Lorenzo has been standing outside the emergency room of the hospital where she brought Elaina for hours. Hindi niya maintindihan ang kaba ng makita niya itong bigla na lang natumba at nawalan ng malay sa party. Ngayon nga ay hinihintay na lang niyang magising ang babae para masabi dito ang resulta ng mga test kung bakit ito hinimatay.Congratulations, sir. Eight weeks on the family way na si misis. Stress at pagod ang cause ng pag pass out niya. All in all normal naman lahat ng tests niya.
Parang record player na paulit – ulit na nagpi – play sa utak niya ang sinabing iyon ng doctor na tumingin kay Elaina. Napagkamalan pa siyang asawa ng babae ng mga hospital attendant siguro kasi nakita na sobra ang kanyang pag – aalala.
She is pregnant.
Naihilamos niya ang mga palad sa mukha. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit nababalisa siya sa nalaman na kalagayan ng babae. Is he worried that she is pregnant or he is worried na baka siya ang tatay noon?
Jesus. I don't think I am ready to become a father.
Pero naisip din naman niya it was just a one night affair. Baka after what happened to them, may mga ibang lalaki din naman na dumaan sa buhay nito kaya hindi siya sigurado kung kanya nga ito.
But she was a virgin when I took her. And it's not her type to have sex to any man that she met.
Pero siya. Hindi nga ba at he is just one random male na nag – offer na maitutulong sa babae kung paano makakausap ang ama nito. And in return she will agree to have sex with him? Or ganoon lang talaga ka – desperado si Elaina na makausap ang ama nito kaya magagawa nito ang lahat?
"Fuck," mahinang sambit niya. Pakiramdam niya ay siraulo siyang nakikipag – talo sa kanyang sarili.
Huminga siya ng malalim at umalis na doon. Doon na lang siya sa loob ng emergency room at baka gising na si Elaina. Papasok na lang siya sa loob ng makita niyang naglalakad na palabas doon ang babae habang habol ng mga nurse.
"Elaina! Where are you going?" takang tanong niya at mabilis na lumapit dito.
"Naku sir, medyo makulit si mam. Sinabi na ho namin na wala pang discharge notice si doc pero aalis na daw siya. Kahit naman po may pambayad kayo eh, hindi naman po basta – basta kayo papaalisin hangga't walang advice si doc," paliwanag ng nurse na humahabol kay Elaina.
"But I am fine. Hindi na ako nahihilo. I need to go back to my event," sabi pa rin nito at talagang ayaw magpapigil na umalis.
Sinenyasan niya ang nurse na iwanan na muna sila at ginawa naman nito.
"You are not fine. Something is wrong with you kaya ka nag – pass out. Kailangan mo daw ng pahinga dahil stress at pagod ang cause noon," paliwanag niya sa babae.
Nailing na napakamot ito ng ulo tapos ay bumalik na lang sa pinanggalingang cubicle para maupo sa kama. Sumunod na lang siya.
"I can't find the doctor. Those nurses doesn't want to tell me what is wrong with me," naiinis na sambit nito.
"Because there is nothing wrong with you. You are just pregnant. Eight weeks," walang gatol na sambit niya.
Nakita niyang tila tinakasan ng kulay ang mukha ni Elaina sa narinig na sinabi niya tapos ay napatingin sa kanya at naging mailap ang mga mata.
"You're joking," sabi nito. Hindi maniwala sa sinasabi niya.
"Do I look like I am joking, Elaina? This is a serious matter," seryosong sambit niya.
"And I am fucked as hell," tila wala sa sariling sambit nito at napasubsob sa sariling mga palad.
"Is it mine?"
Gulat na napatingin si Elaina sa mukha ng binata ng marinig ang tanong na iyon. Ano nga ba ang sasabihin niya? Duda na rin kasi siya sa kanyang sarili na maaaring buntis siya pero dini – deny nga lang niya sa sarili niya. Two weeks after na may mangyari sa kanila ni Lorenzo ay hindi na siya dinatnan ng kanyang monthly period. At isa pa, wala namang ibang lalaking dumaan sa buhay niya kundi ang lalaking ito. Pero maniniwala ba ito kapag sinabi niyang ito ang ama ng dinadala niya? Siya na babaeng kakikilala pa lamang ay sumama na para makipag – sex dito.
Gusto niyang batukan ang sarili. Ilang beses na niyang sinabi sa kanyang sarili na hindi matutulad ang buhay niya sa naging buhay ng kanyang ina pero heto siya ngayon. Buntis sa lalaking kailan lang niya nakilala.
"Elaina, answer me. If it's not mine then tell me who the father is. Kailangan na malaman niya na magkakaroon na siya ng responsibilidad sa iyo," sabi pa nito. Dama niya ang sinseridad at concern sa bawat salita nito.
"I can take care of myself. I can take care of this baby," sagot niya.
Nakita niyang napailing si Lorenzo sa narinig na sagot niya. "Do you have a boyfriend? Si Zeus. Hindi mo ba boyfriend iyon?"
"Jesus! No!" kahit malaki ang kinakaharap na problema at natawa siya sa sinabi nito. "Mas guwapo pa sa 'yo ang boyfriend 'nun," sabi pa niya.
Nakita niya na naguluhan ito sa sinabi niya. "Zeus is gay?" hindi makapaniwalang sambit nito.
Bahagyang hinilot ni Elaina ang ulo bago sumagot. "Matagal na. Kung alam mo lang kung paano ka pagpantasyahan 'nun," sagot niya dito at tumayo para habulin ang nakitang doctor.
"I am totally fine. I feel better now. Can I please just go?" dire – diretsong sabi niya sa doctor na nakita niya.
"Naibigay ko na ang discharge slip mo sa nurse. Please coordinate with them," tanging sagot nito at dire – diretsong umalis para puntahan ang isang pasyente na hindi makahinga.
Ganoon nga ang ginawa niya. Hindi niya pansin si Lorenzo na nakasunod lang sa bawat ginagawa niya. Nalaman niyang nai – settle na pala ng binata ang bill niya at ng makuha ang discharge slip ay dire – diretso na siyang lumabas.
"Where do you think you're going?" narinig niyang tanong nito.
"I need to go back to my event. Kailangan ako doon," tanging sagot niya habang naglalakad palabas at naghanap ng taxi.
"Ganyan ka talaga ka – stubborn? The doctor said you need to rest for you and for your baby," sabi nito sa kanya at tiningnan ang suot niyang three inched high heeled shoes. "I have spare slippers in my car, iyon na muna ang isuot mo at baka mapano ka pa diyan sa taas ng takong mo," sabi pa nito.
Dama ni Elaina ang totoong concern sa kanya ng binata. Inalalayan pa siya nito sa paglalakad at iginigiya siya papunta sa parking lot. Nang makarating sa nakaparadang itim na Subaru Imprezza ay huminto siya.
"Look Mr. Villaruz –"
"Enzo. My friends and family calls me Enzo," pagtatama nito sa pagtawag niya.
Napairap siya. "Enzo," diniinan pa niya ang pagkakabigkas noon. "Even if this baby is yours, I am not going to bother you to take care of me. I know how to take care of myself and this baby," sabi niya dito.
"So you are telling me it's mine?"
"Of course it's yours. Wala naman akong nakasamang lalaki kundi ikaw lang," sabi niya dito at sumakay sa loob ng kotse.
Hindi agad nakakibo si Lorenzo sa narinig na sinabi ni Elaina. Mas iba pala ang impact kapag mismong sa bibig na nito nanggaling ang katotohanan na magiging tatay na siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/83414048-288-k862749.jpg)
BINABASA MO ANG
CLOSER TO LOVE
Lãng mạnAll Elaina ever wanted was to let Esmeraldo Pacheco, her father, knew about her existence. And to spit on his face because of what he did to her mother. She was willing to do anything just to face the man that wanted her dead. She would do anything...