s i x

191 7 4
                                    

revised 15.11.28

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------ 

 

Chann's POV


Pagka-dating ko sa school, agad kong nakita si Jacque saka ko sya inupakan.

"Gago!" bulyaw nya sakin at tinawanan ko lang sya.

"Uy bro, yung 1k ko. Baka nakakalimutan mo." dagdag pa nya't sinimangutan ko sya.

"Mukha ka paring pustahan at pera. Kaya di ka pumuputi e." komento ko't sinamaan nya ako ng tingin.

"Usapang kulay ng balat nanaman ba yan? Uupakan talaga kita." banta nya pero binelatan ko lang sya. Napailing nalang sya sa inasta ko't pumasok kami sa classroom namin.

**

Habang tumatagal, napansin kong parami ng parami yung mga kaklase namin pero di parin dumadating yung babaeng masungit. Nilingon ko yung kaibigan nya't nginitian nya ako.

"Hi!" bati nya kaya sumagot ako ng isang 'Hello' sa kanya.

"Ano, pasensya ka na kay Brie ha? Ganun lang talaga yun. Ako nalang hihingi ng pasensya sa mga salitang sinabi nya." sabi nya't nginitian nya ako ng tipid. Buti pa to mabait. -.-

"Wala yun. May kasalanan din naman kasi ako, sinabi na nyang ayaw nya pero pinipilit ko sya. Wag kang humingi ng pasensya. Hahaha! Parang ikaw may kasalanan e." paliwanag ko. Nako Chann, natututo ka ng magsinungaling. Big deal kaya sakin yung pag-reject nya ng offer ko. Tsk. Ako na nga nakikipag-kaibigan e. -.-

"So, friends?" tanong nya sakin at inabot ang kamay nya. 

Tinanggap ko ito, "Friends." sambit ko't nginitian ko sya.

"Ehem." may nag-peke ng ubo kaya napalingon kami kung sino yun. Si Jacque.

"Hoy pangit, since kaibigan mo na din tong kaibigan kong pangit din katulad mo, papakilala ko sya sayo." paliwanag nya't naningkit naman ang mata ni Jia.

"Sya si Chann. Mukhang mabait pero abnormal yan. Halata naman diba? Wag kang masyadong magdi-dikit dyan. Baka lalo kang pumangit." sambit nya't lalong naningkit ang mata ni Jia.

"Kahit na pangit pa ako, at least maputi ako. Di ako nognog. Negro!" sabi nya't napatawa ako. Kapag talaga sa asaran, kahit anong sabihin ni Jacque sya parin talo.

Tinitignan ko lang sila habang nagbabangayan sila. Parang mga bata. Wow, nagsalita ang hindi.

Habang tawa ako ng tawa't sila'y nagbabangayan may biglang nagsalita kaya napatigil kami.

"Umagang-umaga sinisira nyo araw ko." malamig na sabi sa amin ni sungit.

"Ay sorry Brie! Di kita napansin. To kasing negrong to e! Laking harang." sambit ni Jia pero nakatitig lang sya samin.

"Hi Brieanne." bati ni Jacque pero tinanguan lang sya ni Sungit.

Nagulat ako ng bigla syang humarap sakin, "Move." sambit nya't nagtaka ako.

"I said move. You're sitting on my place, mister." she said coldly. Kinilabutan ako bigla sa kanya. 

Dali-dali akong tumayo't lumipat. Di ko man lang namalayan na upuan nya pala ang inuupuan ko.

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Jacque at ang paghagikgik ni Jia. Mga siraulo.

"Oy sungit." tawag ko sa kanya't tinignan nya lamang ako.

The Derp and I (Chanyeol FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon