EPILOGUE:
Nakaluhod sya habang nakatitig sa puntod ng kapatid. Hindi nya maitago ang namumuong mga luha sa mata. Itinabi nya sa makinis na lapida ang mga dalang bulaklak at sinindihan ang mga scented candles na dala.
"I don't know if you like these." Alam nyang hindi sya naririnig nito, pero ginawa nya pa rin. "I'm sorry, I didn't have the chance to..." napasinghot sya at hindi na napigil ang sarili sa pag iyak. Itinakip nya ang mga kamay sa mukha na para bang mababawasan ang sakit na nararamdaman sa ganong paraan.
Naramdaman nya ang paghawak sa kanang balikat nya at bahagyang pumisil. Napa angat sya ng tingin at nagsukli ng ngiti, at hinawakan nya rin ang kamay nito bilang ganti.
"T-thanks." Mahinang sabi nya ng abutan sya nito ng tissue, umupo rin ito sa tabi nya at umakbay sa kanya.
"Thanks Albert." Ulit nya sabay sandal sa malapad nitong mga balikat.
"Alam mong may utang ka sakin." Biro nito sa kanya sabay kindat sa kanya. Pilit man ay nagawa nya pa ring matawa, "Hindi mo naman kasalanan ang lahat Sophia." pagseseryoso nito, hindi nya alam kung ano ang dapat isipin. O ang dapat na maramdaman.
"Ginusto nya akong patayin... pero kapatid ko pa rin sya. Kakambal ko sya." Tanging naisagot nya habang malamyos na hinahawakan ang nakaukit na mga letra sa lapida ng kakambal.
Dapat ay magalit sya dito. Pero mas nanaig sa kanya ang awa. Ayaw nyang kahit sa kabilang buhay ay isipin nitong 'inabanduna' ito ng tunay nitong kapatid. Kung sana ay nagkakilala sila sa mas maayos na paraan. Kung sana ay pwede silang magsimula ulit. She will make sure to make up with all the years they spent apart. Pero wala na. Wala na si Lance.
"Aray.... Arrraaayyy kup!" Sabay silang napalingon ni Albert sa pinanggagalingan ng boses. Nakita nyang naglalakad palapit ang kapatid na si Rommel, may benda ang mga balikat at halatang nagpapa awa habang naka akbay kay Emmalyn. Napataas sya ng kilay sa nakita. Alam nyang hindi nasasaktan talaga ang kuya nya, pero mula ng makaligtas ito sa bingit ng kamatayan dahil sa dami ng dugong nawala ay lagi na itong nagpapa pansin sa kaibigang si Emmalyn. Napatingin sya kay Albert at nakita nyang maging ito ay natatawa sa pag-arte ni Rommel.
Seeing all of them in front of her gives her happiness.
Nung tumawag noon si Albert sa mga pulis para kumpirmahin ang diumanoy 'nagtangka' kay Lance ay nagkaroon na ng hinala ang mga pulis. Eksaktong sa mga oras na yon ay dumating din si Herbert sa police station para sabihin ang buong katotohanan.
Inspector Carlos did the wisest thing, hinati nya ang mga pulis sa tatlong grupo, ang una ay sa bahay ni Lance nagpunta dahilan para makita nila doon at maabutan pang buhay ang kuya Rommel nya, ang pangalawang grupo ay sa bahay nya, at pangatlo ay sa bahay nila ng kuya nya na eksakto namang naroon na si Mike para sa kanya. Sinubukan ng mga pulis na pasukuin si Mike pero nagpaputok ito ng baril kaya wala ng nagawa ang pulis kundi ang bumawi. Namatay si Mike, kung bakit ba nagkaganon ang isang taong pinagkatiwalaan nila. Inakala nyang mamamatay na sya ng mga oras na iyon.
Everything fall into places. At hindi sya makatigil kakapasalamat sa dalawang detective, at sa mga kasamahan nitong pulis.
Hindi nya namalayan na nakatitig na pala sya kay Albert. Kung natakot sya para sa sariling buhay ay mas higit ng saluhin nito ang balang para sa kanya. Natakot syang mawala si Albert. At laking pasasalamat nya na hindi ito tinamaan sa vital parts nito at nakaligtas pa. Nakakahiyang sandali nya rin itong pinagdudahan dahil sa tawag ni Emmalyn na sinabi lang ang pangalan ni Albert. Turns out ay gusto pala syang warningan ni Emmalyn na si Albert ang gusto ni Lance, at si Albert ang dapat nyang pagkatiwalaan.
"Nainlove ka na naman." Panunukso ni Albert sa kanya at bigla syang nagbawi ng tingin at naramdaman nya ang pag iinit ng magkabilang pisngi kaya lalo naman itong natawa.
"Nandito ka lang pala Sophia." Sabi ni Emmalyn ng makalapit sa kanila. "Nakakainis na tong kapatid mo. Marami naman syang pwedeng ayain dito ako pa pinipilit!"
"Utang mo sa akin ang buhay mo!" bawing sigaw ni Rommel kay Emmalyn, "Kaya no choice ka, you have to spend the rest of your life with me!" kung ibang tao ay takot sa tingin pa lang ng kuya nya ay iba kay Emmalyn. Nagagawa pa nitong sumagot sa kuya nya ng pabalagbag .
Bahagyang lumapit sa kanya si Albert at bumulong "Same as my sentiments." Sabi nito kaya mabilis nya itong siniko kaya bigla naman itong humawak ng madiin sa balikat at nagsisigaw na masakit ang sugat nito na tinamaan ng bala ng baril, na malayo naman sa tadyang nito na tinamaan ng pagsiko nya.
"Ano bang problema nitong mga lalaking ito?!" nandudumilat na sabi ni Emmalyn sabay irap. Tumayo naman sya at pinagpag ang mga hita saka kumapit sa kaibigan at sabay silang naglakad palayo. Hindi naman magkandatuto ang dalawang lalaki sa pagsunod sa kanila. Mabilis na umakbay sa kanya si Albert at si Rommel naman kay Emmalyn.
"Wag nyo naman kaming abandunahin." Wari ay nagtatampong sabi ni Albert, bigla syang tumigil sa paglalakad at seryosong nagsalita
"Don't use that word ever again." Sabi nya at muling naglakad.
"Opo, hindi na po." Bulong ni Albert sabay kiskis ng ilong sa kanyang pisngi pero muntikan na itong madapa ng bigla itong batukan ni Rommel mula sa likod.
"Nandito ako ha! Wag mo landiin ang kapatid ko!" singhal nito at muling umakbay kay Emmalyn.
"Wag mo rin akong landiin!" balik singhal ni Emmalyn kay Rommel, kasunod ay wala na syang ibang narinig kundi ang masasayang tawanan.
Alam nyang may mga bagay na ikinalulungkot nya. At mga 'sana' sa isipan nya. Pero mas may natutunan sya sa lahat ng nangyari.
Yun ay ang pahalagahan at ipagpasalamat kung ano ang meron sya ngayon.
THE END æ
BINABASA MO ANG
ABANDONED [COMPLETED]
Mystery / ThrillerNagising si Sophia sa isang krimen na wala syang kasalanan. Ang tanging problema ay wala syang maalala sa mga nangyari. Without any clue kung sino ang tunay na salarin at kung ano ang motibo, she is totally hopeless. And now, she has to do everythin...