Chapter Twenty Seven - Road to Forever

28.4K 812 6
                                    

       

Nang makalabas sa silid ni Elaina ay agad na napatingin si Kit sa lalaking nakasandal sa gilid ng pinto ng kuwarto.  Kitang – kita ang magkahalong pag – aalala at pagkainip sa mukha ni Lorenzo. 

"How is she?" punong – puno ng pag – aalala ang tanong niya.

"Medyo hilo pa at nagchi – chill pa.  Side effect daw ng anesthesia.  She just keeps on asking about her babies," sagot ni Kit sa kanya.

Nakaramdam ng lungkot si Lorenzo sa narinig.

"I'll go for now.  Ikaw na ang bahala sa kanya.  Please don't give her a hard time," sabi nito at umalis na doon.

Naihilamos ni Lorenzo ang palad sa mukha.  Hindi niya alam kung anong gagawin niya.  Mukhang hanggang ngayon hindi siya mapatawad ni Elaina.  He wanted to straight things up.  He wanted to be with her.  He wanted to have his family.

Bahala na.  Iyon ang naisip niya at pumasok sa loob ng silid ng babae.

Naabutan niya itong nakapikit at bahagyang nakakunot ang noo.  Siguro ay may masakit dito and he wanted to console her and took away all the pain that she is feeling right now.

"Kit, I told you, you don't need to be here.  Kaya ko na dito," kahit nakapikit ay sabi nito.

Hindi siya kumibo at naupo lang sa silyang naroon.

Nagmulat ng mata si Elaina at nakita niya ang pagkagulat ng makita siya.

"H – how are you?" iyon lang ang nasabi niya.

"What are you doing here?" dama niya ang hinanakit sa tono ng pagtatanong nito.

"I just want to know if you are okay," sagot niya dito.

"You don't need to be here.  Huwag kang mag – alala.  Hindi ko ipagkakait sa mga anak ko na hindi ka makilala.  They deserve to know who their father is kahit alam kong gagamitin mo lang sila para makuha ang gusto mo," sabi nito.

Lumapit siya sa babae at sinubukang hawakan ang kamay nito pero mabilis na umiwas ang babae.

"Elaina, it's not what you think.  Please hear my explanation."

Umiling lang ito at parang dinurog ang puso niya ng makitang tumutulo ang luha nito.

"Umasa ako, eh.  Kahit papano umasa ako na magkakaroon ng buong pamilya ang mga anak ko.  I don't want them to grow up like me," sabi nito.

"They're going to have their family, Elaina.  I am not going to turn my back on them.  I love them."

Napatawa ng mapakla ang babae. 

"You love them because they are your keys para makuha ang posisyon na gusto mo."

"I resigned," sagot niya.

Nakita niyang napatingin sa kanya ang babae.  Nakita niya ang kalituhan sa mukha nito kaya sinamantala niya.  Mabilis niyang hinawakan ang kamay nito at kahit gusto nitong bawiin ay hindi niya iyon binitiwan.

"You are more important to me than any position that they will give me.  You and our kids.  Kayo lang ang importante sa akin," sabi niya.

Hindi agad nakapagsalita si Elaina sa narinig na sinabi ng lalaki.  Ayaw niyang maniwala sa sinasabi nito pero iba ang sinasabi ng puso niya dahil nakikita niya ang sinseridad ni Lorenzo.

"Si Angie –" pinutol ng halik ng lalaki ang sasabihin pa niya. 

"Ikaw lang wala ng iba.  Ikaw at ang mga anak natin.  We will get married after this.  Hindi ka na puwedeng mawala sa akin.  I resigned as the president of POAD and I don't care kung anong mangyari doon.  I am willing to give up my racing life if you want me to do it.  I will do whatever you say, Elaina." Kitang – kita niya ang pagiging emosyonal ni Lorenzo.

"Pero, what if hindi mag – work out?" punong – puno pa rin ng pag – aalala ang isip niya.

Napahinga ng malalim ang lalaki at hinalikan ang kamay niya.

"Wala namang kasiguruhan ang lahat ng bagay.  Subukan na muna natin then if it falls apart, subukan ulit natin.  Paulit – ulit lang.  Walang bibitaw.  There is no such thing as a perfect relationship or perfect marriage.  Ang importante, we will work it out," sabi pa nito tapos ay muli siyang hinalikan.

CLOSER TO LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon