VI.

537 22 0
                                    


VI.

Sinalubong agad si Sophia ng nakangiting kasambahay na si Clara pag-uwi nya. Nag take out din sya ng pagkain para dito at agad nya iyong iniabot kay Clara. Halos kasing edad lang nya ang kasambahay at palagay na rin sya dito. Excited namang binuskan ni Clara ang bigay nyang pagkain.

"Naku ate! Salamat! Mukhang ang sasarap nito!" masayang sabi nito, ngumiti naman sya bilang tugon.

"Sana hindi mo na ako hinintay, napuyat ka pa tuloy." Nakangiting sabi nya "Sige mauna na ako, gusto ko na ring matulog."

"Opo ate, kainin ko muna to, bigla akong nagutom ulit." Natawang sagot naman ni Clara.

Umakyat na sya papunta sa silid. Pagpasok ng kwarto ay nagshower muna sya at saka nahiga sa malambot na kama. Ilang minuto muna syang nakipagtitigan sa kisame bago tuluyang maanod papunta sa malalim na pagkakatulog.

Yumuko sya para tingnang mabuti ang markang nakasulat sa sahig ng sira-sirang kalsada at nakita nya ang itim na marka ng arrow. Hinawakan nya ito at nakita nyang uling ang ginamit panulat dito. Sinuri nya pa itong mabuti at naisip nyang bagong sulat lamang ito dahil sa mga napulbos na uling sa paligid ng marka. Naisipan nyang puntahan ang direksyong itinuturo ng arrow pero kinabahan sya ng makita kung gaano kadilim ang loob ng building na iyon. Hinatak nya pababa ang laylayan ng suot na blouse na parang doon sya makakakuha ng lakas ng loob.

"Kaya ko to." Bulong nya sa sarili.

Nakakailang hakbang pa lang sya ng makaramdam sya ng marahang tapik sa balikat. Kasabay ng paglingon nya ang pagtawag nito sa kanya.

"Sophia."

Lumukso ang puso nya ng makilala ito, mabilis na nilingon nya ang paligid at tiningnan kung may iba pang tao sa paligid.

"H-Herbert?" puno pa rin ng pag-aalala ang boses nya.

"Oh bakit parang nakakita ka ng multo?" natatawang sagot lang ni Herbert.

"A-anong ginagawa mo dito? W-wag mo sabihing... ikaw ang--"

"Ikaw nga sana ang tatanungin ko eh." Putol agad nito sa kanya. "Ano bang ginagawa mo dito?" sabi ni Herbert habang nakakunot ang noo at tinitingnan ang kabuuan ng paligid.

Bahagya syang naguluhan kaya hindi sya agad nakasagot.

"Nakita ko kasi ang kotse mo kanina on my way home. Pero nagtaka ako nung nakita kong ibang way ang pupuntahan mo, lalo akong nag-aalala nung makita kong dito ka papunta. I thought maybe someone was trying to abduct you." Nahihiyang sabi nito at kinamot ang gilid ng ulo. "Kaya naisip kong umikot para di ako makita ng kung sino man ang may dala ng kotse mo at salubungin sya, di ko inaasahan na ikaw rin pala talaga ang may dala ng kotse mo, and thank God mukhang okay ka naman."

Tumikhim muna sya at nag-isip ng idadahilan.

"Uhhm. Actually... kasi..."

Hinintay ni Herbert ang sasabihin nya at tiningnan syang mabuti mula sa pagkakayuko nya. Pero bago pa man sya makapag isip ng idadahilan ay eksaktong tumunog ang cellphone na nasa bulsa ng suot nyang slacks. Magpapasalamat na sana sya para sa pagkakasagip sa kanya ng nagtext dahil wala syang maisagot kay Herbert kung bakit sya nandon, pero nanlamig ang mga palad nya pagkabasa kung kanino nanggaling ang text message, pero dumoble ang panlalamig na naramdaman nya ng mabasa ang mensahe nito.

I TOLD YOU TO COME ALONE.

Muli syang nagpalinga-linga sa paligid, iniisip kung saan sa mga building na iyon maaaring nagtatago ang taong kausap.

ABANDONED [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon