o n e

395 11 2
                                    

revised 15.11.15

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Brieanne's POV

Ugh. Wednesday. Kung pwede lang sanang 'di na mag-aral ginawa ko na, pero hindi pwede. Oh well, gagawin ko nalang yung parati kong ginagawa, I'll just go with the flow.

"Kuya Blaze, 'di ka pa ba tapos dyan? Ang bagal mo." inis na sambit ko sa Kuya ko.

"Mag-hintay ka nga! Nakng!"

"Ayan nanaman kayo. Kayong dalawa, 'di na kayo napagod sa kakaganyan nyo. Araw-araw nalang. Hay, 'di ko na alam gagawin ko sa inyong dalawa." sermon ni mama sa amin ni Kuya.

"Kuya! Dalian mo! Tss." reklamo ko sa kanya at inirapan nya lang ako.

"Tara na! Jeez. Such a brat." inis na sambit ng Kuya ko bago kami umalis ng bahay. Tinapunan ko lang ng tingin si mama't tinanguan sya. Call me rude but I don't care. Sanay na din naman sila, so why bother?

**

"Hoy! 'Di porket malakas ka sa'kin, e, ginaganyan mo na ako." reklamo ng Kuya ko habang nagd-drive sya papuntang school.

"So?" sagot ko sa kanya ng 'di man lang tumitingin sa kanya.

"Aba! Hoy Brieanne Hadley! Matuto kang tumingin kapag kinakausap kita." sabi nya sa akin. I looked at him with a bored expression, "Happy?" tanong ko sa kanya at napasimangot sya.

"Pwede ba Kuya? Shut up and just drive. Baka ma-late ako." inis na sabi ko sa kanya at nanahimik sya.

"Damn. Bat ka ba kasi nagkaganito? It's frustrating." bulong nya pero di ko maintindihan.

"Did you say something?"

"Wala."

**

"Just text me and I'll pick you up later okay?" bilin ng Kuya ko at tumango lang ako. He sighed and waved goodbye.

Naglakad ako papasok ng gate. Wala namang importante. Same faces. Same environment. Nakaka-sawa na din dito.

"Brie!"

Napalingon ako sa tumawag sa akin. Isa lang naman ang tumatawag na 'Brie' sa akin.

"What do you want Jia?" emotionless na sagot ko sa kanya.

"Wala. Namiss ko lang best friend ko. Pa-hug nga!" sambit nya't niyakap nya ako.

"Ugh! Stop that." sabi ko at tinulak ko sya ng bahagya. 'Wag kayong oa, konti lang.

She sighed and smiled a little.

"Tara na nga Brie, punta na tayo ng room." she said at hinila nya ako.

**

Tahimik lang akong nakatingin sa labas ng bintana. Ang ingay kasi sa room. Wala pa si Miss, kaya mukha nanaman silang nakawala sa kwadra.

"Boo!"

"Gulat ako." I sarcastically said and looked at Jia.

"Aish! Gaga ka talaga. Alam mo ba---"

"Hindi ko pa alam at hindi rin ako interesado." sagot ko sa kanya at napasimangot sya.

"Ang lalim ng iniisip mo Brie, ano ba iniisip mo? Ay mali, sino ba iniisip mo? Sya nanaman ba?" tanong nya sa akin at 'di ako sumagot. Sayang laway ko.

"Ano ba yan! 'Di ba mapapanis laway mo nyan? 'Di ka man lang sumasagot. Yoo-hoo? Brieanne Hadley? Are you there?" sambit nya't napangiti ako ng tipid. Loka talaga.

The Derp and I (Chanyeol FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon