revised 15.11.29
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Brieanne's POV
Natapos ang araw ko na naging maingay ang buhay ko. Matapos ng sinabi ko yun sa kanya, ginulo nya lang ako buong araw. Isama mo pa ang kaingayan ni Jia at Jacque. Hindi ko alam kung magsi-sisi akong sinabi ko yun at kinausap ko si Jacque ulit. -.-
Puro tawanan lang ang naririnig ko buong maghapon. Tinignan ko parati si Jia. Ang saya nya, sobra. Ngayon nalang kasi talaga ako nakihalobilo sa iba.
Habang kasama ko sila sa University Park, nakatanggap ako ng text galing sa kuya ko.
From: Kuya Blaze
Lil sis, san ka?
Napa-iling na lamang ako sa text ng Kuya ko.
To: Kuya Blaze
Park. Why? Fetch me now.
Naiirita na ako sa ingay ng tatlong to. Kanina pa ako nananahimik dahil kino-control ko ang sarili ko sa pagsasalita, baka kung ano nanaman ang masabi ko.
"Uy sungit, tahimik mo ah?" tanong sakin nung derp.
"Tch."
"Hoy Chann, wag mo ng gambalain si Brie. Nananahimik yung tao." sambit ni Jia. Buti naman at alam mo. -.-
"Brieanne, kotse ng kuya mo yun diba?" napalingon ako sa direksyong tinuro ni Jacque at tinanguan ko sya.
Hinintay kong bumaba ng sasakyan si Kuya. Napa-iling ako pagkababa nya. Nakabihis kasi sya.
"Hi Guys." bati ni Kuya sa kanila.
"Hi. Who are you?" magalang na tanong ni Kuya dun sa derp.
"Chann Yvan Palma. Bagong kaibigan ni Brieanne." sagot nya't nginitian nya yung Kuya ko. Ngayon ko lang napansin, ang liit pala ng kuya ko kumpara sa kanya.
"Nice to meet you." sabi ni Kuya't nilingunan nya ako. Binigyan nya ako ng isang makahulugang ngiti pero inirapan ko sya.
"Uy guys, una na kami ha? May pupuntahan pa kami nitong kaibigan nyo. Jacque, pansin ko lang. Di ka parin pumuputi." mabilis na sabi ng Kuya ko't bigla nya akong hinila para tumakbo.
"YA! ANG SAMA MO TALAGA!" rinig kong sigaw ni Jacque at napatawa na lamang ang kuya ko.
**
"Oy Anne, may bago ka na palang kaibigan. Anong nangyari?" tanong nya.
"He kept on insisting to be my friend. Nairita ako sa kanya nung una at kung ano-anong mga salita ang nasabi ko then----" hindi ko natuloy ang sinabi ko dahil nagreact si Kuya.
"WHAT?! Ano namang sinabi mo? Hindi kita tinuruan----" ngayon ako naman ang pumutol sa sasabihin nya.
"Let me finish first Kuya." inis na sambit ko sa kanya. "May mga salita akong nabitawan na medyo masakit for his part. Then napansin kong naiilang sya whenever I'm around so I gave him a chance to be my friend." I explained at napangiti si Kuya.
"So, did you say sorry?" tanong nya't umiling ako.
"Bat di ka humingi ng paumanhin?"
"I won't do that. Never." inis na sambit ko sa kanya.
"Alright, if you say so. Uwi muna tayo then magbihis ka. May pupuntahan tayo." sabi nya't tumango na lamang ako.
**
BINABASA MO ANG
The Derp and I (Chanyeol FanFic)
FanficHi, my name is Brieanne Hadley Buenavista. A simple outgoing girl who became a cold-hearted one because of a fvcking incident. I'm still here hoping. Hoping that one day, I will go back to my old self.