This chapter is specially dedicated to @mmrwmm3
Di ko alam bakit ayaw ma edit s dedication kaya dito ko nalang nilagay..hahaha.. Thanks!----
XVIII.
Nag ngingitngit sya habang nakayuko sa sulok ng kanyang madilim sa silid. Pasabunot na naka kapit ang dalawang kamay sa buhok habang nakatukod ang dalawang siko sa magkabilang tuhod.
"Aaaahhh!" sigaw nya sabay sipa sa lamesang katabi ng kinauupuang higaan. Halos lumabas na ang mga ugat nya sa namumulang mukha sa sobrang galit.
Hindi nya maisagawa ang plano dahil ilang araw ng hindi umaalis si Albert sa tabi ni Sophia. si Albert sana ang isusunod nya pero hindi sya makahanap ng tyempo. Kailangan na nya iyong gawin sa mas mabilis na panahon dahil baka maunahan pa sya ng mga pulis.
"Bwisit ka Sophia! Kahit nasa hospital ka na sagabal ka pa rin!" paghihimutok nya. Nakaplano na ang lahat. Pero hindi nya napaghandaan na talagang hindi aalis si Albert sa ospital na iyon. Dahil hindi nya magawang saktan si Albert ay pinag iisipan nya ngayon kung sino muna ang uunahin sa mga natitirang malapit kay Sophia. Nagtatagis ang mga bagang nya na muling napatingin sa mga larawan na nakadikit sa dingding nya. Iniisa-isa ang mga taong kasama ni Sophia sa larawan. Hanggang sa unti-unti, ang kaninang galit na mga labi ay naging ngiti, hanggang sa maririnig na ang mahihina nyang tawa na lumakas ng lumakas na umaalingawngaw sa kabuuan ng silid.
"Hindi ko na kailangang magmadali, kung ikaw na mismo, Sophia, ang papatayin ko!" makikita ang malademonyong ngisi nya pati ang matatalim na mata.
"Hindi ko hahayaang makilala ako agad ng mga pulis." Nagtatagis ang mga bagang na sabi nya, nabubuo ang isang malademonyong plano sa isip.
"Kung mahuli man nila ako, sisiguraduhin kong mapaptay muna kita!"
--
"Dahadahan lang." marahang bulong ni Rommel kay Sophia. Natatawang napailing naman si Sophia bilang sagot.
They were still at the hospital at naka schedule na sya para lumabas ngayon at kasalukuyan na nilang inaayos ang mga gamit nila para sa pag-uwi. Sa buong pakiramdam nya ay parang napaka tagal na nya doon. Pero isang araw lang pala ang nakalipas. Nang magawa nyang makadilat ay agad siyang ginawan ng follow up tests ng mga doktor upang makasigurado. At tama naman ang mga unang sinabi ng mga ito, wala syang naging major na damage sa utak nya. Bagaman at masakit ang kanyang katawan at nakakaramdam sya ng kaunting pagkahilo ay hindi iyon sapat para ikabahala. Pinayuhan sya ng mga ito na iwasan ang ma stress.
"Para ka naman kasing hindi galing sa sakit, wag kang kumilos ng mabilis." Sang ayon ni Albert sa kanyang kuya. Umaayos kasi sya ng upo dahil nangangalay na sya pero parang sa bawat gagawin nyang kilos ay natatakot ang dalawang lalaki para sa kanya.
Tumayo sya at lumipat ng upo sa katabing sofa na nasa kwarto rin, pakiramdam nya kasi ay lalo syang manghihina pag nagtagal pa sya sa kama. Napapikit sya at sumandal sa malambot na cushion para ipahinga sandali ang isip. Ayaw na sana nyang mag-isip. Sinasabi nya sa sariling tapos na ang lahat. Pero...
"Ano ba ang nasa isip mo?" tanong ni Albert, dahilan para muli syang dumilat at sabihin ang gumugulo sa isip.
"Sabi mo kuya na ginawa nyo lang ang kwento... na iniwan ako sa tapat ng bahay, nakabalot ng dilaw na kumot. Walang ibang pagkakilanlan maliban sa balat ko sa hita." Baling nya sa kapatid na si Rommel na tumango naman bilang sagot kaya itinuloy nya ang gustong sabihin.
"Pero yung taong nagpapunta sakin sa abandonadong lugar. Alam nya ang kwentong yun. Kung ginawa nyo lang ang kwentong yon para sakin, bakit alam nya?" matagal na itong gumugulo sa isip nya. "Hindi kaya... may iba pang nakaka alam ng buong katotohanan maliban sa inyo? Maliban pa sa tunay kong ina?"
![](https://img.wattpad.com/cover/82834362-288-k975871.jpg)
BINABASA MO ANG
ABANDONED [COMPLETED]
Misteri / ThrillerNagising si Sophia sa isang krimen na wala syang kasalanan. Ang tanging problema ay wala syang maalala sa mga nangyari. Without any clue kung sino ang tunay na salarin at kung ano ang motibo, she is totally hopeless. And now, she has to do everythin...