XII.
Ang daming nangyari sa araw ni Sophia, hindi nya alam kung kakayanin nya pa kung may maririnig pa syang panibagong masamang balita mula sa kuya Rommel nya. Kanina pa kasi sila nito magkaharap pero hanggang ngayon ay hinihintay nya pa rin itong magsimula ng gusto nitong sabihin.
Hindi sila alintana ng mangilan-ngilang customers sa loob ng coffee shop, lahat ay may kanya-kanyang pinagkaka abalahan. Malamig ang buga ng aircon sa loob ng shop pero hindi nya magawang humigop ng mainit na kape dahil sa dami ng iniisip.
Kanina pa seryoso ang mukha ni Rommel, bagay na hindi nito ginagawa pag sya ang kaharap nito, kaya alam nyang anuman ang sasabihin nito ay hindi iyon ganon kadali.
"Sophia, you know I always love you as my little sister."
"Kuya..." gusto nyang sabihin na diretsahin na sya ng kapatid.
"Okay." Naintindihan naman agad ni Rommel ang ibig nyang sabihin.
"Sophia, alam kong hinahanap mo ang tunay mong mga magulang. Alam kong iyon din ang dahilan kung bakit ka nagpunta sa abandonadong lugar na iyon. At kasalanan ko dahil kung sinabi ko lang sana sayo agad ang totoo, hindi ka na pupunta pa doon, hindi ka na sana napahamak."
"Teka." Awat ni Sophia. "Totoo? Kung sinabi mo sa akin agad ang totoo? Anong ibig mong sabihin?"
"Sophia, kilala ko kung sino ang tunay mong mga magulang."
Hindi agad nakasagot si Sophia sa tinuran ni Rommel. Hindi nya alam kung dapat ba syang magpasalamat dahil malalaman na nya ang katotohanan, o maghihinanakit dahil naglihim ito sa kanya.
Bumuntong hinga muna si Rommel at saka muliung nagsalita.
"Hindi ko agad sinabi sayo, siguro dahil katulad din nila mommy at daddy, hindi ko alam kung paano mong tatanggapin. At ayaw naming ituring mo kaming iba."
"Kuya,alam ko naman simula pa lang na ampon ako di ba? What difference will it make kung malalaman ko kung sino ang totoo kong mga magulang? Bakit ba ayaw nyong malaman ko yon?"
Ilang sandali pa muna syang tiningnan ni Rommel at tinitimbang ang mga salitang dapat sabihin.
"Hindi totoong nakita lang sa harap ng bahay natin, Sophia. It was all a made up story. Dahil ang totoo, anak ka ni Daddy... sa ibang babae, Sophia." Malamlam ang mga mata ni Rommel habang nagsasalita. Akala ni Sophia ay ubos na ang mga luha nya, pero nagkamali sya dahil unti-unti na namang naiipon ang mga ito sa mata nya.
Gusto lang nyang makilala kung sino ang totoong mga magulang.
Pero para sa kanya ay ang nakagisnang magulang pa rin ang tunay nyang mamahalin. Tulad ng pagmamahal ng mga ito sa kanya.
Kaya masakit isipin na nagkaroon ng ibang babae ang daddy nya, at niloko ang kinikilala nyang mommy.
Mas masakit na anak sya ng kabit ng daddy nya.
Nalilito sya sa nararamdaman nya.
Hindi na nya naisip na nagsinungaling ang kinilalang pamilya sa kanya na sinabing nakita lang sila nito sa harap ng bahay, nakalagay sa isang karton at nakabalot sa isang kumot. Dahil mas masakit isiping bunga sya ng pagkakasala ng daddy nya sa ibang babae.
"May kabit si Daddy? At ako ang bunga ng pagkakasalang iyon...Sino ang tunay kong ina? K-kilala mo ba?"
"Our father never had any affair with another woman, it was just a one night mistake. Mistake, a good mistake actually, because we had you."
"So sino nga ang nanay ko? At ano ba sya sa buhay ni Daddy? Bakit sya binuntis ni Daddy?" pilit ang pagpigil ng galit sa boses ni Sophia.
"Your mother was a prostitute." Parang bombang sumabog sa kanya ang sinabi ni Rommel.

BINABASA MO ANG
ABANDONED [COMPLETED]
Mystery / ThrillerNagising si Sophia sa isang krimen na wala syang kasalanan. Ang tanging problema ay wala syang maalala sa mga nangyari. Without any clue kung sino ang tunay na salarin at kung ano ang motibo, she is totally hopeless. And now, she has to do everythin...