n i n e t e e n

35 4 2
                                    

Brieanne's POV



"BULAGA!"

"WAAAAAH!"

"HAHAHAHAHAHA! YOU SHOULD'VE SEEN YOUR FACE!" tawa ng magaling kong kuya- I mean, kuya kong bading.

"Ano ba, Kuya? Bat ang hilig mong manggulat ha?" iritableng suway ko sa kanya pero ngumisi lang sya.

"Bat ang sungit mo? Meron ka no?" sagot nya habang may nakakalokong ngiti sa mga labi nya.

"Tsk. Ewan ko sayo, Kuya! Bahala ka dyan! Magsisimula na yung program!" inis na sambit ko sa kanya't nagsimula ng maglakad. Bahala sya sa buhay nya.


Kung nagtataka kayo kung bakit ko kasama yang bading na yan, well, sisihin nyo ang AU. May Siblings Day daw kuno. Argh.


"HOY ANNE! SANDALI!" rinig kong tili este sigaw nya pero mas binilisan ko lang yung paglalakad ko.

"Stupid brother." bulong ko sa sarili ko. Kaasar talaga.


*thud*


"Ouch." daing ko. Stupid Brieanne. Bat ba kasi di ako tumitingin sa dinadaanan ko? -______-

"Sorry, Hades." napatingala ako't nakita si derp. O-kay?

"Nah, ako din naman may kasalanan." sabi ko't tinulungan nya akong tumayo.

"Bat ka ba nagmamadali?" tanong nya't tinuro ko ang direksyon ng kuya kong bading na papunta dito.

"Bat mo ba iniwan?" aba't ang daming tanong nito ah.

"Makulit e. Kaasar pa. Asan si Ate Yvonne?" tanong ko sa kanya't tinuro nya kung nasan sya.


"Uy! Brieanne!" bati nya't kinawayan ako. Nagulat ako nung bigla syang tumakbo't niyakap ako ng mahigpit.

"I-I c-can't b-breathe a-ate." sabi ko pero hindi ata nya narinig.

"Ate naman, hindi makahinga yung tao. Parang taon na ang nakalipas simula nung magkita kayo." suway sa kanya ni derp at binitawan na ako ni Ate Yvonne napatawa ako ng mag-pout  sya. 

"HOY ANNE!" napapitlag ako ng sigawan ako sa tenga ng Kuya ko. Tsk. Bading talaga to. Confirmed na.

"Kuya, mahiya ka nga." suway ko sa kanya't napatingin sya kay Ate Yvonne. Nakita kong nanlaki ang mga mata ni Ate Yvonne at tinuro ang Kuya ko.


"Omg. Blaze? Ikaw na ba yan?" gulat na tanong ni Ate Yvonne at ngumiti lang si Kuya.

"Omg talaga! Ano ba yan, Brieanne! Bat di mo sinabing Kuya mo pala sya?" tanong sa akin ni Ate. Sasagot na sana ako pero biglang sumingit si derp.

"Yung totoo, ate? Nagtanong ka ba sa kanya? Tsk." yamot na sagot nya't piningot sya ng Ate nya. Bagay nga sayo.

"Teka teka teka, magka-kilala kayo?" tanong ko't tumango naman silang dalawa. Ano? Mag-ex sila? O___O

"Wag nyong sabihing mag-ex k----"

"Yuck." 

"Kinikilabutan ako." dinig kong reklamo nilang dalawa't makikita mong diring-diri sila sa sinabi ko.

"Ano ka ba, Anne? Kaklase ko yang si Yvonne at isa sya sa mga matalik kong kaibigan. Sya ang may pasimuno kung bakit ako tinatawag na bading ng mga kakilala ko't mga kaibigan ko. Pasaway ang babaeng yan." natawa ako ng magsalita si Kuya. Mukha kasi syang batang nagsusumbong sa nanay nya. Bigla namang sumingkit ang mga mata ni Ate't binatukan nya si Kuya.

The Derp and I (Chanyeol FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon