XIV.

425 18 2
                                    


XIV.



Nangangatog pa rin ang mga kamay ni Sophia, wala sya sa sarili.

Kahapon ay kausap nya pa si Emmalyn, kaninang umaga ay may missed calls pa ito sa kanya, siguro ay para kamustahin sya, o baka para sabihing nasa kanya na ang resulta ng pina imbestiga nila. The point is, kaninang umaga lang yong 'dapat' na tawag na iyon ng kaibigan, habang nasa bahay sya ni Herbert.

At ngayong hapon naman ay si Dr. Arevalo.

Sa loob ng maghapon ay dalawang tao agad ang napuntirya ng killer.

Nasa ganito syang pag-iisip nang magulat sya sa muling pag ring ng cellphone sa tawag ni Albert. Ilang segundo rin syang nakatitig sa screen ng cellphone, pinaglalabanan ng isip nya kung sasagutin ba iyon o hindi. Kusang gumalaw na ang mga daliri at sinagot ang tawag ni Albert.

"H-Hello?" mahinang sagot nya.

"Oh thank God. Are you okay? Nagiging paranoid ako everytime na hindi ka nakakasagot agad sa tawag ko. Ano? Okay ka lang ba? Sino ang kasama mo?" sunod-sunod agad na tanong nito.

Pero dahil sa tanong ni Albert ay bigla nyang naisip ang kapatid na si Rommel, iniwan nya ito agad kanina sa coffee shop para makapunta agad kay Dr. Arevalo, at napag usapan nilang kuya na nya ang bahalang tumawag sa mga pulis tungkol sa narinig nila ng tumawag sya kay Emmalyn para makumpirma ang mga nangyari.

Ang hindi nya akalaing narito rin pala sila Inspector Carlos sa mismong pupuntahan nya, napatingin sya sa pulis na patuloy na tumitingin sa paligid ng bahay ni Dr. Arevalo, natakot sya sa isiping wala itong kausap sa cellphone na sana ay ang kuya Rommel nya.

Could that mean---?

"Hello? Sophia? Please wag ka munang---"

"I-I'm sorry, I have to end this call." Hindi na nya hinintay ang sagot ni Albert, at nagmadali na sa paglapit sa pulis pero nagulat sya ng bigla syang hawakan ni Inspector Jessie sa kaliwang braso, napa palatak naman sya sa sarili dahil hindi nya naalalang nasa tabi nga lang pala nya ang kapareha ni Inspector Carlos na si Jessie.

"Your brother called me while you are spacing out kanina. He told me about your friend."

Nakahinga naman sya ng maluwag, sa isang sandali na iyon ay natakot syang baka napano na ang kapatid.

"Sinabi ko na rin sa kanya ang nangyari sa doctor, at pinapasabi nyang hintayin mo daw sya dito." Tumango sya bilang sagot at bumulong ng pasasalamat pero nanatiling lutang ang isip nya. Ang tanging nasa isip nya ay pagpapasalamat na walang nangyaring masama sa kapatid.

Siguro ay mas magiging safe kung sasama muna sya sa kapatid at don muna ulit titira sa dating bahay. Sa ngayon ay kailangan nya munang ayusin ang mahahalagang gamit para maisama sa paglipat sa bahay ng mga magulang.

Eksaktong may humintong kotse sa harap nya at napatingin sya doon. Pagbaba ng salamin ay dumungaw doon ang pamilyar na mukha,

"Lance!" bati nya "Anong ginagawa mo dito?"

"I live around here," natatawang sagot nito "Ikaw? Anong ginagawa mo dito?"

Masyado nang maraming nangyari para magkwento pa ulit kay Lance, medyo nangangatog pa rin sya sa mga nangyari.

"Hey, you're shaking. Are you alright?" puna ni Lance sa kanya, hindi na sya nagdalawang isip at humingi ng pabor sa kaibigan.

"Lance, pwede mo ba akong ihatid pauwi? May kailangan lang akong kuning gamit sa bahay." Alam nyang hindi nya kayang magdrive dahil sa dami ng alalahanin at nangangatog pa rin sya, pero kailangan na nyang makauwi para maiayos agad ang mga kailangang gamit para sa paglipat pabalik sa kapatid. "Sasabihan ko nalang si Mike na mag utos ng tao para kunin ang kotse ko dito."

ABANDONED [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon