from this chapter up to the finale...will be updated TONIGHT. ^____^
----
XVII.
Hindi makadilat si Sophia. Hindi sya makagalaw. Pero aware sya sa paligid nya. Alam nyang nasa hospital sya ngayon.
"Buti naabutan mo pa si Sophia." narinig nya ang boses ni Rommel.
"Kinuha ko kasi ang kotse nya. Pagpunta ko sa bahay nya narinig kong may mga nabasag, kaya naisip kong baka nasa panganib si Sophia, b-buti at inabutan ko sya."
Sagot ng kausap ng kanyang kuya na sa tingin nya ay si Lance.
Tama, pinakuha nga pala nya ang kotse nya kay Lance! Sakto ang pagbalik nito, kung nahuli lang ito ng ilang segundo malamang ay patay na sya ngayon.
Nakaramdam sya ng kaunting sundot ng konsensya na pagbintangan itong tunay na may sala. Yung huling bagay na naalala nya, ung pagkakapareho ng characterisitcs ni Albert at ng taong nasa abandonadong lugar na iyon, marahil ay nagkataon lamang na pareho silang may OCD.
Naalala nyang lalaki ang may gustong pumatay sa kanila ni Herbert, pero tulad ng sinabi ni Dr. Arevalo, pwedeng malito ang utak nya at pwedeng mamisinterpret nya ang mga bagay na taliwas sa totoong nangyari.
Gusto nyang matuwa na tapos na ang lahat. Clara is gone. But at least it was what she is forcing to tell herself.
" I have to go now. Sumaglit lang talaga ako dito para silipin si Sophia." ilang segundo ring naging tahimik bago muli nyang marinig ang boses ni Lance. "Sumabay ka na Albert."
Nandito rin si Albert?
Natuwa si Sophia sa kaalamang nandon si Albert.
Yung sinabi ni Emmalyn sa naputol na tawag.
Si Albert. Mas gusto nyang isipin na hindi iyon para sabihing si Albert ang may kasalanan ng lahat. Hindi nya alam kung nagtitiwala ba sya kay Albert, o umaasang wala talaga itong kasalanan sa lahat.
"No. Babantayan ko si Sophia." narinig nyang sagot mula kay Albert.
Parang pagod na pagod sya. At namamanhid ang buo nyang katawan. Pilit man syang gumalaw ay wala ring nangyayari.
Ang sumunod na narinig nya ay ang pagbukas at pagsara ng pinto. Pagkatapos non ay ang pag-uusap ng kuya nya at ni Albert.
"I don't know if I should thank you for what you did." Sabi ni Rommel. "Naka connect ang cctv ng buong bahay ni Sophia sa phone mo. What would I think? Siguradong nakikita mo rin ang kapatid ko sa mga private times nya."
"I wouldn't be sorry either. Kung hindi ko ginawa yon, hindi ko rin malalaman na ang katulong nyang si Clara ang nasa likod ng lahat. Buti na lang din at dumating si Lance para mapigil si Clara, at sakto na dumating na tayo kasama ang mga pulis." Mahinang sagot ni Albert.
Naalala nya ang huling pangyayari. Si Clara. That explains kung paanong nalaman nito ang tungkol sa ginawa nyang pagpapaimbistiga sa totoo nyang pagktao, hanggang sa gagawin sana nila ni Dr. Arevalo na psychotherapy. Lahat ng iyon ay malayang naririnig at nalaman ni Clara. Dahil nasa iisang bahay lang sila. Sa tuwing mag uusap sila ni Emmalyn, o sa tuwing may kausap sya sa telepono ay naririnig nito.
Pero bakit pakiramdam nya ay may mali. Hindi nya lang matukoy kung ano.
Ilang sandaling katahimikan ang nasa paligid bago nya muling narinig magsalita si Albert.

BINABASA MO ANG
ABANDONED [COMPLETED]
Mystery / ThrillerNagising si Sophia sa isang krimen na wala syang kasalanan. Ang tanging problema ay wala syang maalala sa mga nangyari. Without any clue kung sino ang tunay na salarin at kung ano ang motibo, she is totally hopeless. And now, she has to do everythin...