t w e n t y f i v e

42 3 2
                                    

Jia's POV



"Ows? Sure ka ba talagang okay ka lang?"

"Oo."

"Weh? Totoong-totoo?"

"Oo."

"Walang halong biro?"

"Oo nga."

"Yung totoo, okay ka lang?"

"Oo nga kasi."

"Wag mo'kong lokohin, okay ka lang? Kaya mo ba?"

"Oo nga kasi sabi."

"Weh?"

"OO NGA SABI E! HOY, DERP! TIGILAN MO'KO! MASASAPAK KITA!"

"Ayan, yan lang hinihintay ko para mapatunayang okay ka nga."


Napa-iling nalang ako sa usapan ng dalawa. Parang mga timang kasi. Day 3 na ng Intramurals at may laban sina Brie ngayon, kaso mukha syang matamlay at namumutla sya. Napansin ata ni Chann kaya tinanong nya ng tinanong. Mga galawang Palma talaga. Kunwari kukulitin pero deep inside, concern to the highest level. Tsk.


"Ang ingay nyo, alam nyo ba yun?" reklamo ni Rae at tinignan lang sya ni Chann.

"Wag ako sisihin mo, Salvador." masungit na sagot sa kanya ni Brie at napatawa ako.

"Anong tinatawa-tawa mo dyan, Lorenzo?" mataray na tanong nya't mas lalo akong natawa.

"Bad trip ka na. Hoy, Chann! Tigilan mo na si Brie, baka di ka matantsa nyan at matuluyan ka." pilit kong pinipigil ang tawa ko pero di ko ata magawa. Si Brie kasi yung tipong tatawagin ka na sa surname mo kapag inis na o kaya bad trip sayo.


"Hey." napatingin kami kay Shaughn dahil tinawag nya si Brie. Sumasama-sama sya sa amin since pinsan nya si Rae pero silang dalawa lang talaga ni Harvey ang nagpapansinan. Pareho ang takbo ng utak ng dalawang yan e.

"What now, Yu?" tamo to, bad trip talaga. Sinusungitan pati yung past nya. Mehehe.

"Calm down, may laro pa kayo mamaya." napa-kunot ang noo ko sa sinabi ni Shaughn. Close sila? Close sila? Nakakagulat, parang walang nangyari between them.


Mas lalo atang kumunot ang noo ko nung makita kong unti-unting nawawala yung pagkakakunot ng noo ni Brie sa sinabi nya. Ey, mayroon ba akong hindi nalalaman?


"Okay." narinig kong sambit ni Brie at nakita ko din ang pagka-kunot ng noo ni Chann. Naguguluhan na talaga ako dito.



What the hell, Brie? Don't tell me you're falling again? Damn.



**


Brieanne's POV


"Calm down, may laro pa kayo mamaya." Kunot noo parin akong nakatingin kay Yu dahil sa sinabi nya. Pero there's something weird about his voice na parang nagpakalma sa akin at naramdaman kong naalis ang pagkaka-kunot ng noo ko.

"Okay." sabi ko nalang at ginulo nya ang buhok ko. Naramdaman ko yung mabilis na pagtibok ng puso ko. Ugh. Ayan nanaman! Nakaka-inis. Madalas na hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Nakaka-irita. Tsk.

The Derp and I (Chanyeol FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon