XIII.

466 18 2
                                        



XIII.

Masaya si Dr. Arevalo ng lumabas ng kotse nya para pumasok sa bahay nya na nagsisilbi ring clinic nya para sa kanyang mga pasyente.

"This will be a good news for Sophia." Bulong nito. Ipapasok na nya ang susi ng makita nyang bahagya ng nakabukas ang pinto. Dahan-dahan nya itong tinulak pabukas at maingat na sumilip sa loob habang dinudukot ang cellphone sa bulsa para idial ang numero ng mga pulis kung sakali mang may magnanakaw sa loob, mag-isa lang sya sa buhay kaya sigurado syang may ibang taong nagtangka doon.

Maayos pa rin ang mga gamit sa loob ng bahay. Pumasok sya sa loob at maingat na tiningnan ang paligid. Nanatiling naka ready ang kamay nya para pindutin ang call button sa number ng pulis. Nasa kalagitnaan na sya ng sala ng maisip nyang wala naman palang kakaiba, maayos pa rin ang lahat, bagamat iniisip nya kung paanong nabuksan ang pinto nya gayong sigurado syang inilock nya iyon nang syay umalis.

Eksaktong napagdesisyunan na nyang isa'walang bahala na lamang iyon ng bigla may sumakal sa kanya mula sa likuran nya, nararamdaman ang tali paikot sa kanyang leeg at pilit na hinihila papunta sa likod nya. Nabitiwan nya ang hawak na cellphone at bag sa kamay upang pigilan ang ang paghila ng kung sinumang gustong sumakal sa kanya. Hinawakan nya ang bagay na iyon aat narealize na sinturon ang nakasakal sa knya.

"Aahhhk." Tanging salitang lumalabas sa bibig ng doktor.

Pilit nyang nilalabanan ang tao sa kanyang likuran ng mapansin nya ang kanyang cellpone sa sahig na naka dial na pala ang number ng pulis. Napindot nya pala ang call button kanina bago nya ito mabitiwan kaya nakasilip ng pag-asa ang doktor lalo na ng makita nyang may sumagot na dito.

Pilit nyang hinila paluwag ang pagkakasakal sa leeg nya habang sinusubukang tingnan kung sino ang tao sa likuran nya, sinipa nya ang paa nito kaya bahagyang lumuwag ang pagkakahila nito sa sinturon sa leeg nya at napaluhod, binigwasan nya ito sa mukha, sinamantala nya ng makita nyang mukhang nahilo ang lalaki sa harap nya, agad nyang hinila paluwag ang sinturon at nagmamadaling lumapit sa cellphone,

Pero dahil sa mga nangyari ay nawalan ng lakas ang doktor kaya napaupo sya sa sahig, pero nagmamadali pa rin syang gumapang palapit sa cellphone nya, hindi na sya nag aksaya ng oras at isinigaw nya ang adress ng kanyang bahay at saka humingi ng tulong,

"May gustong pumatay sakin! Pumunta na kayo agad di-aaahhkkk!!" nagulat ang doktor ng muling pumulupot sa leeg nya ang sinturon.

"Tu---loongg ahhkk.. ahk!" pinagsisipa nya ang mga babasaging vase na nasa tabi nya, para na rin iparating sa nasa kabilang linya na kasalukuyang may komosyon na nangyayari ngayon sa bahay nya.

Alam nyang maniniwala ang mga pulis, ang iniisip nya ay kung darating ba ang mga ito bago pa man sya tuluyang mapatay.

Pilit syang humiga paharap para makalaban sa taong sumasakal sa kanya. Nang magtagumpay ay nakita na nya ang mukha nito. Hindi nya ito kilala, hindi nya ito naging paseynte. Mukhang maling desisyon ang ginawa nya, dahil ng makahiga na sya ay agad sya nitong dinaganan at patuloy na sinakal. Bakas ang galit sa mga mata nito habang lalong humihigpit ang kapit nito sa sinturon habang nakatitig lang sa kanya. Pilit nyang iginagalaw ang tuhod nya para tamaan ang likod nito pero kulang pa ang lakas nya, nauubusan na rin sya ng hininga.

Nakasuot ito ng gloves para walang finger print na maiiwan. Tanggap na nya ang katapusan nya, pero kung mamamatay man sya ay sisiguraduhin nyang magkakaroon ng hustisya.

Pilit nyang inabot ang mukha nito, madiin nyang sinabunutan ang buhok nito. Nakita nyang namumula na ang mukha nito sa ibabaw nya dahil sa gigil sa paghigpit sa sinturon sa leeg nya pero hindi sya bumitaw sa pagkakahawak sa buhok nito. Nang maramdaman nyang hindi na nya kaya ay sumuko na syang ibinagsak ang walang lakas na mga braso, at pilit na inilagay ang mga kamay sa ilalim ng sofa kasabay ng pagdilim ng paningin nya at pagbigay nya ng huling hininga.

--

Malikot ang isip ni Sophia. Inaalala ang mga narinig kanina.

"Sophia!!! Wag kang magtiwala sa kanya! Si Albert---!"

Naputol ang anumang sasabihin ni Emmalyn.

Was Emmalyn trying to warn her about Albert? Nasasaktan syang isipin na ang lalaking minamahal ang may kagagawang lahat. Ayaw nyang mag conclude agad. Nagtiwala sya kay Albert. At nagtitiwala pa rin sya.

And she is dead worried about Emmalyn. Ano na ang nangyari sa kaibigan? Ayaw nyang isiping pinapahirapan ito.

Nasabi na nya ang nasabing tawag kay Inspector Carlos, sabi nila ay sila na ang bahala. Pero masakit na wala syang magawa. Siguro nga ay tamang bumalik na sya sa poder ng nakatatandang kapatid na si Rommel, hindi para mabantayan sya nito, kundi para masigurado kung ayos lang ang kuya nya. Iniisa-isa na ang mga taong mahal nya, at ayaw nyang magtagumpay ang gustong pumatay sa mga ito.

Patuloy sya sa pagda drive, tinutumbok ang bahay ni Dr. Arevalo. Ito nalang ang nasisilip nyang pag-asa. Nasa panganib ang kaibigan nya, kung magiging successful ang gagawin nila ng doktor ay maituturo na nya agad kung sino ang salarin.

Nagtaka sya ng malapit na sya ay nakita nyang maraming tao, kinabahan na si Sophia pero ayaw nyang isipin na tama ang kutob nya. Mas lalo ang kaba nya ng may makita syang mga police cars eksakto sa harap ng bahay ng doktor, nakapaligid din doon ang yellow tape. Paghinto nya ay agad na syang bumaba para lumapit, napatakip sya ng bibig ng may makita syang inilalabas na stretcher na nakatakip ng puting tela.

No! Hindi maaaring katawan yon ni Dr. Arevalo!

Nagulat si Sophia ng biglang may tumapik sa balikat nya.

"What are you doing here?" tanong ni Inspector Jessie sa kanya.

"I have an appointment with Dr. Arevalo, sya ang psychologist ko."

Narinig nya ang pagpalatak ng babaeng pulis, tatanungin na sana nya kung ano ang nangyari sa loob ng may dumating at humahangos na bata pang pulis palapit kay Jessie,

"Ma'am, we found these." Sabi nito sabay abot ng sealed plastic bag na may ilang hibla ng buhok.

"Okay." Sagot nito sa kausap. "Give it to the SOCO team."

"Uhm, excuse me." Agaw ni Sophia sa atensyon ni Jessie. "What happened? Is Dr. Arevalo alright?"

"He was strangled to death." diretsong sagot ng pulis sa kanya. "Siguro tama nga ang report mo, baka may kinalaman din to sa kaso mo, knowing that he was your psychologist."

Natulala si Sophia. Parang tumigil ang pagtibok ng puso nya sa narinig.

Mukhang magsisimula na naman sya ngayon sa umpisa. Namatay ang detective na kinuha nila, dinukot si Emmalyn, at ngayon na ang doktor nalang sana ang pwedeng maging susi ng lahat, pinatay din.

Si Dr. Arevalo na lang sana ang natitira nyang pag-asa.

Parang umiikot ang paningin ni Sophia sa dami ng iniisip.

Emmalyn warned her about Albert. Pero si Albert ang pinagkakatiwalaan nya. Albert loves her. And she feels the same for him. Hindi sya magagawan nito ng masama.

Pero walang ibang nakakaalam ng tungkol sa gagawing therapy sa akin ng doktor.

Naalala nyang ang kuya nya, si Emmalyn at Albert lamang ang nasabihan nya ng tungkol sa therapy na gagawin sana nila ni Dr. Arevalo.

Si Albert nga kaya?

Ayaw nyang isipin.

Kailangan nya bang balaan si Lance tungkol kay Albert?

Pero si Albert nga ba talaga ang may kagagawan ng lahat?

"Are you okay?" tanong ni Jessie sa kanya na hindi na nya narinig, dahil nakatuon ang atensyon nya sa nagri-ring na cellphone.

Iniisip kung sasagutin ba ang tawag.

Tawag na mula kay Albert.

To be continued...

ABANDONED [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon