Hindi maaaring magkamali si Lorenzo sa nakikita niya. Si Elaina ang nakita niyang dumating sa Café Ilang – Ilang ng Manila Hotel. Hindi niya maialis ang paningin sa naglalakad na babae. She still looks sexy kahit pa nga buntis na ito. Hindi naman kasi halata sa itsura nito na nagdadalang – tao na ito. Black sleeveless top na naka – tuck in sa mustard colored pencil cut na palda. Bumagay pa dito ang pagkakapusod ng buhok na nagpakita sa maganda nitong mukha. And the way her hips sway while walking, wala sa loob na napakagat labi siya. Pero napatiim bagang din ng makitang nakasuot na naman ito ng high heeled shoes.
Pero ang mas nakatawag ng pansin niya ay ang table na tinungo nito. Naroon ang isang lalaki na naghihintay dito. Hindi niya maipaliwanag ang damdamin na biglang lumukob sa kanya. Pakiramdam niya ay nag – init ang kanyang tenga lalo na ng makita na tumayo ang lalaki at inalalayan na makaupo si Elaina.
"Enzo, are you alright?"
Napatingin si Lorenzo sa kaharap na nagsalita. Pinilit niyang ngumiti sa kaharap na ina. Ilang linggo na itong umuungot na magkita sila kaya heto nga at dinala niya sa Manila Hotel para mag – dinner. Alam niyang gusto siya nitong makausap tungkol sa mga plano niya.
"Y – yes, 'ma. I am alright," tanging sagot niya at tinapunan ulit ng tingin ang babae na kausap na ngayon ang katagpo nito. Hindi niya maipaliwanag ang inis na biglang lumukob sa kanya dahil nakikita niyang masaya si Elaina sa pakikipag – usap sa lalaki.
"No, honey. You are not okay. What is wrong?" kita niya ang pag – aalala sa mukha ng nanay niya.
Pinilit niyang maging maayos at hinarap na lang ang pagkain.
"Nothing. Please tell me why do you want to talk to me," iniba na lang niya ang pinag – uusapan nilang mag – ina. Manaka – naka siyang sumusulyap sa lugar ni Elaina at nakikita niyang nag – uusap lang naman ito saka ang lalaking kasama.
"Iho, your dad is asking for you. I know the two of you has some misunderstandings but please, i-set aside mo muna ang pride mo. He is been sick and ngayon pa lang nakaka – recover. Why don't you visit him? Saka two weeks ng nandito si Francis hindi mo rin pinupuntahan," sabi nito sa kanya.
Oo nga pala. Last week daw ay malaki na ang naging improvement ng kanyang ama. From a total vegetative state ay nakakagalaw na daw ito at nakakapag – salita na ng bahagya. The doctor said malaki daw ang chance na muli itong maka –recover.
"I don't want to give dad a reason na ma – stroke ulit. Okay na 'to, 'ma. Bayaan 'nyo na si daddy na makapagpahinga at hindi makunsumi. Saka para makapag – bonding silang dalawa ni Francis," sagot niya dito. Bahagya niyang naikuyom ang mga kamay ng makitang sinasalinan pa ng lalaki ng soup ang tasa ni Elaina.
What the hell is wrong with you, Lorenzo? Get it over! Elaina is free to date whoever she wants to date.
Iyon ang tila paalala ng isip niya.
"Lorenzo, I know something is bothering you. Ano ba ang nangyayari sa iyo at hindi ka mapakali diyan?" seryosong tanong ng kanyang ina. Marahil ay pansin nito ang kanyang pagka – balisa. Lalo na siyang parang asong naulol ng nakitang pinahiran pa ng panyo ng lalaki ang tumulong soup sa damit ni Elaina.
"That's it! I am going to talk to her," wala sa sariling sambit niya at tumayo doon. Hindi na niya pansin ang pagtawag sa kanya ng kanyang ina.
![](https://img.wattpad.com/cover/83414048-288-k862749.jpg)
BINABASA MO ANG
CLOSER TO LOVE
RomanceAll Elaina ever wanted was to let Esmeraldo Pacheco, her father, knew about her existence. And to spit on his face because of what he did to her mother. She was willing to do anything just to face the man that wanted her dead. She would do anything...