IV.
"Sinabi na sayo ni Boss. Ayaw na nyang magreport tayo tungkol sa nangyaring aksidente kay Ms. Sophia." Sabi ni Leonard habang inaayos ang lente ng camera.
"It's not an accident." Maarteng sagot naman ng news reporter na si Kaysee habang nag aapply ng pulang lipstick at tinitingnan ang repleksyon sa salamin.
"Whatever! Basta ang point wag ng ilabas ang kwento ni Sophia!" napipikong sagot ng cameraman nya na patuloy pa rin sa pagbutingting sa hawak nyang camera.
Inis na ipinasok ni Kaysee ang lipstick sa purse at pairap na humarap kay Leonard.
"Ilang taon na tayong magkasama sa trabaho Leonard? At hanggang ngayon nandito pa rin tayo! Hindi mo ba naiisip na ito na ang pinaka magandang chance para mabigyan tayo ng break?!"
Umiling lang si Leonard bilang sagot at halatang tutol pa rin sa naiisip nya.
"I can see it." Tuloy ni Kaysee, tumingala pa ito at iginagalaw-galaw ang kamay habang ini'imagine ang gagawing headline "Sophia Gonzaga: Victim or Killer?"
"Alam mong may tatlo akong anak." Awat ni Leonard sa kanya. "At pag ako nawalan ng trabaho, ikaw ang magsususntento sa kanila hanggang sa makapag tapos sila ng pag aaral."
Nang aasar na nag iyak-iyakan naman ang reporter. "Ohhh, don't worry dear. Hindi ka mawawalan ng trabaho, dahil pagtapos nito sigurado ako magpapasalamat ka pa sakin."
Bahagyang itinigil ni Leonard ang ginagawa at humarap sa kanya.
"I just wish this won't be a bad publicity."
"Good publicity or bad publicity, publicity pa rin yon!" muling umirap si Kaysee sa kausap at lumabas ng kotse, wala ng nagawa ang camera man kundi ang sumunod na lang din palabas.
Tumayo ng tuwid si Kaysee at inayos ang laylayan ng maiksing damit. Naiiling na lang si Leonard at itinutok na sa reprter ang camera.
"Bakit ba pakiramdam ko may mali sa pagpunta natin dito sa abandonadong lugar na to. Alam mo namang dito naaksidente sila Sophia." Sabi ni Leonard habang palinga-linga sa paligid, at umaasa pa rin na baka sakaling mabago pa nya ang isip ni Kaysee. Kasalukuyan silang nakatayo sa gitna ng mga abandonadong building, eksakto kung saan natagpuan sila Sophia at Herbert.
"I told you it's not just an accident na gaya ng sabi nila. At nandito tayo para patunayan yon. So please. Just. Shut. Up." Hindi na kumibo si Leonard kundi ang kunan na lang ang reporter, automatiko naman ang pag ngiti nya ng sumenyas si Leonard at nagcountdown bago irecord ang video.
Nagpe play na ang camera pero dahan-dahang nawala ang ngiti ni Kaysee na nakatingin lang sa likuran ni Leonard. Takang sinilip sya ng cameraman at bago pa man sya nito matanong ay itinaas na nya ang kamay.
"Wait." Nakakunot ang noong sabi ni Kaysee at lumakad papunta sa isang building na nasa likuran ni Leonard, wala itong pinto kaya naging madali lang sa kanya ang pagpasok. Sumunod lang sa kanya si Leonard na dala pa rin ang nag pe play na video recorder.
Yumuko si Kaysee at may kinuha mula sa sahig. Pagkakuha ay tinitigan nya itong mabuti at saka madiing hinawakan sa loob ng mga kamay.
"I knew it."
===
"What?" exaggerated na sigaw ng kaibigang si Emmalyn kay Sophia. "Ampon ka?"
Itinaas naman ni Sophia ang kilay bilang sagot. "Oo. Anong masama ron?"
"Yun nga friend, wala namang masama ron. Ang swerte mo, bukod sa ubod ng yaman ng mga umampon sayo, minahal ka pa nila at tinuring na tunay na anak. So, alam mo yun... Bakit naisipan mo pang hanapin ang mga tunay mong magulang? Hindi naman sa ano ha, kaso kasi, iniwan ka na nga nila tapos hahanapin mo pa?" umiikot pa ang mga mata ni Emmalyn habang maarteng pinapaypay ang sariling mga kamay sa mukha nito.
"Wala lang." lumungkot ang mukha ni Sophia. Siguro nga ay hindi sya maiintindihan ng kaibigan "Pero alam mo yun, pakiramdam ko may kulang sakin. It's like a part of me is missing." Naglakad sya papunta sa bintana ng kwarto, hinawi ang makapal na kurtina, at saka dumungaw sa labas non habang yakap ang sarili. Umupo naman si Emmalyn mula sa pagkakahiga sa malambot na kama ni Sophia at saka dumekwatro.
"At pagtapos non, ano?"
"Wala na. Gusto ko lang malaman kung sino sila. Kamustahin sila. Hindi ko na tatanungin kung bakit nagawa nila akong... abandunahin." Nahirapan syang bigkasin ang huling salitang binitawan.
Marahil ay nakaramdam din ng awa si Emmalyn kaya sumeryoso na ito, "Yon ang dahilan kung bakit naniwala ka sa nagtext sayo?"
Hindi nagawang sumagot ni Sophia. Matanda na sya para basta basta maniwala sa mga simpleng texts na galing sa hindi kilalang tao. Pero hindi nya maiwasang umasa.
Naalala nya pa ang kauna-unahang text nito sa kanya, I KNOW YOU. I KNOW THE TRUTH.
Nagawa nya itong balewalain nung una pero ang mga sumunod na mensahe nito ang nagbigay sa kanya ng ideyang baka may alam nga ito.
"Kung prank lang yon, bakit alam nya ang detalye nung araw na mapunta ako kina mommy? Pano nya nalamang gabi iyon at may bagyo? Paano nya nalamang may balat aq sa kaliwang hita ko? Pano nya nalaman pati kung ano ang kulay ng kumot na nakabalot sakin nung gabing iyon?" maluha-luhang sagot nya.
"Kung ganon, bakit hindi pa sya magpakilala sayo? Bakit kailangan nya pang magtago sa pagtetext?" tanong naman ng kaibigan.
"Baka... baka sya ang nanay ko, o ang tatay ko! At baka natatakot silang isipin ko na pera ko lang ang habol nila kaya yon ang naiisip nilang paraan!" kahit nakatalikod sya sa kaibigan ay alam nyang alam nitong naiiyak na sya.
"Baka." Madiing sagot ni Emmalyn.
"Still, naroon pa rin ang isiping alam nya ang lahat tungkol sakin."
"Eh bakit hindi ka mag hire ng mag iimbistga?"
"I can't do that. Malalaman ni kuya. Siguradong malalaman nya." Malungkot na sabi ni Sophia.
"Eh ano naman kung malaman nya?" maarteng tanong ni Emmalyn.
"Ayokong isipin nyang wala kong utang na loob. Isa pa, malulungkot yon pag nalaman nya, at mas hindi ko kaya kung magagalit sya."
Sandali silang nawalan ng sasabihin ng biglang tumili si Emmalyn.
"Alam ko na! Mag utos ka ng ibang tao, sya ang mag hire ng detective para hanapin ang totoo mong mga magulang! Di ba?"
Napangiti si Sophia sa naisip ng kaibigan. Hindi nya alam kung pupwede nga ba ang ganon, pero gusto nyang subukan.
Nagulat na lang sila ng may kung anong nahulog sa labas ng kwarto nya saka nya napansing hindi pala nya naisara ng maayos ang pinto, maya-maya ay sumilip mula sa awang ng pinto ang nag-aalalang mukha ni Clara.
"S-sorry po ate, t-tatawagin ko po sana kayo para kumain na. H-hindi ko po sinasadyang masagi ung vase."
Ngumiti lang si Sophia. "Okay lang Clara, mag-ingat ka nalang sa susunod."
Lumundag naman mula sa kama si Emmalyn at mukhang excited sa nakahandang pagkain.
Inayos muna ni Sophia ang nahawing kurtina ng bintana kung san sya nakatayo, hindi na nya napansin ang nakaparadang sasakyan sa di kalayuan, sa loob noon ay isang taong kanina pa pala nakamasid sa kanya.
"Soon Sophia, soon." May diing sabi nito.
To be continued...
BINABASA MO ANG
ABANDONED [COMPLETED]
Bí ẩn / Giật gânNagising si Sophia sa isang krimen na wala syang kasalanan. Ang tanging problema ay wala syang maalala sa mga nangyari. Without any clue kung sino ang tunay na salarin at kung ano ang motibo, she is totally hopeless. And now, she has to do everythin...