IX.
"Herbert, anak, wag kang matakot. Nandito lang ako palagi. Walang makakapanakit sa'yo." Sabi ni Gilda habang hinahawakan ang kamay ng natutulog na pamangkin na itinuring na nitong tunay na anak.
Nakapikit si Herbert. Pero malinaw nyang naririnig si Auntie Gilda. Kung sana ay kaya nyang sabihin dito ang lahat. Kung sana lang.
Sa isang araw ay nauubos ang oras nya sa pagtulog, kung gising naman sya ay nakatulala lang sya sa kawalan, at pag nagsalita sya ay wala syang ibang sinasabi kundi 'Sophia'.
"Bakit ba si Sophia ang lagi mong tinatawag? Sya ba ang may gawa nito sayo?" naririnig nya ang pangangatog ng boses ng tiyahin. "I-iyon ba ang gustong mong sabihin? Kaya mo sinasabi ang pangalan nya?"
Pero hindi sya makasagot.
Ang gusto nyang iparating ay gusto nyang makita si Sophia, kailangan nya itong makausap.
"Gagawa ako ng paraan, ha, Herbert. Ipapahuli ko si Sophia."
Bigla ang pagdilat nya sa sinabi ni Auntie Gilda. Gusto nyang magprotesta. Pero pano nya gagawin yon?
Ayaw nyang pati ang mahal na tiyahin ay mapahamak. At hindi nya malaman kung ano ang dapat na gawin, napansin ni Auntie Gilda ang pagdilat nya at inalalayan sya nito sa pag-upo, hanggang sa paglipat nito sa wheelchair. Wala itong idea sa mga bagay na tumatakbo sa isip nya.
"Tara sa veranda, kailangan mo ring magpahangin." Wika nito. Itinutulak na nito ang wheelchair ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto at bumungad sa kanila ang isang unipormadong katulong.
"Ma'am." Yumukod pa muna ito saka itinuloy ang sasabihin. "May bisita po kayo, ah, si Sir Herbert po pala."
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Gilda.
"May naghahanap po kay Sir Herbert." Nakayukong pa ring sabi ng maid.
"Bisita? Sino?" tanong ni Gilda at lumabas ng kwarto na tulak-tulak pa rin ang wheelchair nya. Nakita nyang dumungaw sa baba ang tiyahin at hindi nito naitago ang pagkabigla.
"S-Sophia!" Sigaw nito. May kung anong kaba syang naramdaman.
Sophia! You're finally here!
Nataranta naman si Gilda at di malaman ang gagawin, lalo na ng mapatingin sa taas si Sophia kung saan sila naroon. Pakiramdam ni Gilda ay nasa panganib ang buhay ni Herbert dahil sa biglang pagdating ng bisita.
"H-Herbert!" sigaw ni Sophia sa kanya at nakita nya ang pamumuo ng luha ng magandang dalaga.
"S-security! Call the guards! Bakit nyo pinapasok ang babaeng to!" singhal ng tiyahin nya kaya bigla ring nagtakbuhan ang mga tauhan nito palapit sabay ng pagpapaliwanag ng mga ito.
"Sophia!!" Napatigil ang lahat at natulala ng bigla syang tumayo sa kinauupuan.
"S-Sophia!" Ulit nya at itinaas ang kamay na nagpapahiwatig na gusto nya itong abutin. Bahagya namang naguluhan ang tiyahin nya at hinawakan sya sa braso.
"Herbert?" tanong nito at naiiyak na rin. Pagtingin nila ulit kay Sophia ay nasa tabi na nito ang mga hired nyang guards, at nakahanda ng hawakan ito kung may gagawin itong masama.
Muli syang tumingin sa tiyahin at nagsusumamo ang mga mata nya dito. Ilang sandali rin itong tumingin sa mga mata nya bago muling nagsalita na tila nakaunawa sa gusto nyang iparating.
"M-maupo ka, Sophia." Medyo nag-aalinlangan paring sabi nito, pinaupo syang muli ng tiyahin sa wheelchair para hindi masyadong mabatak ang katawan nya at saka sila inalalayan ng iba pang tauhan para sa pagbaba papunta sa malawak na living room ng magarang bahay.
Eksaktong nasa pinakababa na sila ng baitang ng hagdan ay tumakbo si Sophia palapit kay Herbert at umiyak. Sumunod naman kay Sophia ang mga guards, handa kung sakaling may gagawing masama ang dalaga sa kanya.
Bahagyang nakaluhod si Sophia para makatapat ng mukha nito ang mukha nya. Hinawakan din agad ni Sophia ang kamay nya.
"Herbert, are you okay? I'm Sorry. I'm sorry." Paulit-ulit na sabi nito, "I can't remember everything Herb, I don't know what really happened. What happened to you? N-natatakot akong baka balikan niya tayo kung sinuman yon Herb, naaalala mo pa ba kung sino ang..?"
"Hindi sya nagsasalita, Sophia." Putol ni Gilda na ikinabigla ni Sophia.
"He refused to speak mula nung magising sya. Wala syang ibang sinasabi kundi ang pangalan mo." Itinuro ng Ginang ang kalapit na sofa para maupo sila, tulak-tulak pa rin nito ang wheelchair ni Herbert at inilapit na lamang sa sofa.
Naintindihan naman ni Sophia kaya sumunod naman sya sa ginang na naunang umupo, Pero hindi binitawan ni Herbertang pagkakahawak kay Sophia, nagulat si Sophia at napatingin ulit kay Herbert, hindi na napansin ni Auntie Gilda ang makahulugang tingin na ibinigay ni Herbert sa dalaga at saka nya ito mabilis na binitawan.
Ipinasya nyang makinig sa anumang pag-uusapan ng dalawa.
"I'm sorry Sophia," sabi ni Gilda pagkaupo ng mga ito sa sofa, sya naman ay nasa harap lang ng mga ito. "I suspected you...on what happened to Herbert... And in fact, I still do."
Nakita nyang napalunok si Sophia sa sinabi ni Auntie Gilda.
"But you can't blame me." Basag ang boses nito habang nagsasalita.
"He is the only family I have. At hanggat hindi ko naririnig sa kanya mismo na wala kang kasalanan, wala akong ibang magagawa kung hindi ang paghinalaan ka. Pero sa nakita kong reaksyon ni Herbert nang makita ka, parang nagdalawang isip ko. Mas nalilito ako sa mga nangyayari hija. Hindi ko na alam ang dapat isipin" Nangingilid din ang luha sa mga mata ni Gilda habang nagsasalita. "Gusto kong siguraduhin ang kaligtasan ni Herbert, kaya hanggat hindi sigurado kung sino ang tunay na may gawa nito, I will do everything to protect him."
"Naiintindihan ko po." Sincere na sagot ng dalaga
Tahimik lang syang nakikinig sa mga pinag-uusapan ng dalawang mahalagang babae sa buhay nya.
Maya-maya pa ay muling tumingin sa kanya si Auntie Gildad, hindi makapaniwala sa kinahinatnan nya, nasaktan din sya ng nakita nyang hindi na napigil ni Sophia ang pag-iyak, pilit nitong pinupunasan ang mga luhang naglalandas sa magkabilang pisngi pero halos hindi iyon maubos.
"I-I'm sorry, Herbert." Humawak ito ulit sa kamay nya at marahang pumisil. "I remembered that you followed me to that abandoned place, k-kung hindi dahil sakin... hindi ka madadamay."
Sa pagitan ng paghikbi nito ay pinipilit pa rin nitong magsalita, kahit na umiiyak ang dalaga ay napaka ganda pa rin nito sa paningin nya,
"So yes, maybe it is my fault. I'm sorry. I'm really sorry. Sana makapagsalita ka na, not just for me, hindi lang para hindi na ako ang pagbintangan ng mga pulis. Pero dahil masakit isiping nahirapan ka dahil sakin." Ilang ulit uli itong humingi ng tawad at saka yumakap sa kanya.
Nagulat din sya pero sinamantala nya ang pagkakataong iyon.
Alam nyang matalino si Sophia, kaya inaasahan na nyang hindi ito magpapahalata nang sa pagyakap nito sa kanya ay bumulong sya ng:
"Kailangan ko itong gawin Sophia, kailangan mong mabuhay."
To be continued...
�ʭPh�2T
BINABASA MO ANG
ABANDONED [COMPLETED]
غموض / إثارةNagising si Sophia sa isang krimen na wala syang kasalanan. Ang tanging problema ay wala syang maalala sa mga nangyari. Without any clue kung sino ang tunay na salarin at kung ano ang motibo, she is totally hopeless. And now, she has to do everythin...