revised 15.11.16
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Brieanne's POV
As usual, ganun pa din ang umaga ko. Wala namang espesyal.
"Bakit maga 'yang mga mata mo, Anne?" tanong ni mama't nagkibikit-balikat lamang ako. Ramdam kong nakatingin sa akin si Kuya kaya agad ko syang nilingon at binigyan ng malamig na tingin.
"Dalian mong kumain at nang maihatid na kita." imik ni Kuya't nagpatuloy lamang sa kanyang pag kain.
*bzzt*
Naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko pero di ko ito pinansin dahil nasa harap ako ng hapag kainan.
"Anne, kamusta?" tanong sa akin ni mama.
"Ayos lang po." sagot ko naman at napabuntong hininga sya.
"Ang ibig kong sabihin, kamusta ang pag-aaral mo? Wala ka bang problema?" malumanay nyang tanong sa akin.
"Ayos lang naman po pag-aaral ko, Ma. Problema po ba kamo? Madami." malamig na tugon ko sa aking ina't napa-iling na lamang sya.
"Alam ko namang ayaw mong sabihin sa amin yang nararamdaman mo pero nandito lang kami sa tabi mo, okay? Malalagpasan mo din yan. Magiging lakas mo kami ng Kuya mo't huwag mong kalimutang tumingin sa itaas." payo nya't tinanguan ko lamang sya.
Tumayo ako't tumingin kay mama, ngumiti sya at nag-tooth brush ako. Pagkatapos nun ay lumabas na ako para puntahan ang Kuya kong naghihintay.
**
"Brieanne..." tawag sa akin ng Kuya ko pagkababang pagkababa ko sa kotse nya. Nilingunan ko lang sya.
"If you have a problem, always remember that I'm here by your side okay? Don't forget that." sambit nya't tinitigan ko lamang sya.
"Are you done, Kuya? Okay. I'll go now, thanks for the advice by the way." sagot ko't tumalikod nako. Wala ako sa mood makipag-sagutan sa kanya. Naiirita ako dahil ang kulit nya. Alam ko namang alam nyang ayaw kong pagusapan ang bagay na yun. Tss.
Bago ako tuluyang pumasok sa room namin, chineck ko muna yung phone ko.
2 unread messages
From: Jiaganda
Brie! Wag mong kakalimutan ah? Mag-mall tayo! Wala ng bawian! See you sa room :*
Napa-iling nalang ako sa text nya. Sana naman kahit ganto lang maka-bawi ako sa kanya.
From: 0906*******
I'm sorry for disturbing you with my texts. I promise that this will be the last one. But I'll still watch and guard you from afar. Take care.
Awtomatikong napakunot ang noo ko sa text ng taong to. Watch and guard? The hell? Stalker ba sya? Well, wala na din akong pake sa kanya since sabi nya last na yung text na to. I just shrugged the thought and proceeded my way to our classroom.
**
"Class, may bago kayong magiging kaklase. Remember the guy that I'm talking about? He's gonna transfer this day. Hindi ko lang alam kung bakit hindi nalang next week. But, oh well. Go inside and introduce your self, young lad." pahayag ni Miss. Okay, wala naman akong paki sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Derp and I (Chanyeol FanFic)
FanfictionHi, my name is Brieanne Hadley Buenavista. A simple outgoing girl who became a cold-hearted one because of a fvcking incident. I'm still here hoping. Hoping that one day, I will go back to my old self.