the support. ☺
-----

FINALE:

"Albert saan ba tayo pupunta?" maang na tanong ni Sophia. Kakauwi pa lang nya sa dating tahanan. Ninamnam nya pa ang sarap na pakiramdam na muling makauwi, halos wala pang trenta minutos siyang nahihiga sa kama ng magpaalam si Albert na may tatawagan ito sandali at pagbalik nito ay nagmamadali na itong ayain sya para umalis doon.

"Sophia, I don't have time to explain." Sabi nito habang madiing hawak ang cellphone at tila nag iisip kung ano pa ba ang dapat gawin bago sila umalis habang mabilis na naglalakad pabalik balik sa loob ng kwarto nya. Anuman ang dahilan nito ay alam nyang ayaw lang nitong sabihin sa kanya.

"Albert, please." Pagmamakaawa nya "Mas lalo akong natatakot na ganyang ayaw mong sabihin sakin kung ano bang nangyayari."

Huminto ito sa paglalakad at lumapit sa kanya, hinawakan sya nito sa magkabilang balikat at inilapit ang mga mukha sa kanya habang mataman syang tinitigan,

"Sophia, I called Detective Carlos and," umikot ang paningin nito sa buong silid at napadiin ang mga labi bago muling nagsalita, ",and they said na wala silang natatanngap sa station na nila na tawag galing kay Lance. Walang nagtangkang pumatay sa kanya!"

"Gumawa lang sya ng kwento? Pero bakit?" pero hindi na nya kailangan pang maging henyo para masagot ang tanong na yon

"S-si L-lance ba ang..." natutop nya ang bibig dahil don, nanatili namang nakatitig s kanya si Albert.

"We still don't know. Pero mas maganda na ang mag-ingat. Kung sya ang tunay na killer, siguradong pupunta sya dito na ngayon, lalo't..." naglumikot ang mga mata nito at hindi makatingin sa kanya.

"Oh my God Albert, nagpunta don ang kuya ko!" naiiyak na sabi nya, ibig sabihin pwede ring sa mga sandaling ito ay wala na ang kuya nya.

Sabay silang nagulat ng may marinig na nag ri'ring. Agad syang lumayo mula kay Albert at patakbong lumapit sa lamesa katabi ng kanyang kama para damputin ang cellphone.

"Hello! Kuya! Nasaan ka?" tanong nya ng makitang numero ng kapatid ang tumatawag.

"S-sophia! Nasaan ka? Si Lance! ... p-papatayin nya... t-tayo! Si Rommel! Si Rommel! T-tumakas ka na! N-nandyan na sya!" magulong sabi ng nasa kabilang linya nablangko ang isip ni Sophia sa mga narinig.

"Emmalyn..." nagawa nya pang tawagin ang pangalan ng kaibigan bago naputol ang tawag. Marahil ay takot na takot ang kaibigan sa mga sandaling iyon, pero malinaw na naintindihan nya ang ibig nitong sabihin.

Si Lance ang kriminal!

Kasabay ng pagtawag ni Albert sa pangalan nya ang pagbalik nya sa katotohanan, hinawakan nya ang kamay nito at pinaramdam ang panganib na parating, hindi na nagtanong pa si Albert, alam na nito agad ang mga nangyayari.

Marahil ay patay na sa mga sandaling iyon ang kuya nya. Nailigtas nito si Emmalyn mula kay Lance kaya nagawa nitong makatakas at balaan sya. Iyon ang naintindihan nya sa mga pangyayari.

Patakbo silang bumaba sa matarik na hagdan ng malaking bahay, eksaktong bubuksan na nila ang pinto para makalabas ng marinig nilang ang malakas na katok na halos sumira sa pinto. Napatalon sya sa gulat at takot ng muli iyong tadyakan at halatang may pilit na pumapasok.

Nasaan ba ang mga guard? Tanong nya sa sarili.

"Magtago ka!" pabulong na sabi ni Albert habang dahan-dahan itong umaatras mula sa pinto. Hindi na sya kailangan pang sabihan ulit, tumakbo sya sa may likod ng sofa set, at inilabas ang cellphone para tumawag sa mga pulis. Parang sumabog ang puso nya ng biglang humagis ang pinto pabukas,

ABANDONED [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon