t w e l v e

42 3 1
                                    

Chann's POV


Hindi parin kami makapaniwala doon sa sinabi ni sungit. Sabi nga namin ay baka imposible yun dahil base sa kinuwento nya ay magtatagal na sya doon at baka hindi na bumalik pa. Isa pa, hindi lang naman sya yung taong singkit di'ba?


"Hoy Brie, wag ka ngang paranoid dyan. Napaghahalataan ka e." asar ni Jia sa kanya na ikinasimangot naman nya.

"Ewan ko sayo. Ilaglag kita kay Mark e." bulong nya pero dinig ko. 

"Ha?" takang tanong naman ni Jia sa kanya kaya natawa ako.

"Wala. Bingi." masungit na tugon nya kay Jia.

"Maganda nga sana, kaso bingi naman. Tsk." gatong pa ni Jacque.

"May sinasabi ka dyan negers?" tanong ni Jia sa kanya't napa-poker face si Jacque.

"Wala, bingi ka nga talaga. Tsk." pagmamaktol nya. Tumingin naman sa akin si Jia na para bang nagtatanong, nagkibit-balikat nalang ako.


Inasar lang namin si Jia tungkol sa pagiging bingi nya sa mga bagay-bagay at sa mga salitang sinasabi namin. Inis na inis sya sa amin pero tinatawanan lang namin sya. Pinagtitinginan na nga kami ng mga ka-schoolmate namin dahil ang ingay namin sa corridor.


"Anong gusto nyong kainin? Ako na mag-oorder." presinta ni sungit pagkarating namin ng cafeteria.

"Carbonara!" sabay na sambit nina Jia't Jacque. Nagkatinginan pa sila't sabay din nag-iwas ng tingin. Feeling ko talaga, may something talaga sa dalawang to.

"Okay. Hoy ikaw derp, samahan mo'ko." sabi nya at tumango ako. Nabigla nalang ako ng hinila nya ako.

"Wag kang mag-inarte. Bigyan natin ng 10 mins. ang dalawang yun. Mga torpe't manhid." sambit nya kaya naman napa-iling ako habang naka-ngiti.

"Bakit ka ngumingiti dyan? Ang creepy mo talaga." reklamo nya kaya napa-chuckle ako't ginulo ang buhok nya.

"You want them to end up right? Pasimple ka pa." natatawang sambit ko sa kanya. Tumingkayad sya bigla't tumalon ng konti para pitikin ang noo ko.

"Don't state the obvious. Pero malay natin, mag-iba ang ihip natin." nangiti din nyang sagot sa akin.


Aish. This girl never fails to make me smile.


**


Jia's POV


Tinignan ko ng masama sina Brie at Chann kahit na di nila nakikita. Mga bwisit yun! Nananadya ata talaga e. 

One word, awkward.


"Uhh..." sabay na sambit namin ni Jacque at napatawa sya.

"Ano ba yan.." sabi ko.

"Ako lang ba o ang awkward?" tanong nya sa akin.

"Awkward talaga." sagot ko naman. Nagulat ako ng bigla nya akong pinitik sa noo.

"Wag ka nga! Para namang di tayo ganito dati pa ah?" sabi nya't napa-chuckle sya. Argh. Masakit kaya! Makatawa tsk.

"Eh kasi ano..." 

"Jia..." seryosong sambit ni Jacque sa pangalan ko. Tinignan ko sya't titig na titig sya sa akin. May dumi ba ako sa mukha?

"I like you." WHAT? Tama ba ang nadinig ko?

The Derp and I (Chanyeol FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon