VIII.
After a day ay saka nag dinner sa labas sila Sophia at Albert, and she has to admit, she really likes Albert's presence. It's as if she can't be hurt by anyone when she is with him. Malaking tao si Albert, bukod pa don ay siksik din ang pangagatawan nito na alaga ng regular na pag eehersisyo. Pakiramdam nya ay kayang patumbahin ni Albert ang sinuman sa isang suntok lang nito.
Pero bukod pa don, pakiramdam ni Sophia ay nakahanap sya ng kakampi.
Nagulat si Sophia sa biglang pagring ng cellphone nya, tiningnan nya kung sino ang tumatawag at saka nya sinagot.
"Hello Lance!" masayang bati nya, sinadya namang ipakita sa kanya ni Albert ang pag nguso nito na kunwari ay nagtatampo dahilan kaya napatawa sya ng malakas.
"Ay sorry, si Albert kasi eh. Yes, magkasama kami."
"Really? Nanliligaw na ba sya sayo?" kahit sa nasa kabilang linya ito ay ramdam nya ang panunukso ng kaibigan.
"Bakit ka pala napatawag?" pag-iiba nya ng tanong.
"Wala lang. Just wanna check you out. Pero mukhang,"
"Hello!" nagulat sya ng biglang agawin ni Albert ang cellphone mula sa kanya, dinilatan nya ito ng mata pero tinawanan lang sya nito at tinanguan para paalisin at ituloy ang pagpila para makabili ng icecream sa Dairy Queen.
"Oo! Istorbo ka!" narinig nyang sigaw parin ni Albert napailing nalang sya at itinuloy na ang naudlot na pagbili ng icecream. Pagbalik nya ay nakita nyang nakapamulsa na ito at nakangiti sa kanya, inabot nya dito ang biniling Oreo blast at saka lang nito binalik sa kanya ang cellphone.
"Ang daya mo! Gusto mo lang magpa libre ng icecream kaya ako ang inutusan mo bumili eh!" natatawang pang-aasar nya dito, bigla namang nasamid si Albert dahil sa sinabi nya, kahit hindi masyadong maibuka ang bibig ay agad nitong ipinagtanggol ang sarili,
"Hoy hindi ah! Sobra ka!" sabi nito saka pinunasan ng likod ng palad ang labi. "Sige babawi ako sayo bukas, lilibre ulit kita dinner."
Natawa sya ng malakas dahil sa sinabi nito.
"Wow ha, para-paraan?" sabay silang nagtawanan at lalo pa syang natawa ng pabiro syang bungguin ni Albert gamit ang balikat nito.
Papunta na sila sa exit ng mall ay napansin nyang hawak nya pa rin ang resibo ng Dairy Queen, tiningnan nya ito at naisipang ang tissue na lamang ang iipunin bilang remebrance. Napangiti sya dahil ngayon lang sya naging ganito ka'sentimental, saka itinapon sa nadaanang basurahan ang resibo.
Eksaktong paglabas nila ay may humarang sa daanan ni Sophia, tiningnan nyang mabuti kung sino ito, hindi sya sure pero parang nakita na nya somewhere ang babaeng ito. Inilabas nito ang sa tingin nya ay isang recorder, nakasunod dito ang isang lalaki na may hawak namang camcorder.
Isa itong reporter, she concluded.
"Sophia Gonzaga!" hindi nya nagustuhan ang paraan ng pagtawag nito sa kanya,dagdagan pa na nakangisi ito sa kanya habang nakataas ang isang kilay.
"Yes?" maayos nya namang tanong dito at ngumiti.
"I'm Kaysee Hilario, from CBN station." Maarteng wika ng babae. Pilit pinapasosyal ng reporter ang aura sa pag-asang kahit papano ay makapantay kay Sophia.
Maganda rin naman ang reporter, pero nawawala ang kagandahan nito pag natatabi kay Sophia.
"I heard nasangkot ka daw sa isang 'aksidente' lately." Pinagdiinan nito ang salitang aksidente habang bahagyang itinaas ang isang kilay.

BINABASA MO ANG
ABANDONED [COMPLETED]
Mystery / ThrillerNagising si Sophia sa isang krimen na wala syang kasalanan. Ang tanging problema ay wala syang maalala sa mga nangyari. Without any clue kung sino ang tunay na salarin at kung ano ang motibo, she is totally hopeless. And now, she has to do everythin...